binyan

22 0 0
                                    

sinipat-sipat niya ang leather na nakapaikot sa baywang nito.

He's wearing a typical prince costume. A gold tunic na hanggang tuhod with a silver lining sa bandang manggas, match with Tight black leggins na nakapaloob sa suot nitong boots. Maliban sa scepter at crown, mukha na itong prince charming ni Sleeping beauty.

" Belt ba 'yan ? Ang kapal ah ! " aniya habang hawak ang kanang leather.

" Huwag mo nga pakialaman ang aking Binyan. " Nang hilahin nito ang tinawag nitong Binyan ay kasamang nahila si Freiya. Nawalan ng panimbang si Prinsipe Aljubar kaya't magkasabay silang bumagsak sa sementadong sahig. Bumagsak siya paibabaw dito. When she looked at his face, She just realised how close they are. Naaamoy na niya ang mabango nitong hininga. Napapikit si Freiya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang siyang nakadama ng pagkahilo.

" Naririnig mo ba ? " aniya.

" ang alin ? "

" hindi ka ba nabibingi ? "

" ha ? " tila naguguluhan ito. Nanatili siyang nakapaibabaw dito na hindi na yata niya nabigyan ng pansin.

" Maingay. Malakas ang tambol ng drum. "

" Wala naman tumutunog na tambol. Umalis ka na nga sa ibabaw ko. Kababae mong tao, ang bigat ng iyong timbang." Hala ? mabigat daw siya ? Mabuti na lang at nagsalita ang hambog na prinsipe kung hindi, ay hindi pa babalik sa normal ang tibok ng kanyang puso.

Tumayo ito at padabog na pinagpag ang suot na Tunic na parang Puffy shirt na hindi niya mawari.

" binabalaan kita, huwag mong tangkain na gumawa ng gulo sa aming kaharian. Hindi ko mapapayagan na lumikha ka ng kaguluhan sa mga nilalang dito. Hindi ka dapat magtagal sa Mumbay. Sasabihin ko sa Hari na agad kang pabalikin sa Luseria. Ngunit habang ikaw ay narito, huwag kang gagawa ng anumang bagay na iyong pagsisisihan sapagkat ako mismo ang magpapataw sa iyo ng parusa. kahit ikaw pa ay prinsesa ng Luseria. Pakatandaan mo iyan." Pagkasabi ay mabilis itong umalis. Naiwan siya na sapo-sapo pa rin ang kaliwang dibdib dahil lakas ng tibok ng kanyang puso..

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon