Kahit madilim sa kinaroroonan niyang lugar ay alam niya na isang gabi na ang lumipas. Ilang oras na ang nasayang niya para lakbayin ang daan papunta ng Sagradong Templo. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Pag-asa na makabalik pa siya sa kanyang Mundo.
“ Pst ..” mula sa isang madilim na sulok sa labas ng pilitan ay nabanaag niya ang isang maliit na pigura ng tao. Kahit na hindi siya nagpapaniwala sa mga halimaw, hindi niya napigilan ang tumindig ang balahibo. Naroon siya sa isang lugar na maaring possible ang mga imposible.
“ sino ‘yan ? Hindi ako natatakot sa’yo !”
“ shhh .. huwag kang lumikha ng ingay, Ate Freiya. Ako ito, si Requim.”
Mula roon ay lumitaw ang batang si Requim.
“ anong ginagawa mo rito, bata ka ? Paano ka nakapasok dito ?”
“ Hindi na mahalaga kung paano, Ang importante ay maipuslit kita sa piitang iyan. Tiyak na aabutin ng napakatagal na panahon bago ka makalabas diyan. Kailangan mong makarating sa Diwani hindi ba ?”
“ oo, tama ka. Wait nga .. alam ba ng mga magulang mo na sumunod ka sa’kin ?” tumango ito.
“ oo, nakiusap ako kay ama at ina. Mas makabubuti kung mayroon kang makakasama na nakaaalam ng pasikot sikot sa lugar na ito. Maging ang aking ama ay sumang-ayon dito. Tama ang aking naging pasya, tignan mo at nahuli ka ng mga kawal ng Mumbay.”
“ Naku, mahahalikan kitang bata ka e. Ang brilliant mo. Wait, paano ako makakalabas rito ? e nasa kawal ang susi ?”
“ ako ang bahala. Sa bagay na ‘yan mo ako maaasahan.”
Hindi naman siya binigo ni Requim. Nabuksan nito ang pintong bakal sa pamamagitan ng isang manipis na bagay na parang alambre.
“ very good ka talaga. Hulog ka ng langit.” Nang makalabas sa piitan ay pinupog niya ito ng halik.
“ Halika na nga, kailangan na natin makalabas sa lugar na ito bago pa bumalik ang mga bantay.” Magkahawak kamay na nilisan nila ang piitan.
Napadaan sila sa isang bukas na silid kung saan narinig niya ang pamilyar na boses na iyon.
“ Hindi pa rin ba kayo sumusuko sa ideyang iyan. Ama ? Pinatunayan ko na ang aking sarili bilang Prinsipe ng Mumbay. Kailangan pa ba na ako’y maging kasangkapan upang masunod ang inyong kagustuhan na pag-isahin ang ating kaharian at ang kaharian ng Luseria ?” nakatiim bagang ang prinsipe habang kausap nito ang tinawag na ama. Maaring ito ang Hari ng Mumbay. Hindi nalalayo ang hitsura ng mag-ama. Malamang na ganoon ang magiging hitsura ni Prinsipe Aljubar kapag nagkaedad ito.
“ Hindi na magbabago ang aking pasya Aljubar. Para sa ikabubuti ng buong kaharian ang pagkikipag isang dibdib mo kay Prinsesa Ayesha. Huwag mo nang tangkain na salungatin pa ang aking pasya. Kung talagang mahal mo ang Mumbay, susundin mo ang aking utos.”
“ hindi lamang sa ganitong paraan maipakikita ko ang aking pagmamahal sa aking kaharian, Amang hari. Hindi lamang dito. “
Tignan mo nga naman, uso rin pala ang fixed marriage sa lugar na iyon. At ang Prinsipeng Bakulaw na iyon ay minalas. Buti nga sa kanya. Kawawa naman ang babaeng naipagkasundo sa kanya. Sa sama ng ugali nito at taas ng tingin sa sarili, siguradong magdurusa ang babaeng mapapangasawa nito.
“ Requim, umalis na tayo rito. Delikado pa kapag nahuli tayo. Pati ikaw ay ikukulong nila.” Iginiya niya ang bata palayo. Kailangan niyang makalabas ng Kastilyo. Hindi na dapat siya mag aksaya ng oras.
“ doon tayo sa likuran magdaan, Ate Freiya. Kaunti lamang ang mga kawal na nakatalaga sa bahaging iyon ng Kastilyo. “mungkahi nito. Tumango na lamang siya at hinayaan itong mauna
BINABASA MO ANG
me and my shining prince (book 1)
RomanceWith a sudden twist of fate,Napadpad si Freiya sa isang mistikong mundo. Habang abala sa pag-iisip kung paano at bakit siya nakarating doon ay nakilala niya si Prinsipe Aljubar. Dumagdag pa na napagkamalan siyang prinsesa ng Luseria na nakatakdang m...