maskaradong bandido

30 0 0
                                    

ibang daigdig ? tama po ba ang narinig ko ?” tumango ito at dahan-dahang umupo sa kawayang bangko habang kaagapay ang anak.

“ Tama ang iyong narinig. Ikaw ay maaring nagmula sa ibang daigdig.”

“ Ama, may ibang daigdig sa labas ng Minereya ? “

“ oo anak. Ngunit iyon ay isa lamang alamat. Paslit pa lamang ako noon ay madalas ibahagi sa akin ng aking Apo ang tungkol sa kabilang bahagi ng ating mundo. Isang mundo na malayong-malayo sa ating kinamulatan.”

“ Kung alam niyo po ang pinanggalingan kong mundo, matutulungan nyo ako para makabalik hindi po ba ?” sumilay ang pag-asa sa kanyang puso. Sa wakas ! matatapos na ang kanyang panaginip.

“ Patawad. Ngunit wala akong kapangyarihan upang ibalik ka sa iyong mundo.” Nawala ang mumunting pag-asa niya. Kung totoong nasa ibang daigdig siya, Paano pa siya makababalik? This is crazy.

“ Ngunit may kilala ako kung sino ang dapat mong lapitan.”

“ Sino po ?”

“ Ang Diwaning si Lubi. “

“ Saan ko ho siya matatagpuan ?”

“Nakatira siya sa Sagradong Templo at siyang nangangalaga sa balance ng buong Minereya.”

“ Paano po ako makakapunta sa Kaharian ng mga Diwani?”

“ Kailangan mong bagtasin ang apat na bundok patungong Sagradong Templo. Nangangailangan iyon ng mahabang paglalakbay. “

“ Anak ng tokwa naman oh ! parang commercial ng pawnshop ah ! “

“ Iyon lamang ang tanging paraan upang makausap mo ang Diwaning si Lubi. Nasa kanyang pagpapasya pa rin kung ikaw ay makakabalik sa iyong daigdig.” She gave a deep sigh. I guess wala siyang choice kundi ang hanapin ang Diwaning Lubi na ‘yon, kung sino man iyon.

“ Paano ko makikilala si ang Diwaning si Lubi ?”

“ Sa sandaling magtama ang inyong paningin ay hindi mo na kakailanganin na bumigkas ng kahit na anong kataga. Mababasa na niya ang iyong Puso.”

“ Ganun kagaling ang Diwaning Lubi na ‘yon ?”

“ Mayroon siyang kapangyarihan na malaman ang bawat pangyayari sa buong Minereya. Maging ang kinabukasan nito ay batid na niya. Kaya’t siya lamang ang tanging nilalang na maaring magsabi sa iyo kung bakit at ano ang dahilan ng iyong pagparine sa aming mundo.”

Sa sinabi ng matandang lalaki ay lumakas ang loob ni Freiya. Sapat na ang malaman niya na may paraan para makabalik sa kanyang mundo.

“ Ituro po inyo sa akin kung paano ako makakapunta sa Kaharian ng mga Diwani.” Sunod-sunod na tango ang isinagot nito.

Nagpalipas siya ng gabi sa dampa ng pamilya nila Requim. Maswerte siya at kahit papaano ay nalinawan siya ng konti sa sitwasyong kinasuungan.

She must go back. In the first place wala naman dapat siya roon.

Kailangan niyang malaman kung paano siya napadpad sa Lugar na iyon at kung paano makakabalik.

KINABUKASAN,

“ Maraming salamat po sa impormasyon ninyo. Kung hindi dahil sa inyo, I’m sure pagala-gala pa rin ako sa paghahanap ng clue.” Niyakap niya si Requim.

“ mag-iingat ka ha ? at huwag mo nang uulitin ang ginawa mo sa Liwasang Bayan. Baka sa susunod ay hindi ka na makaligtas. Gets mo ?”

Ngumiti lamang ang bata. Kahit saglit lang ang pinagsamahan nila ay napalapit na ito sa kanya. Marahil, dahil sa wala siyang kapatid kaya magaan ang loob niya rito.

“ ikaw man, Ate Freiya. Mag-iingat ka. Lubhang mapanganib ang iyong lalakbayin. “

“ Nawa’y gabayan ka ni Bathala sa iyong patutunguhan.” Anang ina nito.

“ hindi ko po makakalimutan ang kabaitan ninyo. Kahit makabalik ako sa Mundo ko ay maaalala ko na may nakilala akong mababait na Mumbay at isang cute at makulit bata.” Kinurot niya ito sa pisngi.

Kung saan ang patutunguhan niya, bahala na. Basta ang mahalaga ay alam na niya ang paraan kung paano siya makakabalik. Hindi siya maaring magtagal sa lugar na iyon. Habang nagtatagal siya, hindi na niya alam ang kaibahan ng tunay at ilusyon. God, if I’m dreaming please let me wake up !

Nagsimula siyang maglakbay patungo sa Sagradong Templo ng mga Diwani. Well, sa katulad niyang hindi pamilyar sa lugar na iyon, para siyang tanga na naghahanap ng karayom sa buhanginan. Mabuti na lang at pinabaunan siya ng ina ni Requim ng kaunting pagkain. At least, hindi siya magugutom ng ilang araw. The rest is up to her.

Nakarating siya sa magubat na parte ng Mumbay. A typical forest trail.

“ Habulin ang dayong mangangaso !” Nakarinig siya ng mga yabag ng kabayo palapit. Siguradong mga kawal ng Mumbay ang mga iyon.

Nagtago siya sa likod ng isang malaking Punong kahoy. Mahirap nang Makita siya ng mga ito. Tiyak na mabubulilyaso ang kanyang misyon.

Mula sa kanyang likuran ay nakarinig siya ng tila pag-apak sa isang tuyong dahon. Nang lingunin niya ay huli na, naroon na ang lalaki sa kanyang harap at maagap na tinakpan ang kanyang bibig. Nakasuot ito ng itim na tela na nagtatakip sa mukha nito. May sugat din ito sa kanang braso.

“ Huwag kang lumikha ng ingay, kung hindi mo nais na ika’y aking gilitan ng leeg ! “ katapusan ko na ba ? hindi pa sya handang mamatay. At lalo na, ang mamatay sa lugar na iyon. Wala man lamang iiyak sa pagkawala niya. Oh no .. not now !

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon