misteryosong karamdaman

18 0 0
                                    

"Anong ibig mong sabihin na walang lunas ang karamdaman ng Prinsesa?” galit na sigaw ni Aljubar sa Punong manggamot ng Minereya habang talan niya ito sa suot na balabal.

“ikinalulungkot ko, mahal na Prinsipe. Ngunit sa tagal ng aking paninilbihan bilang manggagamot ay ngayon lamang ako nakatagpo ng ganitong uri ng karamdaman.” Malumanay pa rin na sagot nito.

“ Aljubar, bitiwan mo si Punong Igmas. Kalapastanganan sa nakakatanda ang iyong gawa.” Mariing utos ng ama niyang hari.

“ Ngunit tila ipinahayag mo na rin na hihintayin ko na lamang na lagutan ng hininga ang aking prinsesa. Ano sa palagay mo ang dapat kong ikilos, magmukmok sa isang sulok at tumangis? Ikaw ang pinakamahusay na manggagamot sa buong Minereya kaya’t batid ko na mayroon kang kakayahan upang lapatan ng lunas ang aking magiging kabiyak.” Dahan-dahan siyang napaupo sa gilid ng kama na kinahihigaan ni Prinsesa Ayesha.

“ tama ka, mahal na Prinsipe. Ako ay isang manggagamot at hindi isang Diwani. Wala akong kapangyarihan na lunasan ang isang karamdaman na hindi matukoy ang pinagmulan.” Nagpakawala muna ito ng isang buntong hininga bago muling nagpatuloy.

“Lubhang humina ang pulso ni Prinsesa Ayesha. Nauubos ang enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawan kaya’t siya ay nawalan ng malay. Hindi lamang pahinga ang kailangan niya kundi isang basbas ng tubig ng mga Diwani. Maaring magbalik sa normal ang kanyang kundisyon kung siya ay malalapatan ng lunas ng isang diwani.”

“ngunit Punong Igmas, tila hindi naman ganoon kalala ang lagay ng prinsesa. Napakasigla pa niya sa pagtitipon nang nakaraang araw. Bakit tila bigla ay iyong ipapahayag na nanganganib ang kanyang buhay?” singit na wika ng hari.

“Patawad mahal na hari ng Mumbay. Ayon sa aking naging obserbasyon, hindi ordinaryo ang dugong dumadaloy sa kanyang ugat. Tila ba may kalakip na kakaibang enerhiya na siyang humihigop sa kanyang buong lakas. Kailangan masuri siya ng isang diwani upang madugtungan ang kanyang buhay.”

“ pero ama, naghuhuntahan pa lamang kami kamakailan. Masaya pa si Ayesha at kay sigla hindi ba? Kung ang tama ng palaso ang siyang pinagmumulan ng kanyang karamdaman, maari itong malunasan. Nakikiusap ako Punong Igmas, tulungan nyo ang aking prinsesa. Sa ngayon ay ikaw lamang ang aming mahihingan ng tulong.” Lumuluhang pakiusap ni Aljubar.

“ Mahal na Prinsipe, walang kaugnayan ang tama ng palaso sa pagkawala ng malay ng Prinsesa Ayesha. Isang malakas na pwersa mula sa kung saan ang humihigop ng kanyang enerhiya. Hindi isang ordinaryong manggagamot na tulad ko ang may kakayahang makalunas sa kanya.” Nanlulumong hinaplos niya ang pisngi ng iniibig. Payapa itong nahihimbing habang ang lahat sa palasyo ay tumatangis sa balita tungkol sa karamdaman nito.

“Ayesha, mahal ko. Gumising ka na. Hindi ba’t mayroon pa tayong pagdiriwang na gaganapin? ang ating pag-iisang dibdib. Huwag mong gawin sa akin ito. Hindi ako makapapayag na kung gaano ka kabilis dumating sa aking buhay ay ganoon din kabilis kang mawawala.”

Lumapit ang kanyang amang hari sa prinsipe at marahang tinapik tapik nito ang kanyang balikat tanda ng pagdamay at pakikisimpatya.

“ May awa ang Bathala aking Prinsipe. Pasasaan ba at magbabalik ang sigla ng ating prinsesa. Manalig ka sa kapangyarihan ng pag-ibig, anak.”

“ nawa’y tama ang iyong tinuran, ama.”

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon