un-expected meeting 2

23 0 0
                                    

Napapikit nalang si Freiya dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kwintas. Ganito rin ang liwanag na nakita niya bago siya lamunin ng ipo-ipo papunta sa mundong iyon. Ang simula ng lahat ng tila isang panaginip. Katuparan ng isang piping hiling ng kanyang puso. Sinong mag-aakala na totoong nag eexist ang isang mundo maliban sa earth. Mundo na tila sa sandaling panahon ay nagkaroon ng malaking puwang sa kanyang puso.

Kahit nais ni Freiya na idilat ang mga mata ay hindi niya magawa. Bukod sa sobrang nakakasilaw na liwanag ay may namuong takot sa kanyang dibdib. Bakit kailangan niyang maramdaman ito ? hindi ba't nais niyang makabalik sa kanyang mundo kaya't tinanggap niya ang offer ni Dama Urusan na magpanggap bilang Prinsesa ng Luseria? Dapat pa nga ay matuwa siya dahil kusang magbubukas ang lagusan sa kabilang mundo ng wala man lang siyang ginawang effort.

" babalik na ba ko sa mundo ko ?" kahit pa gusto niyang isatinig ang tanong na iyon ay nanatili lamang ito sa kanyang utak.

That moment, hindi niya maipaliwanag kung bakit isang mukha lang ang remerehistro sa kanyang isip.

The Prince of Mumbay, Aljubar.

Ang pagsimangot nito, ang iritasyon sa tuwing malalamangan niya, ang mga sandaling magkasama sila, at ang ngiti nito ng nagdaang araw. Lalo niyang pinag ibayo ang pagpikit. Mukhang goodbye na nga ito para sa Minereya and hello world na.

Nang mawala sa wakas ang liwanag na likha ng misteryosong kwintas ay saka lamang unti unting idinilat niya ang mga mata.

Hindi na niya kailangan pa na makita na siguradong nakabalik na siya.

Ngunit nang tuluyan ng luminaw ang paningin niya, naroon pa rin siya sa silid na inilaan para kay Prinsesa Ayesha. Bukod sa isang bagay ... isang kakatwang bagay ..

The same figure as her standing infront of her wearing a different clothing. It's the clothes from her world.The other her is wearing a plain black dress na hanggang tuhod ang haba. Nakatulong ang full length mirror na iyon upang mapagmasdan niyang mabuti ang kaharap.

Her hands slowly move and reach out to her reflection in the mirror but it doesnt even move the way she move. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya and she even notice the startled reaction on her face. Could it be ..

"Ayesha ?" finally nagawa din ni Frieya na mailabas ang tinig na bumikig sa kanyang lalamunan. Hindi nakaligtas sa kanya ang nakitang panlalaki ng mata nito at ang pagtataka na rumehistro sa maamo nitong mukha habang tila ninenerbyos na nilalaro ang suot na kwintas.

The same necklace she's wearing.

How did the necklace end up with hervwhile the real Princess, all along have it around her neck ?

haist .. ang gulo. Nakakawindang na talaga ang mga nangyayari. She really taught that her journey to this world comes to an end and yet here she is standing infront of her .. otherself ?

So, this is the real princess ?

"Ayesha, ikaw si Prinsesa Ayesha ?"

" paano mo ako nakilala ?" nakakapagsalita naman pala ang isang ito. Ang akala niya ay puro titig lang ang gagawin nito sa kanya.

" so, you are really the lost princess. Ako si Frieya. At sa tingin ko, according to my two beautiful eyes, we are switch."

"ha?ano ang iyong tinuran?"

"duh .. haleer Ayesha. Hindi mo ba nakikita na hindi maikakaila na magkamukha tayo ? I'm Frieya at nagmula ako sa mundo na kinaroroonan mo ngayon. Nang mapunta ka riyan, hindi ko alam kung paano mo ginawa pero dinala ako rito ng isang mahiwagang lagusan. Ikaw ay nasa mundo ko, at ako ay nasa mundo mo."

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon