Before she knew it, she was now standing in front of her room. Their last time together ends at that moment. Humalik muna ito sa kanyang noo bago nagpaalam. Naninikip ang kanyang dibdib, hindi niya alam ngunit tila may bikig ang kanyang lalamunan at hindi siya makapagsalita habang minamasdan palayo ang Prinsipe. Ganoon na lamang ba ? babalik siya sa kanyang mundo na bitbit ang sakit at paghihirap ng kalooban hatid ng pangungulila sa pag-ibig na walang kinahantungan kundi luha at pighati ? No, this is now or never. Hindi siya makapapayag na umuwing talunan. Katauhan niya bilang si Freiya ang minahal ni Aljubar hindi bilang si Ayesha na Prinsesa ng Luseria. She deserves to take her price. And the only price would be …
“ Aljubar ..!
Sinundan niya ito at mula sa likuran ay hinila niya ang dulo ng manggas ng suot nito. He automatically turn his face towards her.
“ May nakaligtaan ka ba na sabihin, Prinsesa ?” she shook her head. Nang mga sandaling iyon, hindi niya mawari kung lulubog ba siya sa kahihiyan at matutunaw na parang jelly dahil sa paglunok sa natitirang pride niya. As she thought, this is now or never.
“ Stay with me tonight.”
“ Ha ?”
“ gusto kong samahan mo ko buong gabi, Jubal. Hindi bilang Prinsesa mo o ng Luseria. Hindi dahil ako ang nakatakdang maging kabiyak mo, kundi bilang isang babae. Bilang ako na mahal mo. Please jubal, I won’t take ‘no’ for an answer.,”
“ naninibago ako sa’yo. May dinaramdam ka ba ? napansin ko na buong araw kang tila balisa. Nais mo ba na ipatawag ko ang Punong manggagamot ?”
Umiling si Freiya ng sunod-sunod.
“ What I want is you. Only you. So, please.. Gusto kitang makasama ngayon. Pero kung hindi mo ko mapagbibigyan, maiintindihan ko. Alam ko na kalabisan na ang hinihingi kong pabor sa’yo. Nagpapakababa ako sa harap mo. But I had no choice. At least for once, I want to know what it feels like to be in your arms. To feel how to loved and be loved at the same time.” Isang mahabang sandali ang namagitan sa kanila. Fine, suko na siya. Labag sa etiketa ng isang dugong bughaw ang samantalahin ang kahinaan ng isang babae, especially her. Which he thought was the princess. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha. She started walking towards the door ngunit bago pa niya maisara ito ay pinigilan na ito ng kamay ni Aljubar.
Tanging mga mata lamang nila ang nag-usap. Hindi na kinailangan pa ng anumang kataga. Kasabay nang pagsara ng pintuan ay ang mapusok na halik na kanilang pinagsaluhan.
Hindi na niya napansin kung kailan at paano sila napunta sa kama. Ang tanging alam lang niya ay ang mga mumunting kiliti na hatid ng mga halik nito. The most passionate kiss they shared, ever. Mayroon pa palang mas sasarap sa mga unang halik nito. Hindi niya napigilan ang lumuha ng mga sandaling iyon. Mixed emotions. Iyon ang nararamdaman niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng mga oras na iyon dahil ramdam na ramdam niya kung paano siya tratuhin na parang babasaging Kristal ni Aljubar at kadugtong nito ay lungkot at pighati sapagkat batid niya na iyon na ang una at huling beses na mararamdaman niya ang pagmamahal nito. Isang bawal na pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang mundo. Isang katotohanan na hindi nila maaring takasan. She calls his name when they finally reach the peak of glory.
“ Mahal kita.” He showered tiny kisses on her face. Sa ilong, sa pisngi, sa mata hanggang sa muli nitong pag-isahin ang kanilang mga labi. Na nauwi sa muli nilang pagniniig.
Mahimbing na mahimbing ito at halatang-halata sa mukha ang nakapaskil na mga ngiti. Malaya niyang napagmasdan ang maamong mukha ng prinsipe. Sa paraang iyon ang makakabisa niya ang itsura nito upang sa pagbalik niya sa kanyang mundo ay hindi mawaglit sa kanyang isipan kung ano ang hitsura ng unang lalaking nagparamdam sa kanya kung paano maging ganap na babae. At nagturo sa kanya kung gaano kasarap mahalin.
Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kanya. She started putting on her clothes and walk towards the closet kung nasaan ang kanyang bagpack.
“ Oras na, Freiya.” Mula sa kung saan ay sumulpot si Aryanna. Hindi na siya nagulat. Siguro ay dahil nasanay na siya sa mga biglaang pagsulpot ng mga tao doon na parang mga kabute.
“ Late ka yata ?” dumako ang tingin ni Aryanna sa nahihimbing na Prinsipe saka bahagyang ngumit sa kanya.
“ farewell gift ko para sa sarili ko. Huwag ka nang pumalag.” Mapait na ngiti ang pinakawalan niya. Tila naman naintindihan ng Diwani ang ibig niyang sabihin. Sumenyas lamang ito na lumapit siya.
“ Ahh .. The final moment. This is really goodbye I guess.”
“ Pwedeng magtanong, Aryana ?” tumango ang Diwani.
“ Anong mangyayari kay Ayesha pagbalik niya sa mundo ng Minereya ? Parurusahan ba siya sa paglabag niya sa batas ng Kalikasan ?”
“ Hindi ko pa masasabi ang magaganap sa Prinsesa. Nang mangyari ang hindi nakatakda at magulo ang balanse ng buong Minereya, nagkaroon ng pagbabago sa tinatahak nitong tadhana. Ang mga nakatakda ay nag-iba kasabay ng pagbukas ng lagusan na nagdudugtong sa dalawang mundo. Sa ngayon ay kinakailangan nang makabalik ng Prinsesa sa Minereya sapagkat lubhang nanganganib ang kanyang buhay. Halos hindi ko nga madama ang kanyang natitirang Enerhiya ng buhay na nagmumula sa aming mundo.”
“ ibig mong sabihin, pwede siyang maglaho dahil sa nasasaid na ang life force niya ? Hindi ako sang-ayon sa naging desisyon ni Ayesha nang lisanin niya ang Minereya, pero inaamin ko na dahil sa maling desisyon na iyon ay nakaramdam ako ng mga bagong damdamin na inakala kong hindi ko mararamdaman kailanman. Kaya’t nakikiusap ako na iligtas mo si Ayesha, Aryanna. Siguradong malulungkot ang Haring Akimes kapag may nangyaring masama sa kanya lalo na’t masama ang kalagayan ng hari.”
“huwag kang mag-alala Freiya, ang lahat ng bagay na nawala sa ayos ay magbabalik sa tamang kinalalagyan. Manalig ka kay Bathala. Batid ko na hindi niya hahayaan na malagay sa panganib ang buong Minereya dahil sa isang pagkakamali. Maililigtas si Prinsesa Ayesha at ang lahat ay magbabalik sa normal. Oras na ..” Ikinumpas nito ang kamay sa hangin at umusal ng isang dasal.
BINABASA MO ANG
me and my shining prince (book 1)
RomanceWith a sudden twist of fate,Napadpad si Freiya sa isang mistikong mundo. Habang abala sa pag-iisip kung paano at bakit siya nakarating doon ay nakilala niya si Prinsipe Aljubar. Dumagdag pa na napagkamalan siyang prinsesa ng Luseria na nakatakdang m...