pers date

18 0 0
                                    

Nanatili lamang nakamasid sa kanya si Aljubar habang panay ang subo niya sa pagkain. Nakakailang ang pagtitig nito but she had no time to argue with him. Mas mahalagang lamanan muna niya ang kanyang kumakalam na sikmura. Mahirap sumabak sa isang giyera na gutom at nanghihina.

" Magdahan-dahan ka lamang. Walang sinuman ang aagaw sa iyong kinakain." Saka siya nito sinalinan ng isang basong tubig.

Patay gutom kaya ang tingin sa'kin nito ? o kaya ay may maitim na binabalak lang ? Biglang bumait e. Inabot niya ang tubig dito at tinungga habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mata ng prinsipe.

" Maganda pala ang iyong buhok, Makintab at itim na itim. Bagay sa iyong mukha." Hindi yata tinanggap ng sikmura niya ang sinabi nitong papuri kaya't hindi niya napigilan ang maibuga ang laman ng kanyang bibig na tumilapon sa mismong mukha nito.

Naiinis na pinahid ni Aljubar ang mukha.

" Sorry. Medyo nabigla lang ako. Hindi lang siguro sanay na pinupuri mo." dumampot siya ng pamunas, tumayo at tinulungan itong punasan ang mukha.

" Ako na lamang. Ituloy mo na ang iyong pagkain."

Sa halip na bumalik sa kinakain ay nanatili siyang nakatitig sa lalaki. May something talaga ang isang ito e. Ang behave ngayon.

" May sakit ka ba ?" pagkasabi ay hinipo niya ang noo nito at kasunod ay ang kanyang noo. Pinagkumpara niya ang temperatura nila.

" Normal ka naman. Wala kang lagnat. Teka .. Hindi kaya nakainom ka ng maling gamot ?"

" ano ba ang iyong pinagsasasabi ? maupo ka na nga lamang uli." Hinila siya nito pabalik sa kanyang silya.

" Nais mo ba ang mamasyal sa kakahuyan, Ayesha ?" naku, masamang pangitain ito. Siya ? ang babaeng archnemesis nito ay iniinbitahan na mamasyal ? No, no, no. May mali sa Aljubar na ito. May masama siyang pakiramdam sa biglaang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya.

" kung balak mo akong iligaw sa gitna ng kakahuyan, kalimutan mo na. Hindi mo ako mauuto katulad ng ginawa kay Hansel at Gretel ng step mother nila. Masaya ka !"

"Anong palagay mo sa akin, ganoon kababaw ang pag-iisip ? Kung hindi mo nais ang aking mungkahi ay hindi kita pipilitin. Ako'y nagmamagandang loob lamang."

" Oy, oy .. wala nang bawian 'yan. Kaysa naman magkulong ako sa kwarto ng buong araw, I might as well enjoy the view outside. Kaya kung meron kang maitim na binabalak, binabalaan kita. Hindi ako ganoon kadali maiisahan. Mabuti ng malinaw. "

" Kay gulo mo talaga kausap, babae ka. Tapusin mo na lamang ang iyong pagkain. Hihintayin kita sa likod ng Palasyo. Doon sa lagakan ng mga Ibalong pandigma." Humarap it okay Altheya.

" Samahan mo ang Prinsesa pagtungo niya sa likod ng Palasyo."

" masusunod po, Mahal na Prinsipe." Nakamasid lamang siya sa dalawa.

Really. Altheya gives a different aura. Kung nasa kanyang mundo nga lamang ito, malamang na maya't maya ay may nag aalok dito para mag artista. Kung siya ang prinsipe, tiyak na mahahalina siya sa angkin nitong kagandahan. Even the way she open her mouth to utter a word is oozing with charm. Hindi dapat nakatingin dito si aljubar. Siya ang fiancée nito dahil kasalukuyan siyang si Prinsesa Ayesha. " Hoy ! 'wag kang tumingin sa kanya. Ako lang ang dapat na tinitingan mo !" hindi na niya napansin na hindi na tinapay ang kanyang kagat-kagat kundi ang tela na pinamunas niya sa mukha ni Aljubar.

Saka lamang niya iyon napansin nang agawin ng Prinsipe.

" Pwe ! Pwe ! ano ba 'yan ?!"

naiiling na iniwan siya nito.

Sinundan na lamang niya ito ng tingin palayo. "Bumalik ka rito,aking Prinsipe !!!"

Ano raw ? kanyang Prinsipe ? At kailan mo pa naging pag-aari ang hambog na Aljubar na iyon ? Gumising ka, Freiya. Gising ! Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang kinakalawang na ideya roon.

" Kailangan mo nang magpalit ng kasuotan, Mahal na Prinsesa."

Oh yes. Ilang araw na nga pala niya suot ang kanyang damit. Hindi na niya napansin iyon sa dami ng pinagdananan at inintindi ng nagdaang mga araw.

Palihim niyang sininghot-singhot ang katawan. Hindi na masama. Mabango pa rin naman pala siya.

Iginiya siya ni Altheya pabalik sa kanyang silid pahingahan.

Nasalubong nila sa pasilyo si Prinsipe Ramsid.

" Kamusta ang iyong pananatili sa aming kaharian, Prinsesa Ayesha ?" nakangiting bati nito. This guy always wear a perfect disguise. Halata sa mga kilos nito kung gaano ito ka approachable sa lahat ng tao. Sinuklian niya ito ng matamis na ngiti.

" Good. infact, masaya nga ako dahil ipapasyal ako ng kapatid mong si Aljubar sa kakahuyan ngayon. Tapos kanina, pinakain nya ko ng sangkatutak na masasarap na pagkain. Ano sa palagay mo ? Parang bibitayin na ko noh ? Kinokondisyon muna bago ma-tsugi."

" Ha-ha. Ikaw talaga Prinsesa, lubha mo lamang binibigyan ng masamang kahulugan ang ikinikilos ng aking kapatid. Nais mo bang malaman ang isa sa kanyang pinakatatagong sikreto ?"

" Ano 'yon ? why not. Sige, i-chika mo sa'kin. Atin-atin lang 'yan."

" Si Aljubar ang klase ng Mumbay na taliwas ang kilos at salita. Hindi lahat ng kanyang sinasabi ay tugma sa kanyang nararamdaman.

" Hindi niya ipinahahalata kapag interesado siya sa isang bagay o sa isang partikular na Luserian na katulad mo, Prinsesa."

" Ibig mo bang sabihin, may pagnanasa sa akin ang Aljubar na iyon ? Malabo. Parang si Bella Flores ng buhay ko 'yun e."

Bago pa uli ito magsalita ay napadako ang paningin nito sa babaeng nakasunod sa kanya. Mabilis pa sa speedboat na tinungo nito ang kinaroroonan ni Altheya at kinuha ang nakasalikop na mga kamay ng babae.

" Walang nakapagsabi sa akin na mayroon palang Diwani na naligaw sa aming kaharian. Ikinagagalak ko na ikaw ay makadaupang palad. Ako ang unang prinsipe ng Mumbay. Ramsid na lamang ang itawag mo sa akin." nagpacute pa ang kumag. With matching beautiful eyes pa. Kahit pala maharlika sa Lugar na iyon ay may naliligaw pa rin na playboy.

Nakita niya ang gumuhit na iritasyon sa mukha ni Altheya. Parang napaso ito na biglang hinila ang mga kamay sa prinsipe.

" Ako ay isa lamang hamak na dama, mahal na Prinsipe. Hindi ako nararapat na ihalintulad sa isang Diwani."

" Kung ang lahat ng dama ay kasing ganda mo, Nanaisin ko na lamang manatili sa loob ng palasyo upang silayan ang iyong nakasisilaw na ngiti." Naks .. Hanep sa punchline ang prinsipeng ito. Ibang level, wuuu ! thumbs up !

" sana ay magkaroon tayo ng pagkakataon na mas makilala ang isa't isa. Halimbawa ay ang pamamasyal sa gilid ng lawa, ano sa iyong palagay napakagandang Dama ?" napansin niya ang pagkainip sa mukha ng dama. Kawawang prinsipe Ramsid. Hindi pa man nakakadiga, basted na agad.

" Paumahin mahal na Prinsipe, "

" oo, mahal din kita Altheya."

" Mahigpit na ipinagbabawal sa aming mga dama ang makisalamuha sa mga Maharlikang Mumbay sa Palasyo. Ipagpaumanhin mo ngunit hindi kailanman magkakaroon ng katuparan ang iyong nais. Patawad." yumukod si Althea sa harap nito. Kawawang Ramsid. Buti nga sa'yo !

Pagkasabi 'nun ay nagpaalam na ito sa Prinsipe at itinuro ang direksyon sa kanya. Bago siya tumalikod ay lumapit siya sa prinsipeng ang tangi lang yata nagawa ay kamutin ang batok sa pagkapahiya dahil hindi umepek ang pagpapacute.

" better luck next time, ram. Sa susunod, palitan mo ang style mo ng pambobola. Baka sakaling mauto mo si Altheya. Okay ? "

Tinapik pa niya ito sa balikat at sumenyas ng " Fighting ! "

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon