Pagtitipon

17 0 0
                                    

ARAW NG PAGTITIPON ..

“ Ito ba ang susuotin ko, Alteya ?” aniya habang hawak ang isang magandang kasuotang Luserian na kung tawagin ay Kamsela. Maaring ganoon ang mga isinusuot na damit ni Ayesha. Hindi nakakapagtaka. Maganda ang damit na parang Sari at madulas ang mga tela nito. A Gold long dress with a logo encrypted sa right side ng laylayan. Marahil ay ito ang logo ng isang maharlikang Luserian.

She noticed how uneasy Altheya is. Parang balisa ito at tila kay lalim ng iniisip. Hindi lingid sa kaalaman niya kung bakit ganoon ka -uneasy ang dalagang Dama. Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya ng ma-hostage ng kapatid nito at ng mga tauhan nito ay ganoon na lamang ang paghingi ng tawad ng dalaga sa kanya. Siya na rin ang nagsabi sa dalaga na huwag lisanin ang kaharian para mas maprotektahan ito. Maaring paghinalaan ito kapag bigla na lamang nawala sa palasyo. She's a good judge of character afterall. Alam niya na hindi ito kasing sama ng inaakala ng iba. She even help her to escape. 

“ May sakit ka ba ? Namumutla ka kasi. Okay lang na ako ang mag-ayos sa sarili ko kung masama ang pakiramdam mo. Magpahinga ka na lang muna.” Nag-aalalang sabi niya.

“ Ha ? hindi. Mabuti ang aking pakiramdam. Huwag kang mag-alala mahal na Prinsesa.” Pinilit nitong ngumiti.

“ Ikaw ang bahala. Sigurado kang ayaw mong  magpahinga muna ?” umiling ito. Siya naman ang nakadama ng pagkahilo. Simula yata ng insidente sa kakahuyan ay nakaramdam na siya ng madalas na pagkahilo at panghihina. Pakiramdam niya, unti-unting nauubos ang lakas ng kanyang katawan. Kailangan lang siguro niya ng mahaba-habang pahinga para makabawi ng lakas.

“ Ayos ka lamang ba Mahal na Prinsesa ?” napansin yata ito ni Alteya.

“ oo naman. Baka hindi pa lang ako masyadong nakakabawi.” Hindi na lamang niya ipinahalata sa dama ang bahagyang panlalambot. Ayaw niyang makarating pa iyon kay Aljubar dahil tiyak na mag alala na naman ito.

Sinulyapan niyang muli ang damit na isusuot, tiyak na magmumukha siyang Prinsesa sa harap ni Aljubar at sa buong kaharian. Naalala niya tuloy ang sinabi ng bestfriend na si Cheche. She may become a Princess katulad ng madalas niyang panaginip. Nagkatotoo naman ngunit isang pekeng prinsesa ang kinalabasan niya.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon