for the perstym ..

23 0 0
                                    

Pawis na pawis si Freiya habang walang tigil sa pagtakbo. Isang dambuhalang Pizza ang hinahabol niya. Hawak nito ang isang bag na may nakasulat na hot sauce. Kasunod nito ang isang Dambuhalang Baso ng Iced tea . Kailangan niyang maabutan ang mga iyon. Gutom na gutom na siya. Pakiramdam kasi niya, Para bang napakahabang panahon na simula ng huli siyang makatikim ng Pizza na overloaded sa Mozarella cheese at nag -uumapaw sa toppings katulad ng pepperoni, ham, pineapple, bell pepper at ground beef. Masimot man ang natitira niyang lakas sa katawan, pipilitin niyang abutan ang mga ito.

Sa wakas ay abot kamay na niya ang Pizza. Nakakagutom ang amoy nito, sa sobrang laki, baka kahit isang taon siya hindi kumain ay sapat na.

My Pizza , ..

" Hindi ako pagkain .. Bitiwan mo nga ako. " napatigil siya sa pagkagat ng Pizza. Ano ba naman 'yan. Pati ba naman Pizza e kaboses ng Aljubar na 'yon ?

Hindi. Hindi siya makapapayag na pati ang masaganang pagkain niya ng Pizza ay gagambalain pa ng Prinsipeng Bakulaw na iyon. Nagpatuloy siya sa pagkagat.

" Nasasaktan ako. Tigilan mo na nga ang kahibangan mo ! " hala ... galit na yata ang Pizza. Pati ba naman ito ay kaugali ng masungit na si Aljubar ? why ? ... why ?

" Ayesha ! Ayesha, gumising ka. Bitiwan mo ang kamay ko, hindi iyan pagkain ! " With that instant, nagawa niyang idilat ang kanyang mga mata.

Aljubar is struggling with his hands on her mouth. Wala siyang ibang nagawa kundi ang titigan na lamang ito.

" Ang Pizza ko ... hu-hu-hu " Panaginip lang pala ang lahat. Walang Pizza, walang iced tea. Nanlulumong binitawan niya ito.

" Ano ba ang nangyayari sa iyo ? Kung ikaw ay nagugutom, sana ay nagsabi ka sa mga dama na nagbabantay sa iyo. Hindi kung anu-ano ang iyong iniisip at maging ang kamay ko ay napagkamalan mo pa na pagkain." Hindi niya napigilan ang mapasibi at magpakawala ng mahihinang hikbi.

" Hindi ko naman alam kung kanino ako magsasabi e. Kahapon pa ko hindi kumakain. Gutom na gutom na nga ako." Napailing na lamang ito sa sinabi niya. Hindi niya masabi kung galit ba ito, nag-aalala o natatawa.

" Isang kagalang-galang na Prinsesa ay nahihibang ng dahil sa sobrang gutom. Sinong mag-aakala na maaaring magkaganyan ang katulad mo Prinsesa Ayesha ?" Inalalayan siya nitong makatayo.

" halika, pumaroon tayo sa silid kainan. " Tumawag ito ng isang dama at nagbilin.

hay .. may pakinabang din naman pala ang Prinsipeng ito. Isang beses pa niyang nilingon si Aljubar habang nakaalalay sa kanya.

May itinatago naman pala itong soft side. Hindi lang halata dahil naka glue yata sa mukha nito ang pagsimangot.

" Sa susunod na ikaw ay makaramdam ng gutom, tawagin mo lamang si Altheya. Siya ang itinalaga upang maging personal mong dama habang ikaw ay nasa Mumbay. Hindi na dapat maulit ang ginawa mo kanina. Lubha iyong nakakahiya. Mabuti na lamang at ako ang nakasaksi sa iyong kahibangan."

" Pasensya na ha ? Tao lang po, nagugutom din. Kumakalam ang sikmura at nagwawala ang mga parasite sa tiyan."

" Tila bumalik ka na sa iyong tamang pag-iisip. Nagsimula ka na naman lumikha ng mga kakatwang salita e."

" kakatwa ka diyan. Akala mo lang 'yon."

Saglit lang ay narating na nila ang silid kainan. Nakahapag ang samut saring pagkain sa isang napakahabang dining table. May mga prutas din sa gitna na hindi niya alam ang pangalan. Sa gilid ng mahabang dining table nakatayo ang isang magandang babae. Simple lamang ang suot nito. Nakasuot ito ng bestida na kulay kahel habang matamis na nakangiti sa gawi niya.

" Siya si Altheya. Siya ang dama itinalaga sa iyo ng palasyo pansamantala. Kung anuman ang iyong pangangailangan, idulog mo lamang sa kanya. Hindi namin nais na makarating sa hari ng Luseria na ginugutom namin ang kanyang nag-iisang Prinsesa."

Napataas ang kilay ni Freiya sa sinabi nitong tila may laman.

" okay na e. Okay na sana. Kaso kumambyo ka pa. Maniniwala na sana ako na may kabaitan diyan sa katawan mo pero binabawi ko na." Bumitaw siya sa pagkakaalalay ni Aljubar.

" Erase , erase. " Lumapit sa kanya ang babaeng tinawag na Altheya. She's too much to become a dama. Napakaamo ng mukha nito. She wears a smile na parang pang commercial ng toothpaste. May future ang lola ...

" ikinagagalak ko na kayo ay aking mapagsilbihan mahal na Prinsesa." anito sabay yukod sa kanyang harap.

" Ikaw pala si Altheua. Ngayon lang kita nakita ng malapitan, e kasi ba naman parang may kung ano lagi sa sahig at lagi ka nakayuko. Anyway, Thank you sa 'pag welcome. Sa wakas ay may makakausap na rin ako na matino ngayon. Pero hindi mo na kailangan yumukod sa harap ko. Hindi naman ako kalevel ni Virgin Mary e . Atsaka hindi ako pwedeng ihelera sa mga santo sa Quiapo. Baka magrally ang lahat ng mga Santo sa langit. Umayos ka na." nakangiti naman itong sumunod.

" Jubal, Pwede na ba akong kumain ?" tumango ito at pinaghila siya ng isang silya. Aba, Gentleman ang kumag.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon