mission : to pretend as the princess of Luseria

32 0 0
                                    

Diwaning Lubi ?”

“ opo, ayon sa aking informer, may kapangyarihan siyang maibalik ako sa aking mundo. “

“ ngunit lubhang mapanganib at lubhang napakalayo ng iyong lalakbayin bago makarating sa Sagradong Templo.”

“ I know. But I had no choice. Kung talagang gusto ko makabalik sa amin, kahit isang daaang bundok pa e handa akong lakbayin.”

Isang mahabang katahimikan ang namayani. Walang sinuman sa kanila ang nais magsalita. Ang matanda na ang unang bumasag ng katahimikan.

“ Nakikiusap ako sa iyo. Maari ba na gampanan mo muna ang katauhan ng Prinsesa ? Upang walang mamuong kaguluhan habang siya ay hindi pa nagbabalik.”

“ Bakit kailangan ko magpanggap bilang Prinsesa ng Luseria ? Bakit hindi na lamang ninyo ipagtapat sa hari na tumakas ang anak niya ? na ayaw niyang makasal kay Aljubar ?”

“ sapagkat itatakwil ng hari ang kanyang sariling anak.” Nasapo niya ang kanyang ulo. Ano ba ang nasuutan niyang sitwasyong ito?

“ Ayon kay Maimot, may takdang panahon ang pananatili ni prinsesa Ayesha sa ibang mundo. Maaring ganoon din ang iyong kalagayan. May hula ako na sa iyong mundo napunta ang aking prinsesa.”

“ you mean, nagkapalit kami ? “ tumango ito.

“ maari.” Whoa .. masyado nang nagiging komplikado ang lahat para sa kanya.

“ Kaysa maglakbay ka ng napakalayo, Hintayin mo na lamang na mawala ang bisa ng kapangyarihan ni Maimot. Ganoon din naman ang tagal na ilalagi mo kung ikaw ay maglalakbay.”

“ Naririnig nyo ba ang sarili nyo ? Tignan nyo nga ako. Sa tingin nyo ba ay walang ibang tao na maghihinala na hindi ako si Prinsesa Ayesha ? malayong malayo ako para maging isang prinsesa.”

“ Taglay mo ang kagandahan ng mukha ng prinsesa kaya’t mag-iba man ang iyong kilos ay hindi sila maghihinala. Nakikiusap ako sa iyo, para sa katahimikan ng buong Luseria at sa ikapapanatag ng kalooban ng Prinsesa. Batid ko na hindi niya nais na bigyan ng sakit ng ulo ang kanyang amang Hari.”

“ dapat ay naisip na niya ang bagay na iyan bago pa siya nagdesisyon na tumakas. Wala akong obligasyon na tulungan ang Prinsesa at lalong wala akong obligasyon sa Luseria. Hindi ako siya.”

“ Iyon ay isa lamang pakiusap. Batid ko ang laki ng sakripisyong hinihiling ko sa iyo.Sana’y mapagbigyan mo ang aking pakiusap.”

“ Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa inyo. Pwede po ba na bigyan nyo ko kahit five minutes .. ah, hindi. Kahit one minute lang para maabsorve ng utak ko ang mga sinabi nyo ?” mabining ngiti ang isinagot nito sa kanya.

“ Ano nga po pala ang pangalan ninyo ?”

“ Tawagin mo na lamang akong Dama Urusan. Ako ang nagpalaki sa Prinsesa.”

“ I see. Kaya pala kunsintidor kayo.”

“ Ano ang iyong sabi?”

“ ah .. wala po. Kalimutan nyo na.” Siguro ay napakatigas ng ulo ng Prinsesa na iyon. Sukat ba naman layasan ang kaharian para magawa ang gusto niya. Nandamay pa ! Kung sa bagay, kung katulad ng Aljubar na ‘yon ang mapapangasawa, kahit siya e magbibigti nalang. Aba, daig pa yata ng isang iyon si Marcos sa pagiging diktador. Kung hihintayin niya ang pagbalik ng Prinsesa, walang mawawala sa kanya. Hindi pa niya kakailanganin na maglakbay ng isang libong milya para matagpuan ang Sagradong Templo na sa totoo lang e wala naman kasiguraduhan na maibalik siya sa kanyang mundo. The best way to find a solution is to become this Stupid Princess. Hah ! tignan ko lang kung makatawa ka pa Aljubar. Humanda ka dahil nandito na si Freiya, gagawin kong miserable para sa’yo ang bawat araw na ilalagi ko sa mundong ito. I’ll make sure na hihilingin mo na sana ay hindi ka na isinilang ng nanay mo ! Bwahaha

Pumapayag na ako sa gusto mo mangyari Dama Urusan. Pero sa isang kondisyon ..” nagliwanag ang mukha ng matanda sa kanyang tinuran. Sumilay naman ang nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi.

“ Sa anong kapalit ? “

“ Hangga’t hindi nakakabalik ang prinsesa, hindi magaganap ang kasal sa pagitan namin ng Prinsipe ng Mumbay. Postpone kumbaga.”

“ Ipagpaliban ba ang pag-iisang dibdib ang iyong ibig ipakahulugan ? “

“ That’s right ! “

“ Aking susubukan na kumbinsihin ang hari ukol sa pagpapaliban ng araw na iyon. Kung gayon, simula sa araw na ito ay ikaw na si Prinsesa Ayesha. Ang nag-iisang prinsesa ng kaharian ng Luseria.” Hinawakan ng Dama ng mahigpit at puno ng pasasalamat ang kanyang mga palad.

This is it ! This is really it is !

“ Ipinatatawag kayo ng mahal na Hari ng Mumbay sa Bulwagan.”

Nagkatinginan sila ni Dama Urusan. The real Battle will soon begin. Kapag pumalpak siya, sarili lang ang dapat niyang sisihin.

“ Dito ang daan, Mahal na Prinsesa.”

“ Salamat.”

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon