hostage

25 0 0
                                    

Pakawalan niyo ako ! " Dinala si Freiya ng mga Tulisan sa isang liblib na bahagi ng Mumbay. Naroon siya sa loob ng isang maliit na kubo na ang tanging liwanag lamang ay isang maliit na lampara na nakasabit sa isang kahoy malapit sa pinakapuno ng hagdan paakyat sa isa pa'ng silid.

" Ano ba ang kailangan niyo sa'kin ? Pati ba naman sa mundong ito ay may Kidnap for ransom din ? Hindi niyo ba alam na mahirap lang ako ?  Kuryente at tubig nga e pinuproblema ko pa tapos dudukutin niyo ko ? Anong ibabayad ko sa inyo ? Pakawalan niyo nga ako dito !" halos mapaos na siya sa kasisigaw bago pumasok sa loob ng kubo ang dalawang tulisan na dumukot sa kanya.

" Napakaingay mo'ng babae ka ! kung hindi ka lamang babae, kanina ka pa tinamaan sa akin. Sumasakit ang tenga ko sa lakas ng bunganga mo. Hindi ba nangangawit ang panga mo sa kasisigaw ?" iritadong sita sa kanya ng lalaking may peklat sa gilid ng bibig. Parang gawa iyon ng pagkahiwa ng itak.

Pinilit niyang maigalaw ang nangangawit na kamay. Itinali kasi siya ng mga ito sa isang upuan kaya't kahit ang magkamot ay hindi niya magawa.

"Sino ang mag-aakala na magkakaroon pa tayo ng bihag ? At ang prinsesa pa ng Luseria ? Pihadong matutuwa ang pinuno sa hatid natin na magandang balita."

"Kung hindi ko lamang alam na Prinsesa ang ating nabihag ay hindi ko aakalain na dughong bughaw ang babaeng ito. Napakalakas kung magpumiglas, tila ba isang amasonang nasisiraan ng bait !"

" Hoy ! at sino ka para kwestiyunin ang pagiging prinsesa ko ha ? Kidnapper ka lang ! Ano ba talaga ang kailangan niyo sa akin at dinala niyo ako rito sa ... " muli niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng kubo bago nagpatuloy sa pagsasalita.

" ano nga ba'ng lugar 'to ?"

" Gagamitin ka namin upang kusang ibigay ng prinsipe ng Mumbay, ang Prinsipe Aljubar na siyang nakatakdang maging kabiyak mo ang kanyang buhay."

"what ?! hoy, Mama'ng may peklat, hindi mo ba alam na mortal ko'ng kaaway ang Prinsipeng Bakulaw na iyon ? Bakit mo naman naisip na ipagpapalit niya ang buhay niya para lang sa akin ? Kundi ba naman kayo isang libo't isang tanga .. Kukuha lang din naman pala kayo ng hostage e iyon pa'ng walang pakinabang ! baka nga magpasalamat pa sa inyo ang isang iyon dahil sa ganoon hindi na matutuloy ang kasal namin." dahil sa tinuran ni Freiya ay kapwa nagkatinginan ang dalawang tulisan. Nilalakasan lamang niya ang kanyang loob kahit na ang totoo ay takot na takot na siya. Ito ang unang beses na nasuong siya sa ganoong sitwasyon. Sino ba naman kasi siya para pag-aksayahan ng panahon ng mga kidnapper sa kanyang mundo ? Sana lang ay 'wag mahulog sa bitag ng mga ito si Aljubar. Kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon bago pa makarating doon ang prinsipe. 

Ilang oras ang mabilis na lumipas nang hindi namamalayan ni Freiya. She was stuck out there waiting for her conviction. Sa sandaling panahon na inilagi niya sa mundong iyon, tila ba napakarami na ang nangyari sa kanya na hindi niya naranasan sa sariling mundo.

Now the prince is in danger. At alam niya na may pagkasira ang ulo ng isang iyon kaya't susugod ito kahit mag isa. He is not the 'Mandaragit' for nothing. At iyon ang ikinatatakot niya, ang mapahamak ito dahil sa pagnanais na mailigtas siya. Iyon ang laman ng kanyang utak bago siya hilain ng antok.

Kung hindi pa nangalay ang leeg niya ay hindi pa siya magigising.

Sino ba naman kasi ang hostage na makakatulog pa ng naghihilik sa ganoong klaseng sitwasyon? Wala. Tanging siya lang.

"Iba ka talaga, Freiya ! Ikaw na!" mapanuyang ana ng munting tinig sa sulok ng kanyang utak.

Ipinilig na lamang niya ang ulo para mawala ang kung anu anong negative comments doon. Bahagya pa niyang ginalaw galaw ang ulo para ma-exercise ang nangawit na leeg ng kaunti.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon