the battle begins

20 0 0
                                    

Huwag ka nang mag abala Prinsipe Ramsid, sapagkat obligasyon ko ang bagay na iyan. Kailangan nang magpahinga ng Prinsesa, Lubhang mahaba ang kanyang naging paglalakbay at maraming naganap sa kanya sa araw na ito.”

“ Yeah right. Katulad ng pagpapakulong mo sa’kin. What a thoughtful prince.” Palihim niyang inambaan ito ng suntok. Nginusuan lamang siya nito.

“ Tila yata gumagana na ang pagiging mahigpit mo para sa iyong magiging Reyna, aking kapatid. “

“ Hindi mo na dapat na intindihan ang aking inaasal, mahal kong kapatid. Mas makabubuti na ituloy mo na lamang ang nakaatas sa iyong tungkulin.”

“ Masusunod, mahal na Prinsipe.” Hindi na lamang marahil nito pinatulan ang kapatid. Dinaan na lamang iyon sa tawa.

                     Chapter 6

Kasalukuyang nasa balkon sa labas ng kanyang silid si Frieya. There were so many stars in the sky. Gaano na nga ba katagal simula ng huli siyang makakita ng ganoon karaming bituin ? Nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang car accident bata pa lamang siya, hindi na siya nagkaroon ng panahon pa na titigan ang langit tuwing gabi. She became so busy doing jobs, here and there to support herself.

 Kung hindi pa siya napadpad sa lugar na iyon ay hindi pa siya magkakaroon na marealise kung gaano na niya katagal binalewala ang mga magagandang bagay sa kaniyang paligid.

Minsan pa ay malaya niyang nilaghap ang sariwang hangin na kinalalagyan niya. Parang nasa probinsya lamang siya. Sariwa ang simoy ng hangin. Walang polusyon ng katulad sa Maynila na pulos usok na ng mga tambutso dahil sa parami ng parami na sasakyan. Hindi tuloy niya mapigilan ang mapangiti.

“ Masaya ba ang pakiramdam ng pinupuri, mahal na Prinsesa ?” Mabilis niyang nasapo ang dibdib. Kung may sakit lamang siya sa puso, marahil ay inatake na siya sa sobrang gulat.

“ utang na loob naman Jubal. Sa uulitin nga ay ‘wag ka susulpot kung saan-saan ! May lahi ka ba’ng kabute ? aatakihin pa ko sa nerbiyos nang dahil sa’yo e.” she heard him chuckles. Nakasandig ito sa hamba ng salamin sa gilid ng balkonahe habang blangkong nakatitig sa kanya.

He started to wolk towards her.

“ Bakit kailangan na ikaw ay magulat, gayong wala ka naman ginagawang masama , may dapat ban a ikaw ay ikatakot ?”

“ Siyempre wala.” Lokong ‘to ah. Hindi pa rin sumusuko ang isang ito sa paghihinala sa kanya. Sorry na lang ang Aljubar na ito dahil hindi niya bibigyan ng pagkakaton para mabuking nito ang kanyang pagpapanggap.

“ Ngayon pa lamang ay hayagan mo nang ipinababatid kung anong klase kang prinsesa. Sagana ka sa papuri sa mga taong nakapaligid sa iyo. Kaya tila kay sarap ng iyong pakiramdam hindi ba ?”

“ right ! tama ka. Masayang Masaya ako. Infact nga, damang dama ko pa. Biruin mo, mismong sa bibig ng hari nanggaling na maganda ako ? Magsisinungaling ba naman ang hari ? Ikaw lang eh. Wala kang bilib sa beauty ko.”

“ Masyado yatang malaki ang iyong bilib sa sarili. Ang minsang papuri ay maluwag na iyong niyakap. Isang patunay na ang katulad mo ay nabubuhay lamang dahil sa nakakamit na papuri ng ibang tao. Tama ba ?”

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon