PALASYO NG MUMBAY ..
“ Palabasin nyo ko rito ! palabasin nyo ko ! “ dinala siya ng mga kawal sa isang silid na pinalilibutan ng rehas.
“ Wala akong kasalanan sabi e. Kailangan ko ng umuwi sa’min. Pakawalan nyo ko.” Walanghiya talaga ang Prinsipe Bakulaw na iyon. Hindi man lamang siya nito binigyan ng pagkakataon upang makapagpaliwanag. Agad siya nitong ikinulong.
“ Sasabihin mo na ba ang iyong tunay na pakay sa pagpunta sa Mumbay ?” Tanong ng Prinsipe habang pababa sa hagdanang bato patungo sa kanyang kinalalagyang piitan.
“ Manigas ka sa kahihintay, hindi ko sasabihin sa’yo. Kahit tubuan ka pa ng ugat sa kababantay sa’kin, wala kang mapapala. Pakawalan mo ko dito, Bakulaw ka !”
“ May pangalan ako, huwag kang lapastangan na tawagin ako sa ibang pangalan.”
“ ahah ! hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng bakulaw ano ? Pwes making ka. Isang malaking hayop ‘yun. Parang tao pero hindi. Parang ikaw lang. “ Humagalpak siya ng tawa. Kitang kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa maamong mukha ay bumadha ang galit sa mga mata nito.
“ inihahalintulad mo ako sa isang hayop ? ako na isang Prinsipe ? at nakuha mo pang tumawa sa sitwasyon mo ngayon. Kakaiba ang iyong tapang, babae. Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong katapangan.”
“ e ano naman kung ikaw ang Prinsipe rito ? hindi naman ako taga rito. At wala akong pakialam kahit ikaw pa ang hari. Basta pakawalan mo ko rito. Sa oras na makalabas ako.. “
“ ano ? ano ang iyong gagawin ?”
“ mata mo lang ang walang latay , bakulaw ka ! grrr ..”
“ hangga’t hindi mo ipinagtatapat ang iyong pagkatao, hindi ka makalalabas sa piitang iyan. Naiintindihan mo ba ?”
“ naiintindihan ko, hindi ako tanga ! at lalo ng hindi ako bingi. Ikaw ang hindi marunong umintindi. Kanina ko pa sinasabi na hindi ako espiya, mas makulit ka pa kay Dudong na numero unong lasenggero sa’min.” hindi nito pinansin ang sinabi niya. Basta na lamang ito tumalikod na akala mo kung sino. Ganito ba talaga kataas ang ere ng mga Prinsipe ?
“ Bantayan mabuti ang babaeng iyan, huwag ninyong hayaan na makatakas.” Maawtoridad na utos nito sa mga bantay na kawal.
“ masusunod, mahal na Prinsipe.” Bago ito umalis ay sumulyap muli ito sa kanya. She just stucked out her tongue and make a poker face. Kung inaakala nito na masisindak siya, no way ! over her dead georgious body.
Ewan ba niya kung guni-guni lamang pero parang napansin niya ang sumilay na ngiti sa labi ng Prinsipe. Ah .. gutom lang ‘yan Freiya. Paanong ngingiti ang isang ‘yon e mukha yatang pati ang ngiti nun e mamahalin.
![](https://img.wattpad.com/cover/24891572-288-k332091.jpg)
BINABASA MO ANG
me and my shining prince (book 1)
RomansaWith a sudden twist of fate,Napadpad si Freiya sa isang mistikong mundo. Habang abala sa pag-iisip kung paano at bakit siya nakarating doon ay nakilala niya si Prinsipe Aljubar. Dumagdag pa na napagkamalan siyang prinsesa ng Luseria na nakatakdang m...