kakaibang prinsesa

34 0 0
                                    

Sinusubukan talaga ng isang ito ang kanyang pasensya.

" Alam mo, nakakahalata na ko e. Ikaw ba e naiinggit o talagang sadyang masama lang ang ugali mo ? Wala akong natatandaan na ginawa kong masama sa'yo. Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin ?"

" Mag-ingat ka sa bawat kilos mo sapagkat ako ay palagi lamang nakasubaybay sa iyo."

" nagbabanta ka ba o nananakot ?" nagkibit balikat lamang ito.

" Kung inaakala mo na matatakot ako sa'yo, pwes, sorry ka nalang. Dahil matagal na ko'ng takot ! " nakipagsukatan siya ng tingin sa lalaki.

I may be scared but I will never allow you to criticized me. Makikita mo, Aljubar. Lalabanan kita, ngipin sa ngipin. Mata sa mata. Speaking of mata, ang ganda talaga ng mata nito. Parang ang sarap titigan, hindi nakakasawa. Mas okay nga sana kung nakangiti ito. Kaso, iyon ang pinakahuling bagay na magagawa nito.

" Ang ganda ng mata mo .. Contact lens ba yan ?" inilapit pa niya ng konti ang mukha at pinakatitigan ang mga mata nito. Bago pa niya mahawakan ang mukha nito ay maagap na siyang napigilan.

" Huwag na huwag mo nang hahawakan ang aking mukha ng walang aking pahintulot maliwanag ?"

Kilabot ang inihatid sa kanya ng pagkakahawak ng kanilang mga kamay. Para bang milyon- milyong boltahe ng kuryente ang gumapang mula sa ingro ng paa niya paakyat sa split ends niya.

Anong meron ? ipinilig na lamang niya ang ulo upang burahin ang kakaibang ideya na nagsusumiksik sa isip nya.

" Okay, okay fine. Pwede mo na bitawan ang kamay ko. Tsansing na ang tawag diyan 'pag tumagal pa." pabagsag naman nito iyong binitawan.

" Bakit ka nagtungo ng Mumbay, sabihin mo nga ? Nais mo ba talaga na manira ng buhay ?" She remember how much this Prince hates to marry the Princess. Siguro ay magkatulad lang ang pananaw nito at ni Ayesha tungkol sa usaping kasal. They both disagree about the marriage arrangement.

" Hindi ako life wrecker no ! At bakit ako ang sisisihin mo kung gusto ka ipakasal ng Hari sa Prinsesa ng Luseria ? Hindi mo ba naisip na kung tutol ka sa kasunduan ay maaring ganoon din ang prinsesa ? "

" ah .. ang ibig mo ba sabihin ay maging ikaw ay hindi sa sang-ayon sa pakikipag-isang dibdib sa akin, tama ba ?"

" hindi, ang Prinsesa ... " Wait, she pretends to be the Princess at that moment.

" Ako nga. Ako nga pala ang Prinsesa diba ? " Bakit ba niya nakakalimutan ? Ang tanga mo talaga, Freiya.

" O bakit ka napapailing ?" aniya.

" Kaya ka ba nagpunta sa aming kaharian ay upang putulin ang kasunduan? Hindi naman pala ganoon kababaw ang iyong isip. Mayroon ka rin palang utak. " aba-t .. ang walanghiya, pinapalabas pa yata na mahina ang kukote niya ?

" Wait ! Stop right there ! " ihinarang niya ang mga palad sa mukha nito.

" Hindi porque nandito ka sa sarili mong teritoryo, pwede mo na husgahan ang kakayahan ng isang tao. Hindi ako magiging writer kung walang laman ang utak ko. At for your information, nakagraduate ako ng college with flying colors. Dean's lister 'to uy ! "

" saan mo ba natutuhan ang mga katagang lumalabas sa iyong bibig ? Lumilikha ka ba ng iyong sariling salita upang walang sinuman ang makaintindi sa iyong sinasabi ? Kung umasta ka ay animo hindi ka isang Luserian. Naturingan ka pa naman na Prinsesa."

" Walang kinalaman ang pagiging Prinsesa dito ah. Prinsesa man o hindi, Karapatan ng bawat indibidwal na i-express ang nasa loob nila lalo na at tahasan na pinararatangan ng ibang tao. Kusang gumagana ang kanilang protective instinct. Kaya nga may sariling utak ang tao e, para siya ang magdesisyon kung ano ang dapat o hindi niya dapat gawin sa buhay niya. Kaya don't you dare accuse me of being tanga-tanga. I will make you sampal-sampal talaga. "

" Nakasisira talaga ng ulo ang iyong mga pinagsasasabi. Sadyang nakakapagod nga naman talaga ang makipagtalo sa isang tao na magulo kausap. Tignan mo nga ang iyong sarili, bakit ganyan ang iyong kasuotan ? Ganiyan na ba ang tabas ng mga kasuotan sa Luseria ngayon ?"

" Ha ?! " paano ba niya ipaliliwanag na kaya kakaiba ang damit niya ay dahil hindi naman talaga siya isang Luserian ?

" Hindi mo ba alam na ito ang usong Fashion Trend ngayon sa Luseria ? Ang tawag dito, fashionista ala Freiya. "

" Kung isang Prinsesa ang nagpasimula ng ganyang kasuotan, dapat ay kumalat na ito sa ibang kaharian. Ikaw lamang ang nakita ko na nakasuot ng ganyang uri ng damit. "

" Siyempre ! dahil hindi ko pa naman ipinalalabas sa market kaya talagang wala ka makikita dito sa Mumbay. Bakit, nagpunta ka na ba ng Luseria ?"

" Kung sa bagay, matagal na nga simula nang ako ay makarating sa inyong kaharian."

" see ? " kita mo nga naman. Bakulaw man daw at magaling , si Freiya ay mas wais pa rin ! Bravo, Freiya. Bravo !

" Bakit ka natatawa, mayroon bang katawa-tawa sa aking tinuran ? " nakakunot ang noo nito.

" Wala naman. Minsan, tuturuan kita ng magandang Fashion technique para naman mas lumitaw ang ka kyutan mo. Ang init kasi tignan ng suot mo. Balot na balot ka na mula leeg hanggang paa, may kapa ka pa ! At ano ba yan ? "

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon