sa pusod ng gubat

48 0 0
                                    

Saang kaharian ka nabibilang? Isa ka bang Diwani ? Kaya nga ba at mayroon kang dala na mahiwagang tubig ? ” nahulaan niya na ang tinutukoy nito ay ang alcohol.

“ huh ! wish ko lang na Diwani ako para magkaroon ako ng kapangyarihan.”

Bago ito muling makapagsalita ay may mga yabag ng kabayo silang muling narinig. Maagap siya nitong hinila pakubli sa puno. Napasandig siya sa dibdib nito at halos marinig na niya ang tibok ng puso nito.

Ang bango naman nya, kahit amoy pawis. He-he-he

“ Tumahimik ka nga, luka-luka ! “ saway niya sa sarili.

“ Ikaw ang tumahimik. “

“ Ha ?! shit ! what’s wrong with me ? nasisiraan na talaga ko sa lugar na ‘to bago pa ko makabalik e. Naman, Lord .. Help me. “

“ Ano ?” this is going too far. Kung hindi pa siya makakatakas sa lalaking ito ay baka hindi na siya makarating sa Sagradong Templo.

“ Kung maghihiwalay tayo, mas madali nating malalansi ang mga ‘yan. Ano, payag ka ?”

“ Huwag mo nga akong pangunahan.”

“ Hindi kita pinapangunahan. Nag sa-suggest lang. Kung ayaw mo, ‘wag mo ! Sungit !”

“ Naroon ang mga dayo !” sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Patay kang bata ka, nalintikan na. Lalong hindi siya makakaalis sa lugar na iyon kapag pati siya ay nadamay ng dahil sa pesteng Zorro na ‘to.

 Bago pa man siya makapag-isip ng dapat gawin ay lumabas na ang lalaki mula sa pinagkukublihan nilang puno at hinarap ang mga kawal.

"Aba .. aba .. ang tapang talaga ni Sungit. One is to five ang laban. This is my chance. " Mabilis siyang umibis palayo sa lugar na iyon. Pasensya nalang ang lalaking iyon, wala na siyang panahon para tulungan ito, tutal ay hindi naman talaga siya sangkot sa gulong iyon. Magpasalamat pa nga dapat ito sa kanya dahil nakuha pa niya itong tulungan mag disinfect ng sugat.

Saka lang niya napansin na parang may kulang ..

Shit ! naiwan niya ang bag pack ! kung babalikan pa niya iyon ay siguradong hindi na siya makakatakas. Baka isipin pa ng mga kawal na kasabwat siya ng lalaki.

“ cellphone ko .. ” bagong unit kaya ng Samsung ang cellphone niya. Premyo niya iyon sa sarili. Hindi na siya makakabili ng ganoong kamahal na gamit kung sa pagbalik niya sa kanyang mundo ay sesante na siya sa trabaho.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon