bayan ng onombre

41 0 0
                                    

LIBLIB NA BAYAN NG ONOMBRE ..

Bago makarating sa masukal na parte ng Onombre sina Freiya at Prinsipe Aljubar ay itinigil na ng huli ang sinasakyang Ibalon at itinali sa sanga ng isang malaking puno.

Ang Onombre ay isang bayan sa Mumbay na matatagpuan sa silangang bahagi ng Palasyo. Payak at masaya ang pamumuhay ng mga Mumbayi sa bayang iyon. malayo sa panganib na dala ng ilang dayuhan na nagtatangkang gumawa ng masama sa kaharian. Pinoprotektahan ito ng salamangka ng isang Sumakob.  Isang matandang salamangkero na may alam sa kulam at gaway. Bagaman taglay nito ang kakaibang mahikang nagmula sa tribo ng mga Sumakob ay nanatiling mababa at mabuti ang kalooban nito. Ang mahika ay ginamit lamang nito upang mapangalagaan ang mga kababayan.

" Anong ginagawa natin dito ?" tanong niya habang inaalalayan ng prinsipe na makababa sa Ibalon. Mukha kasing aligagang- aligaga ang mga tao sa lugar na iyon. Makulay ang mga banderitas at tumutugtog ang ilang nagkakasiyahang matatanda sa saliw ng isang kuliling at tambol. Kung ilalarawan ang nakikita niyang kasiyahan sa mukha ng mga mamamayan sa Onombre, aakalain mo na nasa isang pistahang bayan lamang siya sa kanyang mundo.

" Kayong Jubal ! Kayong Jubal !"

Before Aljubar could answer her, dalawang paslit ang patakbong lumapit dito at tuwang - tuwang sinalubong ng yakap ng prinsipe.

Kasunod ng mga paslit ay isang lalaki na may hawak na tungkod na hindi nalalayo sa edad na sisenta.

" Maligayang pagdating, sa Onombre, Jubal." kinalabit niya ito at binulungan.

" Kunwari ka pa. aayaw-ayaw ka sa nickname na Jubal samantalang pinagkalat mo na pala."

" Matagal ko nang gingamit ang pangalang iyon sa labas ng palasyo. Hindi lamang ikaw ang tumatawag sa akin ng ganoon."

" talaga ? infairness ah ! ang galing ko manghula."

" Umayos ka, Ayesha. Sa lugar na ito, hindi ka isang prinsesa at hindi ako ang prinsipe ng Mumbay. Ayokong malaman sa ibang bayan ang ginagawa kong pagpuslit sa maliit na bayang ito. Maaaring magdulot pa ito ng gulo sa Onombre."

" Kaya naman pala pinagsuot mo ko ng gown ng lola mo. For disguise naman pala. Sige na nga , Sa'yo na ko !" Itinaas pa niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

" Sino ang matandang iyan, Kayong Jubal ?" anang batang babae habang hila nito sa kanang kamay ang Prinsipe.

Matanda ? Siya ?

Marami na ang nagsabi na baby face beauty siya pero never in her twenty five years in life na sinabihan siyang mukhang matanda.Ang sarap tuloy tirisin ng batang ito, pasalamat na lang at cute ang paslit kundi ay baka pinatulan na niya ito.

Sa halip na ipakita ang pagkairita sa bata ay ngumiti siya ng ubod ng tamis.

" Siya si .." before he could say anything ay inunahan na niya sng prinsipe.

" Freiya .." Awtomatikong  napatingin sa kanya si Aljubar. She's not even sure if she saw something inside his eyes the moment he heard her name.

  Yeah right, ang pagsabi ng pangalang Ayesha sa lugar na iyon ay para na rin pagbroadcast na siya ay isang dugong bughaw. Siguradong naisip na ito ng mayabang na lalaking iyon bago pa sila makarating sa Onombre. This is the only place where she can be what she really is. No pretentions and no questions.

" Gusto mo ?" saka niya iniabot ang dalang dalawang piraso ng candy galing sa bulsa.  Hindi naman siya nagkamali dahil tila napakadaling makuha ang kiliti ng bata. Agad na tinanggap nito ang ibinigay niya at tuwang-tuwang ipinagmalaki iyon sa kapatid.

" Ano ang bagay na ibinigay mo kay Alpa ?" nagtatakang bulong sa kanya ni Aljubar.

" Candy." Mabuti na lamang at may natira pang candy sa kanyang bulsa . Nalaglag ito nang magpalit siya ng damit kanina.

" Candy ? Saan iyon nagmula ? Kakaiba ang supot, makulay."

Natural lamang na pagtakhan nito ang bagay na iyon sapagkat walang ganoon sa Mumbay o kahit pa sa buong Minereya. Maniniwala ba ito kung sasabihin niya na nagmula pa ang bagay na iyon sa kabilang daigdig ?

" Pagkain 'yon. Basta, walang lason at safe kainin. Nakakasira nga lang ng ngipin ang sobrang pagkain ng Candy."

" Saan mo nakuha ?"

" Ha ? diyan lang sa tabi-tabi. "

Bago pa ito makapagtanong ng kung anu-ano ay nagsimula na ang mga palabas sa Onombre. Iba't ibang palaro at pagtatanghal ang mayroon sa programa.

Mumbay's own style of jogglers. Nagtanghal ang mga payaso sa ibabaw ng kung tawagin ay " Suwara ". Isang higanteng hayop na kasing lapad at kasing laki ng elepante. Nababalutan ito ng mapuputing balahibo at may mapapayat ngunit mahahabang biyas. Ang mahaba din nitong ilong ay nababalutan ng buhok na halos hindi na makita ang mukha.

A one big weird animal.

Naging maganda ang pagtanggap ng mga mamamayan ng onombre kay Freiya. Aside from the fact that they don't even know that she's the so called princess of Luseria. Well, kahit pa fake lang. She really enjoy being there. Mabait ang mga tao roon at masayahin. Hindi mahirap makagaanan ng loob ang mga kadalagahan, maging ang mga bata na tuwang-tuwa sa mumunting mga palaro.

Nagpunta siya sa isang bukas na dampa sa 'di kalayuan kung saan nagkatumpok ang ilang mga may edad na kalalakihan. nagkakasiya ang mga ito habang sa tantiya niya ay tumotoma sa katanghaliang tapat. Hindi tuloy niya napigilang makiusyoso at upang sa bandang huli ay mapaupo kasama ang mga ito.

" Freiya ! Anong ginagawa mo ? " namumula na siya nang maabutan ni Aljubar sa tumpukang iyon. Medyo typsy na rin siya dahil sa dami ng nainom.

" Kaya pala hindi kita mahagilap ay narito ka lamang pala. Tumayo ka nga riyan ! daig mo pa ang lalaki sa lakas uminom ng Beresa." hinablot nito ang hawak niyang bote na dagli din naman niyang hinablot pabalik.

Beresa ang tawag sa inuming nakalalasing sa Mumbay. Pinaghalong prutas ng Siriko at Miso ang sangkap nito kaya't tumapang ang lasa. Matamis at masarap ang Beresa. Lasang lambanog pero may halong lasa ng peach.

"  Jubal !" Parang napakatamis ng pagtawag nito sa kanya santalang pabulyaw naman iyon. Halos matumba pa siya nang tangkain niyang tumayo mula sa pagkakaupo. Tinapik niya ang binata sa balikat at pagdaka'y inakbayan.

" Kilala niyo ba ang lalaking 'to ?" namumungay ang mga mata ni Freiya ng mga sandaling iyon dala ng kalasingan. Akbay niya sa isang braso si ALjubar habang hawak ang bote ng Beresa sa kabilang kamay.

" kasama ko 'to ! Siya ang nagdala sa akin sa cute na cute na Bayan ng onombre. Akalain niyo 'yon ? May pakinabang naman pala ang isang ito paminsan-minsan. " pagkasabi ay muli siyang umupo paharap sa mga nagkakasiyahang kalalakihan at sumigaw ng 'TAGAY'.

ilang ulit pa siyang pinigilan ni Aljubar sa kahibangan ngunit hindi niya ito pinansin. Hindi naman siya nagkakalat e, nag-eenjoy lang. Afterall, hindi magiging kahihiyan ng prinsesa ng Luseria ang ginagawa niya dahil walang sinuman sa lugar na iyon ang nakakaalam ng katauhan niya.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon