sad moment

21 0 0
                                    

Sa liwasang bayan ng Mumbay siya dinala ng Prinsipe. It was as nice as the first time she saw that place. Abalang-abala ang lahat ng naroon ngunit hindi nakakalimutang magbigay galang sa Prinsipe. They were riding the same Ibalon they use back on their first date.

“ Masdan mo ang mga narito, nagbibigay pugay sila sa aming Prinsesa. Ano ang pakiramdam ng magiging prinsesa ng Mumbay ?”

“ wala.”

“ ano ?”

“ Jubal, hindi ang pagiging Prinsesa ng Mumbay ang dahilan kaya kita inaya na mamasyal. Wala akong pakialam kung isang prinsesa ang tingin nila sa akin. Dahil para sa akin, ako parin ‘to. Prinsesa man o hindi.”

“Tama ka. Prinsesa ka man o hindi, ikaw pa rin ang babaeng nais kong maging kabiyak habang buhay.”

“ talaga ?”

“ hanggang ngayon ba ay nagdududa ka pa rin ?”

“ hindi naman. Medyo nasasanay na nga ako sa mga mabulaklak mong salita e. Corny, but, cute.” Nilingon niya ito at hinalikan sa pisngi.

“ In fact, super cute.”

“ Ikaw talaga, nasasanay ka nang halikan ako nang walang pakundangan. Ako dapat ang gumagawa niyan ngunit pinapangunahan mo ako.”

“ aba, e ang bagal mo naman kasi e. Kaya inuunahan na kita.” Kinusot pa niya ang mukha nito.

“Jubal, nasabi ko naba sa’yo na mahal kita ?” umiling ito.

“ hindi lamang sa pagbigkas ng katagang iyan napatutunayan ang pagmamahal. Nadarama ko iyon dahil ipinapakita mo. Mas matimbang ang gawa kaysa sa salita. Ikaw ang nagturo sa akin niyan.”

“ weh ? di nga ? wala naman akong itinuro sa’yo na ganyan e. Pulos mga salitang kanto at mga jologs joke lang ang natatandaan kong naipamana ko sa’yo.”

“ hayan ka na naman. Kung anu-ano na naman ang lumalabas diyan sa iyong bibig.”

Mabilis na lumipas ang oras. Namalayan na lamang ni Freiya na dumidilim na ang paligid. Which scared her. The final moment will soon begin. Kung pwede lang pigilan niya ang patiktak ng orasan ng mga sandaling iyon ay ginawa na niya. Hindi pa siya handang iwanan si Aljubar. But she had no choice. Kung talagang mahal niya ito, hindi niya ilalagay sa bingit ng panganib ang buong Minereya. Dahil kasabay ng pagkawasak ng balanse ng mundong iyon ay ang kamatayan ng lahat ng nilalang doon.

They were crossing the wooden bridge at the forest. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Tila nakikisimpatya sa nadaramang lungkot ng kanyang puso. Bumaba siya sa sinasakyang Ibalon. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na tanaw ang kinang ng tubig sa lawa.

“ Bakit ka bumaba ng Ibalon, Ayesha ? kailangan na natin bumalik ng palasyo bago lumalim ang gabi.” Sumunod pala ito sa kanya. Muli pa ay pinagsawa niya ang mga mata sa gandang taglay ng lawa.  Ipinikit niya ang mga mata at sinamyo ang hangin na humahampas sa kanyang katawan. Napayakap siya sa sarili. This will be the most sadful moment she will forever keep in her heart. The most painful and the most happiest. Mula sa kanyang likuran ay niyakap siya ng prinsipe saka nito ibinalot sa kanyang katawan ang hawak na balabal.

 “ nilalamig ka na.”

“ ‘wag kang masyadong maging mabait sakin, Jubal. Baka hanap-hanapin ko ang mga sandaling ito.”

“ kahit maya’t maya ay gawin ko ang pagsilbihan ka, patuloy ko iyong gagawin ng may ngiti sa aking labi at galak sa aking puso. Sapagkat iyon ang nais kong gawin sa nag-iisang babae sa aking puso.”  She heard a deep sigh from the prince. He is now looking at stars.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon