katapusan ko na yata?!

25 0 0
                                    

Napansin niya ang panghihina ng lalaki. Marahil ay dahil sa natamo nitong pinsala sa braso. Makahanap lamang siya ng pagkakataon ay tatakasan niya ito. Ito siguro ang tinutugis ng mga kawal ng Mumbay.

Mukhang nakalayo na ang mga kawal kaya’t nang matiyak nitong wala ng panganib ay napasandal ito sa punong kahoy, hawak-hawak ang parteng may pinsala.

“ Okay ka lang ? “ saka lang ito tumitig sa kanya at buong pagtatakang tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

“ Ano ?”

“ May sugat ka, baka maimpeksyon yan. Kailangan magamot yan bago maubos ang dugo mo. Hala ka ! ayan oh … tumutulo na.” mula pagkabata ay kinatakutan na niya ang dugo. Kaya nga ba’t ayaw na ayaw niya ng injection dahil takot siya sa mga needles. Lalo na sa dugo.

“ Huwag kang makialam, babae. Manahimik ka riyan kung ayaw mong ikaw ang maubusan ng dugo.”

“ grabe naman ‘to. Pasalamat ka nga at nagmamalasakit ako e.” Inirapan na lamang niya ito. Kailangan niyang lansiin ang isang ito. Sayang ang bawat minutong ilalagi niya roon sa haba ng dapat niyang lakbayin.

“ Ikaw ba ang hinahanap ng mga kawal ? “ muling lumingon ito sa kanya at bahagya niyang napansin ang pagngiwi nito. Kapag hindi ito nalapatan ng first aid ay maaring maimpeksyon ang sugat nito. Maagap siyang kumilos at hinalungkat ang bag pack. Saka niya inilabas ang panyo at alcohol. Mabuti nalang at may alcohol siya sa bag, minsan ay nakakatulong din pala ang pagiging banidosa.

“ Ano ang iyong gagawin ?”

“ h’wag ka ngang maingay ! gagamutin ko yung sugat mo. So, you better shut your mouth o ipapainom ko sa’yo ‘tong alcohol.”

Inililis niya ang manggas ng suot nitong damit at sinipat-sipat ang sugat. May kalaliman ang tama nito. Maaring likha ito ng isang balaraw.

“ Tiisin mo lang ha, medyo mahapdi ‘to.” Saka niya nilinis ng alcohol ang sugat nito. Napaigik ito nang buhusan niya ng alcohol.

“ Ikaw ba ay nananadya ? Ano ang bagay na iyan ? Nais mo siguro akong paslangin ano ?”

“ Tumigil ka nga sa kaartehan mo ! Pang alis ng impeksyon ‘yan. Panglinis sa sugat, pantanggal ng mikrobyo. Ang laki mong tao, alcohol lang umaarte ka.” Pagkatapos ay tinalian iyon ng panyo.

“ Done. Hayan .. ligtas ka na sa impeksyon. Mabuti nalang may dala ‘kong alcohol. Swerte mo.” Bahagya pa niya itong tinapik. Ang kaso ay sa brasong may sugat niya ito natapik kaya muli ito napaigik.

“ Sorry. Hindi ko sinasadya.” Muli siya nitong tinitigan.

“ sino ka ? bakit iba ang iyong pananalita ?”

“ ha ?! a-e .. akala mo lang ‘yon. Baka naman pwede mo na akong pakawalan. Tutal naman, ginamot kita diba ? kailangan ko na talagang umalis. “

“ Sinong may sabi sa’yo na pwede ka ng lumisan ?”

“ Dapat pakawalan mo na ko. Wala na ‘yung mga humahabol sa’yo. Ano naman ang kinalaman ko sa paghabol sa’yo ng mga kawal ng Mumbay ? Mabuti pa, magkanya-kanya na tayo. You go your way and I’ll go mine.” Pagkasabi ay tumayo na siya. Bago pa siya makalayo ay nahawakan na nito ang kwelyo ng kanyang blouse.

“ ano ba ! bitawan mo nga ako ! “

“ hindi ko pa binabanggit ang salitang maari ka nang lumisan babae.”

“ anong hindi ? hayan na nga oh .. sinabi mo na ! anong palagay mo sa’kin bingi ? bitiwan mo sabi ko eh.”

“ paano ako makasisiguro na hindi mo ako isusuplong?”

“ Hello ? anong pakialam ko sa issue mo ? meron din akong problema kaya I have no time to bother about your life. Kaya please lang, pakawalan mo na ko. Kailangan ko ng makabalik sa mundo ko.” Lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya.

“ Mundo mo ?”

“ ha ? may sinabi ba ko ? wala. Basta kailangan ko ng umalis. Promise, hindi ko sasabihin na nagkita tayo at saka hindi ko nga alam ang hitsura mo dahil diyan sa suot mo .. ano ba yan ? Hindi ka ba naiinitan ?”

“ Ano ?”

“ Basta. Promise, pinky swear.” Kinuha niya ang kamay nito at pinagkrus ang kanilang hinliliit.

“ Ngayon, pwede na ba akong umalis ?” Muli siya nitong pinakatititgan.

“ Hindi.”

“ ano ?! Utang na loob naman ! “ nakakairita na ang hoodlum na ‘to. Kahit yata tubuan ng tumor ang lalamunan niya sa kakasabing pakawalan na siya nito ay hindi ito makikinig.

“ Pera. Pera ba ang gusto mo ? “ hinagilap niya ang wallet.

“ heto, sa’yo nang lahat. Pambudget ko ‘yan ng isang lingo pero ibibigay ko sa’yo para lang pakawalan mo na ko.” Iniabot niya rito ang limang lilibuhin. Hindi pa siya nasiyahan ay sinimot na niya pati ang barya at itinaktak ang wallet.

“ o hayan ah ! tignan mo, wala nang laman. Siguro naman sapat na yan para paalisin mo na ko ?”

“ Bakit mo ako binibigyan ng papel ? “

“ Anong papel ? hoy ! pera yan. Money, salapi.Datung !”

“ Salapi ang mga papel na ito ? “

“ Naman ! alangan naman pagkain ‘yan ?”

“ Anong klaseng salapi ito ?”

“ Hoy , For your information, Bagong imprenta ang mga yan noh. Fresh from ATM Machine ang mga pera ko. ‘Yan yata ang bagong labas na pera ng Bangko Sentral ngayon. Tignan mo nga si Josefa Llanes Escoda, Palong palo. At si Jose Abad Santos, look ! bagets na bagets. Walang panama si Aga Muhlach.”

“ Ano ba ang pinagsasasabi mong babae ka, nahihibang ka na ba ? Ikaw ba ay nasa tamang pag-iisip ?”

“ A, ewan ko sa’yo. Basta pera yan, Pera.” Muli nitong sinipat sipat ang hawak na pera. Saka siya muling tinitigan ng animo hinuhusgahan nito ang kanyang buong pagkatao.

“ Bakit ? may dumi ba ko sa mukha ?”

“ Ba’t ganyan ang iyong kasuotan ? Saang kaharian ka ba nagmula ?”

“ Wala ka na ‘ron ! Bakit, anong problema sa suot ko. Mahalay ba ?”

“ Hindi. Kakaiba lamang. “

“ good. Akala ko kung ano na e.” hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

“ Ano na naman ba ?! Take your eyes off me pwede ba ? “ Talagang naiirita na siya sa lalaking ito. Hindi niya mawari kung dahil sa malalantik nitong mga pilik mata o sa kulay abo nitong mga mata kaya’t nakakaramdam siya ng pagbilis ng tibok kanyang puso. Uso yata ang abuhing mata sa lugar na iyon. What the hell was wrong with me ?

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon