hindi ako ang prinsesa ..

23 0 0
                                    

Saan mo balak magtungo, aking bihag ?” mula sa likuran ay narinig niya ang tinig ni Aljubar. Nalintikan na naman. Parang kabute talaga ang isang ito. Kung saan-saan sumusulpot. Bwisit !

“ Requim, kapag sinabi kong takbo .. takbo okay ?” binulungan niya ang bata saka sinenyasan.

“ Paano ka nakalabas sa piitan ?” lumakad ito palapit sa kanya. Bawat hakbang nito palapit ay siya namang hakbang niya palayo.

“ Ahmm.. ano .. Magic ! Kaya nandito na ko .. Dyaraan !!!”

“ Ano na naman ang sinasabi mo ?”

“ Secret. Walang clue. Pasalamat ka at nagmamadali ako, kung hindi pauulanan kita ng ala Fernando poe na suntok. Requim .. “

“ ha ? “ nakatitig lamang ang bata sa kanya na tila inaabangan lamang ang kanyang senyal.

“ takbo !!!” Bago pa man siya makatakbo ay naunahan na siya ng Prinsipe at nahawakan ang kanyang kamay.

“ Hindi mo na magagawa sa pangatlong beses na ako ay matakasan.”

“ tatlo talaga ? hindi ba dapat dalawa muna ? Bitiwan mo nga ako ! “ tumigil din sa pagtakbo si Requim pero sinenyasan niya ito na magpatuloy sa pagtakas. Mas may chance siyang makatakas kung Malaya ito.

“ Hindi mo ako matatakasan kahit na ano ang iyong gawin. Nais mo ba na sa akin pa manggaling kung sino ka at kung bakit ka narito sa Mumbay,

Prinsesa Ayesha ?” Ano raw ? Prinsesa Ayesha ? Tama ba ang narinig ko sa Bakulaw na ‘to ?

“ Anong pinagsasasabi mo riyan ?! pakawalan mo nga ako ! “

“ Sa iyo bang palagay ay maiisahan mo akong muli? Alam ko ang pakay mo, una pa lamang kitang makita sa Liwasan. Iniisip mo ba na hindi kita makikilala kahit na nag-iba ka pa ng kasuotan ?”

“ Hoy ! Prinsepeng Bakulaw, Pwede ba, ‘wag ka nga feeling diyan ! Kung makabintang kang Bakulaw ka, wagas. Sinabi ko na nga ng ilang beses sayo at uulitin ko pa baka hindi ka makaintindi ng tagalong. Hindi ako espiya, okay ? Kaya ‘wag mo ko pagbintangan na para bang kilala mo ko. Baka pati ang pagpatay kay Lapu-lapu e ibintang mo sa’kin ! Bitiwan mo ko kung ayaw mong tadyakan kita sa mismong kinabukasan mo.” ngumisi lamang ito.

“ Talagang sadyang pinangatawanan mo na ang iyong pagkukunwari, Itigil mo na ang iyong kahibangan. Alam ko na ang iyong tunay na kulay, mahal na Prinsesa.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.

“ Anong Prinsesa ? Sinong prinsesa ? Tantanan mo nga ako. Una, tinawag mo kong espiya. Ngayon naman, Prinsesa. Para kang sira ! Ano ba, nasasaktan na ko ah ! Bitiw ! Bitiw sabi eh.” Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

“ Hindi kita bibitiwan. Ibabalik kita kung saan ka dapat.Hindi ako makapapayag na guluhin mo ang tahimik kong buhay. At hindi ako makapapayag na paikutin mo ang aking ulo. Higit sa lahat, hindi ako makapapayag na matuloy ang ating pag – iisang dibdib.”

“ Ano raw ?! isang dibdib ? as in, kasal ? Hah ! nek-nek mo ! Unang una, hindi kita kilala para guluhin ko ang buhay mo. Pangalawa, bakit ko paiikutin ‘yang ulo mo ? Bola ka ba ? at Pangatlo, Sino naman katulad mong siraulo ang nagsabi na magpapakal ako sa’yo ? Hindi kasal ang tawag kapag ikaw ang napangasawa kundi sakal ! malinaw ?”

“ Kahit na ano pa ang iyong sabihin, hindi maaaring matuloy ang anumang kasunduan sa pagitan n gating kaharian. Hindi lamang sa paraang iyon mapapalakas an gaming puwersa.”

“ Anong pakialam ko sa puwersa-puwersang sinasabi mo? Hindi ako ang prin … “ bago pa niya maituloy ang sasabihin ay isang may edad na babae ang sumulpot mula sa likuran ng Prinsipe.

“ Mahal na Prinsesa Ayesha ?” Lumingon siya sa kanyang likuran upang tignan kung sino ang tinawag nito ngunit nanatili ang mga mata nito sa kanya. Itinuro niya ang sarili bago nagsalita.

“ Ako ? “ ngumiti ito at patakbong yumakap sa kanya. What the ..

“ Salamat kay Bathala at tunay nga na ikaw ay narito lamang. Lubha akong nag alala sa iyong pagkawala.” Naluluhang wika nito. Kahit naguguluhan ay hindi niya mapigilan ang maawa sa matanda. Siguro ay ito ang ina ng Prinsesa. Pagkakataon na niya. Nakikisimpatya siya sa kalugkutan ng matanda pero kailangan niyang lansiin ang Prinsipe at samantalahin ang pagkakataong iyon.

“ Tama. Ako nga ‘yon. Mabuti dumating po kayo. Tara, alis na tayo rito. Doon po tayo mag-usap sa malayo. Sa malayong malayo. Di ba Prinsipe Aljubar, kailangan naming mag-usap ?” nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. Mabilis niyang iginiya ang matanda palayo sa Prinsipe.

“ Hindi ka makatatakas sa aking paningin, Prinsesa. Hindi pa tayo tapos.”

‘yan ang akala mo !

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon