selfie with the prince

21 0 0
                                    

ows ?"

" bakit ba kay tigas ng iyong ulo. Hindi ko alam kung anong lihim ang sinasabi mo."

" Kahit hindi mo aminin, sigurado ako na Ikaw at ang Mandaragit ay iisa."

" Huwag ka nga lumikha ng mga haka-haka. Kung anu-ano na naman ang pumapasok na ideya riyan sa utak mo."

" Masakit pa ba ang sugat mo sa braso ?"

" hindi na gaano."

" see ? " Parang nagulat ito sa sarili sa nasabi. Huli na para bawiin pa nito iyon.

" Bakit kasi tigas ng deny mo samantalang huli ka na. Isa pa, baka nakakalimutan mo na ako ang kaharap mo. Daig ko pa ang paparatzi sa lakas ng pakiramdam at may sa aso yata ang ilong ko sa tindi ng pang-amoy. Walang lihim na nakakaligtas sa'kin. "

" Wala na akong sinabi. Taas na ang kamay ko sa'yo. " naiiling na wika nito saka bumuntong hininga.

" Bakit kailangan mo na magtago sa likod ng pagkatao ng Mandaragit ? Prinsipe ka naman. Kahit anong oras ay walang kukwestiyon sa mga ginagawa mo. Besides, you're only doing it for their safety. Kahit pa nalalagay sa panganib ang buhay mo bawat engkwentro mo sa mga tulisan. Katulad nalang noong una tayong nagkita. "

" Katulad nang sinabi ko, Ayesha. Ang batas ay batas. Hindi maaring makialam sa mga usaping pandigma ang isang dugong bughaw. Kaya nga ba't mayroon mga kawal na sadyang sinanay upang makidigma. Kapag nalagay sa panganib ang buhay ng hari at ang buong pamilya nito kasama na ang mga susunod na magmamana ng trono, mawawalan ng haligi ang isang kaharian."

" Alam mo, sa totoo lang .. wala akong bilib sa ilang batas na sinasabi mo. Minsan kasi, imbes na makatulong iyon sa mga tao, nagiging burden pa. Dapat siguro, i-try ninyo na amiyendahan ang ilan sa mga iyon."

" Naisulat na ang mga batas na iyon kahit bago pa ako isilang. Nagmula sa mga sinaunang hari ang mga utos na iyon na kailanman ay hindi maaring mabali."

" Sa palagay ko kasi, pwedeng gawin na kasangkapan ng mga masasamang loob ang mga batas na sinasabi mo. Bukod sa may magandang pakinabang iyon, may nakikita akong kahinaan sa isang banda. Kaya nga ba at nakatuon ang atensiyon ng mga tulisan sa Maharlikang pamilya, dahil hindi nila kayang protektahan ang kanilang sarili. Nakatali kayo sa isang batas na maaring makapagdala ng kapahamakan sa halip na kaligtasan."

The Prince stayed quiet for awhile. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito nakipag-argumento kay Freiya. Siguro ay medyo napag-isip niya ito sa mga sinabi niya.

" Oo nga pala. Bakit ayaw mo akong pakawalan ng araw na iyon ?"

" Dahil nakilala kita sa kabila ng kakaibang pananamit at pananalita mo."

" Nakilala mo ako ?" her nodded.

" Alam ko na ikaw ang Prinsesa ng Luseria kaya't mas dapat kitang mailayo sa kakahuyan nang mga sandaling iyon upang mailigtas sa mga tulisan. Mapanganib para sa iyo ang lugar na iyon."

" Sana naman kasi, sinabi mo agad." saglit siyang napaisip. Kunsabagay, kahit ipaliwanag nito nang mga panahong iyon na kilala siya nito ay wala din mangyayari dahil nang mga panahong iyon ay ngarag pa ang utak niya dahil sa kakaibang adventure na nasuungan.

" patawad kung natakot ka."

" wala 'yon. That's the truth about life. Kung nagkataon pala, nagpaalam na ko sa mga mahal ko sa buhay kung nakuha ako ng mga tulisan."

Nakasisilaw ang liwanag ng araw sa gawing iyon ng kakahuyan. She raise her hands and try to cover the sunlight with her palm. Pero tumatagos pa rin iyon sa kanyang mga daliri.

" ano ang iyong ginagawa ?" hinila nito ang renda ng Ibalon.

" Nakakasilaw. Alam mo ba na ganito rin kainit sa amin kapag summer ? kaya nga mabenta ang mga resort kapag ganoon ang panahon. Mahilig magbabad sa tubig ang mga tao dahil masyadong mainit. Parelax-relax lang sila. Parang ganun."

" ang tinutukoy mo ba ay ang Luseria ? hindi pa ako nakarating sa Luseria sa tag-init na panahon."

" ha ?" oo nga pala. Ang pagkakaalam nito ay lumaki siya sa kaharian ng Luseria.

" oo. Sa Luseria nga. Try mo minsan, maganda dun !" as if naman masasamahan pa niya ito sa kahariang iyon. Tiyak na nakabalik na ang Prinsesa na tunay na siyang makakaisang dibdib nito.

" Kailangan ko ng souvenir." Naalala niya ang cellphone. Dinukot niya ito sa bulsa at inilabas.

" pa-picture tayo, Jubal. Para naman may remembrance ang pagpunta ko dito." She turned the switch on of her phone. Mabuti na lamang at nai-off niya ito bago pa maiwan sa gubat at mapulot ni Aljubar. Kung hindi ay low battery na ito ng mga oras na iyon.

" Ano ang bagay na iyan ?" ang tinutukoy nito ay ang hawak niyang cellphone.

" Cellphone. Ginagamit 'to para makausap ang isang tao kahit nasa malayo o kaya naman para makatanggap ng mensahe galing sa ibang tao. Pwede din na ikaw ang magpadala ng mensahe."

" kailan pa nagkaroon ng ganyang klase ng kagamitan ang Luseria ? Sa totoo lamang ay maraming bagay na nakalagay sa iyong malaking supot ang hindi ko alam ang tawag." Ang supot siguro na sinasabi nito ay ang bag niya.

" huwag mo nang problemahin 'yon. Mawiwindang ka lang. Okay ? Sa ngayon, practice muna tayo kung pa'no magpaproject sa camera. Tara!" Bumaba siya sa Ibalon at sumunod naman ito.

" Magdahan-dahan ka nga, Ayesha. Mabato sa bahaging ito ng kakahuyan, baka matusok ka ng matutulis na bato." Para sa kanya ba ang pag-aalala nito o para sa tunay na Prinsesa ?

" perfect ! wait lang .." she set her phone to camera mode and started to capture their photo. Idinikit niya ang pisngi sa pisngi nito.

" Ready ? one .. two .. three .. Cheese" natawa siya ng Makita ang save picture sa kanyang gallery. Halatang pilit na pilit ang pag say cheese nito.

" Bakit nariyan ako sa loob ng gamit na 'yan ? Anong mahika ang ginawa mo ?"

" hindi mahika ang tawag diyan. Kundi technology. Palibsaha hindi pa hi-tech dito sa Minereya kaya nagtataka ka."

" Anong hi-tech ?"

" basta. Yun na 'yon !"

Ilang beses pa nilang inulit ang pagkuha ng litrato. Naroong kunan niya ito ng solo, naroong dalawa naman sila. Even his Ibalon ay hindi nakaligtas. Napaka Genuine ng smile ni Aljubar ng mga sandaling iyon. They looked like lovers on a date. Sinong mag-aakala na malimit silang magbangayan nang mga nakaraang araw ?

" Hindi ko pa nga pala nabanggit sa iyo na magkakaroon ng isang pagtitipon sa palasyo bukas. Darating ang iyong amang hari sa Mumbay." napatigil siya sa pagtingin sa kuha nilang mga larawan.

" Ang Hari ng Luseria, pupunta rito sa Mumbay ?

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon