alam mo na hindi ako nagmula sa mundo ng Minereya?

27 0 0
                                    

Paroon parine ang lakad ni Freiya sa silid na pinag-iwanan sa kanya ng matandang babae kanina. Napagkamalan siya nito na si Prinsesa Ayesha. Hindi lamang iyon, maging si Aljubar ay tinawag siya na Ayesha. Bakit ? Iyon ang kanina pa niya paulit-ulit na iniisip. Ah .. kailangan na niyang makatakas doon. Dahan dahan siyang sumilip sa labas ng pintuan ng silid.

Walang bantay na mga kawal at walang Aljubar na haharang sa kanya.

This is it ! maingat na binuksan niya ang pinto at dahan-dahang lumakad palabas na hindi lumilikha ng anumang ingay. Mahirap na at baka mapurnada na naman ang kanyang pag eskapo.

“ Maligayang pagdating sa aming mundo.” Napatigil siya sa paglakad. The lady is smiling at her while staring on her face. Ganito ba talaga ang mga tao sa mundong ito, parang mga kabute?

“ Ho ?! “ lumapit ito sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang palad.

“ baka po nagkakamali kayo. Hindi po ako si Prinsesa Ayesha. Pasensya na po kayo.” Mabilis niyang binawi ang kamay sa matanda.

“ Batid ko iyan.” Siya naman ang nagulat.

“ Alam nyo po ? kung ganun, bakit tinawag nyo ako na Prinsesa Ayesha kanina ?” naguguluhang tanong niya.

“ Halika, doon tayo sa loob ng silid mag-usap.” Iginiya siya nito pabalik ng silid. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Mukha namang harmless ang matanda. Walang mawawala kung makikinig siya sa sasabihin nito.

“ Nang marinig ko mula sa isang dama na namataan ang Prinsesa ng Luseria na pagala-gala sa kaharian ng Mumbay, inakala ko na hindi nagkaroon ng bisa ang kapangyarihan ni Maimot.” Panimula nito. Freiya sat on the edge of the bed.

“ ngunit nang masilayan kita at makausap, nabatid ko na hindi ikaw ang aking Prinsesa.” Malungkot na nakatunghay lamang sa kanya ang matanda.

“ pasensya na po kayo, pero baka pwede nyo ako matulungan para makalabas sa lugar na ‘to? “

“ Hindi ganoon kadali ang iyong nais mangyari. Walang nakababatid kung paano ka makababalik sa iyong pinanggalingang mundo.”

“ A—lam nyo na hindi ako nagmula sa mundong ito ?”

“ Sapantaha lamang ang aking tinuran. Nang masilayan ko ang iyong kabuuan, nakabuo ako ng sariling kuro. Maaring magkatulad na magkatulad kayo ng mukha ng Prinsesa, ngunit bukod doon ay malayo ang inyong gawi at pananalita.”

“ Paano nyo po nalaman ang tungkol sa bagay na ‘yan ?”

“ Marahil, ang dahilan ng iyong pagdating sa aming mundo ay kagagawan ng Prinsesa.”

“ Ano po’ng sabi nyo ?!” The answer to her questions are slowly sinking into place. Ano ang kinalaman ng Prinsesa ng Luseria sa pagdating niya sa mahiwagang mundong iyon? Bakit siya ?

“ Maaring naguguluhan ka at hindi maniniwala sa mga pangyayari na nagaganap sa iyo ngayon.”

“ Hindi po. Try me. Kahit ano po ang sabihin nyo ay maniniwala ako. After all, ang makarating sa mundong ito ay napakaimposible na what more kung malalaman ko pa ang ibang detalye? Wala yatang imposible sa mundong ito.”

“ Patawad. Sa ngalan ng Prinsesa Ayesha, ako na ang humihingi ng iyong kapatawaran.”

“ Bakit kayo humihingi ng patawad ? Ano ho ba ang nagyayari, baka dapat ipaliwanag nyo na sa’kin para naman hindi ako mukhang tanga na nanghuhula.”

“ Sa pagnanais ng Mahal na Prinsesa na makatakas sa kanyang kapalaran, humingi siya ng tulong sa Diwatang Itim na si Maimot.”

“ so, youre’ telling me na ang lahat ng ito ay kasalanan ni Prinsesa Ayesha ? Ano naman ang kinalaman ko sa pagtakas niya sa kanyang kapalaran ? it doesn’t make sense.”

“ Wala akong maisasagot sa katanungan mo’ng iyan. Ang tanging batid ko lamang ay maaring kagagawan ni Maimot ang pagkakapunta mo sa aming mundo. Tanging siya lamang ang maaaring makapagsabi kung ano ang tunay na mga pangyayari. Sila ni prinsesa Ayesha. “

“ Naguguluhan pa rin po ako. Mas kailangan ko na pala marating ang Sagradong Templo kung gayon.” Bumadha ang pagtataka sa mukha ng matanda.

“ paano mo nalaman ang tungkol sa Sagradong Templo ?”

“ may nakapagsabi lang sa akin. Kailangan kong makarating doon para makausap ang Diwaning si Lubi.”

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon