journey to another world

27 0 0
                                    

Nanatiling nakatitig lamang kay Freiya ang ina ni Requim. Which was odd. Kung makatingin kasi ito ay para bang ngayon lamang nakakita ng katulad niya. Mukha ba siyang alien ? hello ? ang cute nya kaya !

“ ahmm .. pasensya na ho kayo kung nakaistorbo ako. Ang sabi ho kasi nitong si Requim e baka matulungan nyo ko sa problema ko.”

“ Kakaiba ang yari ng iyong kasuotan, binibini. “

“ Ho ? “ she looked at herself. Wala naman kakaiba sa damit niya. She’s only wearing a casual outfit. Isang tipikal na terno ng tennis uniform. Mas komportable kasi siya sa mga ganoong klase ng damit. Tutal ay wala naman dress code sa pinagtatrabahuan niya. A colored white top blouse with pink lining at mini skirt. Tinernohan niya ito ng White Rubber shoes. Kung sa bagay, sa yari ng mga damit ng halos lahat ng kababaihan na nakita niya sa Liwasan ay pawang mga makaluma pero ibang-iba ang dating.

“ Wala naman ho’ng iba sa ayos ko. Hindi pa nga effort ito eh.”

“ Ano ka’mo ? “ mula ng masilayan siya ng ina ni Requim ay hindi na naalis ang tingin nito sa kanya. Kung iguguhit nga ang mukha nito ng abstract, siguradong question mark ang kalalabasan.

“ wala ho.” 

“ tunay ang sinabi ni ina, Ate Freiya. Ano ang tawag sa suot mong iyan sa iyong braso ? “

“ ah .. eto ba ? wrist watch. Ngayon ka lang ba nakakita nito ?” tumango-tango ang bata. Ano bang klaseng bata ito at mukhang kahit mumurahing relo ay hindi alam?

“ Para saan ba ginagamit ang bagay na iyan ?”

“ para malaman kung anong oras na.”

“ Ha ? maaring malaman ang oras ?”

“ Oo, halimbawa ..” sumulyap siya sa relo.

“  tumigil pala." Bagong palit ang baterya ng kanyang relo kaya imposibleng tumigil ito. Baka naman nabasa o nasira kaninang tangayin ako ng ipo-ipo?

“ maiba ako, hindi na ho ako magpapaligoy-ligoy pa. Kaya  ako nagpunta rito ay para malaman kung may alam kayo kung paano ako makakabalik sa amin.”

“ saan ka ba nanggaling na kaharian, ineng ?”

“ Freiya nalang “

“ Sa Maynila raw, ina. Hindi po ba’t kakaiba ang tawag sa lugar na iyon ? maging ako nga ay nagtaka.” Sumang-ayon ang ina nito.

“ Hindi ko batid ang lugar na iyong nabanggit.

“ Paano mangyayari na hindi ninyo alam ang lugar na’yon e ang liit-liit lang ng Pilipinas ?Capital kaya ng Pilipinas ang Manila ! “

“ Ha ? Kaharian ba ang tinawag mong Pilipinas ?” there we go again !

“ Hindi kaharian ang Pilipinas, Bansa po ‘yon. “ if this people doesn’t even know the existence of Philippines , kung ganun nasan siya ?

“ Kung wala ako sa Pilipinas, anong klaseng lugar ang napuntahan ko ?”

She started to feel scared. Takot na maging totoo ang kanyang hinala, na something magical happens to her.

“ Narito ka nga sa Kaharian ng Mumbay.” Singit ni Requim.

“ Tama ang aking anak, Freiya. Para sa iyong kaalaman, Ang MINEREYA ay nahahati sa limang kaharian. Ang SOMERYA, LUSERIA, PISETAN, MUMBAY at ang mahiwagang kaharian sa gitnang bahagi ng Minereya, ang kinalalagakan ng Sagradong Templo. Ang DIWANI.”

“ Ibig nyo po bang sabihin. Isa lang ang Mumbay sa limang kaharian ? walang America, O Hongkong ? Japan ,wala din ?” umiling ito.

“ Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinasabi mong lugar.” She really felt helpless. Naglabo-labo na ang mga alalahanin sa isip niya. Feeling tuloy niya, any moment ay mag be-breakdown na siya.

“ Ikaw ay nagmula sa ibang daigdig.” Mula sa haligi ng kawayang pinto ng isang silid ay lumitaw ang isang matandang lalaki na halatang-halata ang kapayatan. Hinang-hina ito habang pinipilit lumapit sa kinaroroonan nila.

“ Ama ! Bakit ka bumangon sa iyong higaan ? Hindi makabubuti sa iyong kalusugan ang pwersahin ang iyong katawan ! “ nilapitan ito ni Requim at maingat na inalalayan. Hindi na niya nabigyang pansin pa ang kalagayan ng matanda. Ang tanging rumehistro lang sa kanyang isip ay ang sinabi nito

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon