ang simula ng katapusan

28 0 0
                                    

   Freiya froze for a brief moment when she felt something weird was happening inside her body. Parang biglang tumigil ang pintig ng puso niya at naghihiwalay ang body and soul sa loob ng kanyang katawan.

Awtomatikong natutop niya ang dibdib thinking that it can help to lessen the pain.

"May dinaramdam ka ba mahal na prinsesa ? Tila hapong hapo na ang iyong pakiramdam. Maari tayong magkubli panandalian sa gawing iyon ng kakahuyan. Magpahinga ka muna." itinuro ni Altheya ang mapunong bahagi ng Indebas kung saan nagtatayugang puno ng Artiko ang makikita.

" wala na tayong oras para magpahinga, Altheya. Kulang lang siguro ako sa exercise kaya medyo nag aadjust ang katawan ko."

" ngunit namumutla ka na, kapag nagpatuloy tayo ay mas lubhang mapanganib para sa iyong kalusugan." umiling lang siya sa sinabi niyo tanda ng hindi pagsang- ayon.

" malapit na tayo sa palasyo ng Mumbay. Natatanaw ko na mula rito. Wala tayong oras na dapat aksayahin para maagapan natin ang anumang masamang mangyayari." once again, she saw Altheya's sorry look inside her eyes. She patted her shoulder.

" wala kang kasalanan kaya't hindi mo dapat sisihin ang sarili mo."

"napakabuti mo Prinsesa Ayesha."

" you can call me Freiya kapag tayong dalawa lang. Mas gusto ko ang pangalan na iyon."

Nag aalangan na tumango ang dama.

Humugot siya ng isang malalim na hinga  saka ibinuga sa hangin.. Pambawi ng lakas.

"let's go ?" lalakad na dapat siya ng muli siyang pigilan ng dama.

"mayroon akong naisip na ideya upang mailigaw natin ang mga humahabol sa iyo, Freiya."

"ano?"

"magpalit tayo ng kasuotan upang isipin nila na ako ay ikaw. Ililigaw ko sila palayo upang magkaroon ka ng pagkakataon ng makabalik ng palasyo ng hindi nila nadadakip."

"magandang idea nga yan kaso, baka ikaw naman ang mapahamak."

" huwag kang mag alala, hindi nila ako magagawang saktan sapagkat kapatid ko ang kanilang pinuno."

Kahit nag aalangan para sa kaligtasan ng dama ay pumayag na rin si Freiya. Ito nga lang ang pinakamabisang paraan para madivert ang attention ng dalawang gunggong na humahabol sa kanya.

After  they changed clothes ay nagpaalam na sa kanya si Altheya.

"Altheya !" then she turned around. Bagay na bagay dito ang damit niya. Parang hindi ito isang Minereyan kundi kauri niya.

She smiled at her.

" magkita tayo sa palasyo. Hihhintayin kita roon. Ipangako mo na babalik ka sa Mumbay."

She stare at her for seconds and gave her back a quick smile. Saka ito tumango at pagdakay nagpatuloy sa pagtakbo

Mas masisiguro niya ang kaligtasan nito kung naroon ito sa palasyo ng Mumbay.  Kaibigan na ang turing niya rito at hindi isang espiya.

Napakapit siya sa malapad na katawan ng punong Artiko nang makaramdam muli ang panghihina. It feels like taking all her energy kaya't unti-unti siyang nanghihina at bumibilis ang paghinga.
physically fit naman ako ah !
bakit ngayon pako hiningal. Napakadae ko naman kasi nakain Kanina kaya siguro mabigat ang pakiramdam ko.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon