panaginip o realidad?

56 1 0
                                    

KABANATA 1

"Cheche !!! “ mula sa bathroom ng kanyang kwarto ay dinig na dinig ang boses ni Freiya. This seems to be the worst day of her life. Ang aga – aga ay nakatanggap siya ng text message mula sa boss niya sa publishing company na pinagtatrabahuan at sinabi nitong nareject ang last manuscript na ipinasa niya. Humihingi ito ng follow up story as soon as possible. Kailangan pa naman niya ang approval ng story na iyon dahil ang bayad doon ay gagamitin niya para sa bayad sa renta ng inuupahan.

“ Alam kong Cheche ang pangalan ko ha ?! pero hello ? hindi mo na kailangan ipagsigawan pa. Bakit ba ang aga e naghihisterikal ka?” si Cheche ang kanyang other half. As in, roommate slash buddy slash katoto slash bestfriend. Kumbaga all around. They’ve been together since college days and since parehong sa Manila ang work destination nila ay nagdesisyon silang umupa at magshare sa isang maliit na apartment.

“ Nahihilam kaya ako ! Walang tubig na lumalabas sa shower paano ko magbabanlaw ? “

“ pasensya ka. Naputulan na siguro tayo ng tubig. Three months na ang utang natin kaya hayan … “

“ pa’no ko magbabanlaw ? puro sabon pa ko, ano ba namang kamalasan ‘to ! “ inabot niya ang towel saka pinunasan na lamang ang katawan.

Bwisit naman talagang buhay. Habang ang ibang tao ay sadyang ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig, heto siya at ipinanganak yata ng nakasubo ang Meralco bills at water bills sa bibig. Kailangan pa niyang magkayod ng magkayod para lamang masuportahan ang sarili. She finished both high school and college on her own. She worked non-stop during her college para masuportahan ang mga kailangan niya sa pag aaral. Well , kahit papaano ay worth- it naman ang kanyang naging pagod. At least,after she finished her course ay nakahanap siya ng trabaho sa maliit na publishing company sa Maynila.

“ Kung mas maaga ka sanang naligo e ‘di hindi ka inabot ng cut-off ng tubig. Siguro, ang sarap pa ng pantasya mo kaya tinanghali ka na naman ng gising.That serves you right !”

“ ewan ko sa’yo ! “ she throw the towel on her friends face. Then Cheche threw it back pero nakailag na siya.

“ tell me, did you dream about it again?” ang tinutukoy nito ay ang paulit-ulit na panaginip niya tungkol sa isang Kaharian. She really wants to make it into a story pero wala siyang maisip kung paano ito sisimulan. She always dreams about her, wearing beautiful dress like a princess of a certain kingdom.

“ hindi kaya. Ilang araw ko na rin hindi napapaniginipan ‘yon eh ! “ She started to put on her clothes and put on some lipstick. Nanatili namang nakamasid lang si Cheche sa bawat kilos niya.

“ napa’no ka ? stroke ?”

“ gaga, hindi noh. Alam mo ba, ang sabi ng Lola ko noon sa’kin, na ang panaginip daw ay signos. Minsan babala lang ng pwedeng mangyari sa hinaharap. Minsan naman, kabaligtaran lang.”

“ what are you trying to say ? na pwede akong maging prinsesa ? or worst .. maging pulubi, ganun ba ? “ her friend gave her cold shoulders.

“ e paano ba natin ipapaliwanag ang panaginip mong ‘yon ? maybe we should go to a fortune teller. Manghuhula.”

“ Manghuhula ? hay naku Cheche, idodonate ko nalang ang pera ko sa charity o kaya sa mga pulubi na namamalimos sa ilalim ng overpass sa Edsa kaysa ibayad sa isang manghuhula. Kaya nga manghuhula e, dahil hinuhulaan lang niya at nagkakataon lang. Mas lalo lang akong maguguluhan.” Humarap siya sa salamin at sinuklay ang buhok.

“ You know, you have a beautiful hair. “

“ ha ?”

“ sabi ko maganda ang tubo ng buhok mo. Straight and shiny. Parang pang commercial ng shampoo. “

“weh ? ‘di nga ?”

“ yah. I’m your friend remember? Tayong dalawa na lang ba e magbobolahan pa.” of course she knew that her friend was giving her a compliment. Marami ang nagsasabi na isa sa asset niya ay ang kanyang buhok. Hindi lamang isang beses na may nag-alok sa kanyang lumabas sa isang commercial ng shampoo pero lahat ay tinanggihan niya. What she hates the most is Showbiz life. Once na pumasok ka sa mundo ng Showbizness .. well, on her opinion, magugulo ang nananahimik niyang mundo. She doesn’t want fame and glory. Oopzs , she wants fame but as a writer. Pangarap niyang magkaroon ng sariling published book at makilala bilang isang magaling na documentary writer. Na mukhang pumuti man ang uwak at umitim ang tagak ay malabong mangyari.

“ hey ! are you with me ? earth to Freiya ?” she automatically went back to reality.

“ In fairness friendship ah, pwedeng pwede ka naman talaga maging prinsesa. Sa mukha mong ‘yan ? huh ! I’m sure hindi ka alangan tawaging Prinsesa Freiya. Wala ka bang kilala na nagpopost ng wanted princess sa internet ? o kaya ‘yung papalit ka sa katauhan nila or magpapanggap. Uso ‘yon “

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon