hindi ako espiya !

28 0 0
                                    

Pagod na pagod na para bang forever na siyang naglalakad samantalang hindi pa man siya masyadong nakakalayo. Ngayon ay naroon na siya sa Liwasang Bayan. Hindi man niya nais gamitin ang ibinigay na balabal ng ina ni Requim ay isinuot na niya. Masyado nga naman pansinin ang suot niyang damit. Kung totoo nga na nasa ibang mundo siya, tiyak na halatang-halata sa itsura niya. Hindi dapat mapansin ng iba ang kaibahan niya sa mga naroon upang malaya siyang makadaan palabas ng Mumbay.

“ Nagkita tayong muli ! kay liit mga naman talaga ng Minereya.” Napalingon siya sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon.

“ Ikaw ?! “ hah ! mukhang sinusundan talaga siya ng malas. Ang Prinsipeng Bakulaw pa ang nakakita sa kanya.

“ oo, ako nga. Kamusta ka na, espiya ?”

“ anong espiya ang pinagsasasabi mo riyan ? Hindi ako espiya !”

“ Talaga ? Kung gayon, bakit tila mayroon kang tinataguan ? Tignan mo ang iyong sarili, nakuha mo pa na ibalot ang iyong katawan, ang akala mo siguro ay hindi kita makikilala.”

“ Hoy ! hindi ako nagtatago sa’yo. At malay ko ba na makikita pa kita rito. Masyado kang maraming oras para sa isang Prinsipe dahil meron ka pang panahon para gumala at mamasyal dito sa Liwasang Bayan !”

Ngisi lamang ang itinugon nito.

“ Hindi na ako makapapayag na maisahan mo pang muli. Hindi ang katulad mo ang magpapamukha sa akin kung paano umasta bilang prinsipe. Isa ka lamang Espiya.”

“ Bakit ba ang kulit mo ha ? Sinabi ko na nga na hindi ako Espiya. Paulit-ulit ? paulit-ulit ha ? Read my lips. I’m not a spy. Gets mo ?”

“ Kung gayon, ano ang iyong ginagawa sa lugar na ito ?” hindi siya nakakibo. Kung ipagtatapat niya sa Prinsipe Bakulaw na ito ang totoo, maniniwala kaya ito at palalayain siya o baka sabihin lamang nito na nasisiraan na siya ng bait.

“ Namamasyal lang ako. Actually, pauwi na nga ako e. sige, Diyan ka na. Bye-bye. “ agad niya itong tinalikuran. Run Freiya, Run. Ngayon higit kailanman dapat niyang sundin ang sinasabi ng kanyang isip. Kung ito nga ang Prinsipe ng Mumbay, delikado ang lagay niya. Espiya pa man din ang tingin nito sa kanya.

“ At saan sa palagay mo ang iyong tungo ? “ humarang ito sa daraanan niya. Even the sunlight was blocked by his big built. Hindi matatawaran ang pigura nito.

“ uuwi na, sabi ko nga di ba ?”

“ at sinong nagsabi na maari ka ng umalis? “

“ Ano ba kasi ang meron sa’kin at ayaw niyo ko paalisin ? Ang bait-bait ko naman. Ni langgam nga hindi ako pumapatay kahit nagkalat pa sa kusina ng apartment ko. Tapos ganito pa ang kasasapitan ko? “

“ Kailangan kitang dalhin sa Palasyo upang malaman ko kung tunay na ikaw ay walang sala.”

“ Ha ? sa Palasyo ? no way. Hindi ako sasama sa’yo. Malayo pa ang pupuntahan ko. Saka mo nalang ako isama for interrogation. Paalam na.”

Mabilis siyang nag overtake sa kinatatayuan nito. Ngunit bago pa man siya makalayo ay humarang na sa kanyang dadaanan ang mga kawal ng Mumbay.

“ hulihin ang babaeng iyan ! kailangang suriin kung siya ay hindi ipinadala ng Pisetan upang maging espiya.” Oh no .. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makatakbo dahil hawak na ng dalawang kawal ang magkabila niyang mga braso.

“ Wala akong ginagawang masama, bakit ba ayaw mong maniwala ? “

“ Malalaman din natin kung totoo ang iyong mga sinasabi. Dalhin yan sa Lagakan ng pag-uusig ! “ utos nito sa mga kawal.

“ Bitawan mo nga ako, ano ba ?!”

“ huwag ka nang magmatigas, sumunod ka na lamang sa utos ng mahal na Prinsipe Aljubar. Kung totoong wala kang sala ay palalayain ka. “

“ wala akong panahon sa mga interrogation niyo pwede ba, kaya pakawalan niyo ko. Hindi ako espiya ng Pisetan. At lalong lalo na, wala akong ginagawang masama sa inyo. Bitawan mo nga ako.” Naghihisterikal na sigaw niya. Nagawa pa niyang tadyakan ang isang kawal na may hawak sa kanya.

“ talagang napakatigas ng iyong ulo, babae ka.” Walang kaabug-abug na pinasan siya ng Prinsipe na parang isang sako ng bigas.

“ Hoy ! Bastos ! Anong ginagawa mo ? Ibaba mo ko, idedemanda kita ng sexual harassment walanghiya ka ! Ibaba mo ko sabi Bakulaw ka, ano ba !”

“ Kapag hindi ka tumigil sa kasisigaw mo, ako mismo ang pupugot sa iyong ulo. Kaya tumahimik ka.” Lalong nag-init ang ulo niya. Nagkanda letse-letse na. Malabo na yata na marating pa niya ang Sagradong Templo.

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon