dayong pisetan

40 0 0
                                    

" oo. Kagagaling lamang ng mensahero ng inyong kaharian sa silid tanggapan ng hari kanina. At ibinalita nga nito na nais ng hari ng Luseria na bumisita sa aming kaharian at Makita ang kanyang prinsesa."

Oh no .. Malalagot siya. Paano kapag nahalata ng hari na hindi siya si Ayesha? Katapusan ko na.

" Bakit nag-abala pa siya na pumunta ng Mumbay, samantalang pwede naman niya akong hintayin na makabalik sa Luseria ?"

" maaring binabalak ng aking ama at ng iyong ama na ganapin sa pagtitipon ang pag-anunsyo sa ating nalalapit na pag-iisang dibdib."

" engagement party, ganun? Pumayag ka naman ? Bakit naman parang nagmamadali sila ? " tumango ito.

" Naiintindihan ko kung bakit nais ng Hari ng Luseria na maikasal ang kanyang nag-iisang Prinsesa sa lalong madaling panahon. Kailangan niya ng tagapagmana ng kanyang trono sapagkat ayon sa aking ama, may dinaramdam si Haring Akimes."

" May sakit ang ama ng Prinsesa ? I mean,. Ang aking ama ?"

" Maaring hindi lamang nito ipinabatid sa iyo ang kalagayan ng kanyang kalusugan sapagkat hindi niya marahil nais na ikaw ay mag-alala pa." Naiintindihan na niya ngayon. Kung papanaw nga naman ito ng walang tagapagmana, tiyak na magkakagulo ang buong Luseria dahil hihina ang pundasyon nito sa pagkawala ng haligi ng kaharian. Isinasakripisyo nito ang kaligayahan ng sariling anak, labag man sa kalooban kapalit ng kaligtasan at kapayapaan ng nakararami. Kung malalaman lamang ito ni Prinsesa Ayesha, siguradong hindi na nito iisipin pa ang tumakas sa kanyang kapalaran.

" Paano ka ? papayag ka na magpakasal sa isang babaeng hindi mo gusto dahil lang sa naaawa ka sa hari ?"

" Noong una, inaamin ko na tutol na tutol ako sa kagustuhan ng aking ama. Ngunit ng makilala ko ang prinsesa ng Luseria, nalaman ko na hindi na masama kung siya ang aking magiging kabiyak." May lihim na crush pala ito kay Ayesha.

Ano itong nararamdaman niyang kurot sa kanyang puso ? nagseselos siya kay Ayesha samantalang taglay niya ang mukha nito.

Pumitas ito ng isang ligaw na bulaklak at isinuksok sa gilid ng kanyang tenga.

" Kung minsan, mas nakakapagod ang matapos ang isang buong araw na organisado ang lahat ng bagay. Na gagawin mo na lamang ang bawat nakasanayan mo ng gawin. Hindi katulad noong dumating ka, bawat oras ay hinihintay ko kung ano ang susunod na kalokohan ang iyong pauusuhin." This man have been fallen in love by her princess look. Inilagay nito sa likod ng kanyang tenga ang mga kumawalang buhok sa mukha niya.

Unti-unting bumaba ang baba nito patungo sa kanyang labi.

The Moment she realized, they already shared a passionate kiss. She felt electrified by the sudden move of the prince. Isa-isang kumawala ang mga emosyon sa kanyang dibdib. That was her first kiss. For twenty - five years in her own world, she never had a chance to entertain suitors. Mas nagfocus kasi siya sa work and studies.

So this is what they called, Kiss ? it feels like heaven. Para bang wala kang ibang naririnig sa paligid. What matters most is just you and him. His lips were soft and taste like cotton candy. Nakupo ..

Nawala ang lakas ng kanyang tuhod. Nanlambot na parang jelly ang kanyang buong katawan. Ganoon ba ang kapangyarihan ng isang halik ? Why did she have to feel that way? Hindi siya si Ayesha. Pekeng prinsesa lamang siya. Proxy, substitute. Ang mga papuri nito at matatamis na salita ay hindi naman talaga para sa kanya. She just rob somebody's kiss. Hindi na iyon mabubura sa kanyang alaala kahit ilang beses pa siyang mag toothbrush. The memory of her first kiss will claim by this georgious man in front of her.

Kapwa habol nila ang paghinga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Walang ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. As if she became mute. Pakiramdam niya, kahit anong buka ng kanyang bibig ay walang tunog ang lalabas doon.

They both interrupted by the sounds of the steps of Ibalon.

Ilang mga kawal na sakay ng Ibalon ang palapit sa kanila.

" patawad mahal na Prinsipe kung nagambala namin ang inyong pamamasyal." Anang pinuno ng mga kawal.

" Ano ang kaguluhan at naririto kayo sa kakahuyan ?" Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa nakatumbang puno.

" Isang grupo ng mga dayong Pisetan ang napag alaman na nakapasok ng walang pahintulot sa ating kaharian. Amin na silang tinutugis ngunit lubhang mahuhusay sila sa pakikipaglaban."

" Mahigpit ang pagbabantay ng Punong Karote sa mga pasukan at labasan ng Mumbay. Paanong nakapuslit ang mga hangal na iyon ?"

" Pinaghihinalaang mayroon kasapakat ang mga dayong Pisetan sa loob ng Kaharian. Isang espiya."

" ha ? totoo na may mga espiya ?" singit niya.

" Tunay iyan mahal na Prinsesa. Kaya't ipinababatid namin sa inyo ang mag-ingat at maging listo. Sapagkat sa kakahuyan huling namataan ang mga dayuhan."

" Tipunin ninyo ang lahat ng punong kawal ng Mumbay. Nais ko silang makausap. Hindi maaring magtagumpay kung anuman ang masamang balak ng Pisetan laban sa ating kaharian." Tiim bagang na wika ni Aljubar.

" Masusunod" pagkasabi nito ay bumalik na sa palasyo ang mga kawal na sakay ng Ibalon.

" Ano ang plano mong gawin, Jubal ?"

" Hindi ako makapapayag na guluhin nila ang aming tahimik na kaharian. Kung kinakailangan na ako mismo ang kumitil ng kanilang buhay ay akin gagawin."

" pero delikado ang binabalak mo, mahusay daw makipaglaban ang mga dayong iyon sabi ng punong kawal."

" Huwag mo na lamang intindihin ang bagay na ito. Ikinalulungkot ko ngunit kailangan na natin bumalik sa Palasyo. Lubhang mapanganib ang lugar na ito para sa iyo." Muli pa ay ginawaran siya nito ng mabilis na halik sa labi at saka inalalayan na maka-akyat sa Ibalon.

Ngunit bago pa man siya makasakay doon ay napansin niya ang pigura ng isang bata sa di kalayuang punong kahoy.

"Requim ?" sigurado siya na ang batang iyon ay si Requim. Ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon ? Nakalimutan na nga pala niya ang tungkol sa bata. Nalibang kasi siya sa pagpapanggap na siya si Prinsesa Ayesha at pakikipagtalo sa prinsipe. Kailangan niyang puntahan ito. Kung mayroong mga dayong Pisetan sa kakahuyan, siguradong nanganganib ang buhay nito.

Patakbong tinungo niya ang kinaroroonan ng bata. Naiwang nakabitin sa hangin ang kamay ni Aljubar na dapat ay aalalay sa pagpanhik niya sa Ibalon

"Ayesha, saan ka pupunta ?! Bumalik ka rito , Ayesha ! Ayesha !! " hindi na niya ito pinakinggan. Ang mahalaga ay makuha niya ang bata.

" Requim ! anong ginagawa mo sa lugar na 'to ?" niyakap niya ito nang maabutan.

" Ate Freiya, mabuti at nakausap din kita."

"Pasensya ka na kung hindi kita hinanap. Naipit na kasi ako sa sitwasyon sa Palasyo. Saan ka nagsuot na bata ka ha ?"

" Nagpagala-gala ako sa labas ng Palasyo at narinig ko na narito ang Prinsesa ng Luseria. Ngunit nagulat ako nang malaman na ikaw ang tinutukoy nilang Prinsesa. Paano nangyari iyon Ate Freiya ? Hindi ba't ang iyong sabi ay nagmula ka sa ibang daigdig ?"

" Mahabang kwento Requim. Pero alam ko na kung paano ako napunta sa mundong ito. May kaugnayan iyon sa pagpapanggap ko bilang prinsesa ng Luseria. Saka ko na lamang sasabihin sa 'yo ang buong detalye. Kailangan natin makaalis dito, delikadong narito tayo sa kakahuyan. May mga dayuhang Pisetan ang gumagala rito. Halika na !" Hinila niya ito at patakbong bumalik sa lugar na pinag iwanan sa prinsipe.

Ngunit bago pa sila makalayo, ay napaligiran na sila ng mga dayong bandido. Bago pa man siya makagawa ng anumang kilos ay nahawakan na siya sa braso ng isa sa mga ito at hinila palayo sa lugar na iyon. Habang hila ng lalaki ay natanaw pa niyang nakikipaglaban ang prinsipe sa ilan sa mga ito. For the second time in herlife, she felt scared. Not for herself but for the safety of the Prince who already got a place in her heart. Maari itong manganib sa mga dayuhang tulisan. Bago tuluyang makalayo sa kinaroroonan ng Prinsipe ay narinig pa ni Freiya na tinawag nito ang pangalan niya.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon