one step closer

22 0 0
                                    

Sakay muli ng Ibalon,

Nakakanlong sa mga bisig ni Aljubar  ang lasing na Prinsesa habang himbing na himbing sa pagtulog. Buong biyahe nila pabalik ng Palasyo ay tulog ito. Kahit pa napapadaan sila sa mababatong bahagi ng Mumbay ay hindi natitinag ang dalaga at may kasama pang paghilik.

Prenteng makasandig lamang ito sa kanyang braso.

" Malayo pa ba ?" Bahagyang ikinagulat ng prinsipe nang magsalita siya.

" Kanina ka pa ba'ng gising ?"

" Medyo."

" At hindi mo sinabi ?" Pakasabi'y sunud sunod na iling ang ginawa nito.

" talaga  ba na nagiging masaya ka sa tuwing nakapanlalamang sa kapwa mo?" inis na tinangka nito na ilayo ang katawan kay Freiya ngunit sa halip na bumitaw ay mas lalo pa siyang nagsumiksik sa pagpulupot dito.

" Hindi ka naman nagtatanong eh."

" umayos ka nga ng upo. Hindi ganyan ang asta ng isang prinsesa!"

" Ayoko. Tinatamad ako. At isa pa, nahihilo pa ko. Malakas din pala makalasing ang Beresa'ng iyon."

" dangan naman kasi ay napakalakas ng iyong loob na makipagharapan sa mga manginginom ng Beresa sa Onombre. Ano ba talaga ang laman ng utak mo at punong puno ng mga kakatwang ideya ? Hindi mo ba alam na lubhang mapanganib ang umuwi ng lango sa Beresa ? kababae mong tao.," Sa halip na sumagot ay  pinilig niya ang ulo sa malapad ng dibdib nito.

" kasama naman kita." Pagkatapos humikab ay ipinikit ni Freiya ng mariin ang mga mata.

"Ganito pala ang feeling when leaning in a super cute guy's chest. It feels safe and comforting"  Maaring dala ng kalasingan kaya't sari-saring emosyon ang gustong kumawala sa kanyang damdamin. The last time she was carried by a man was when her father was still alive. Mga panahon na hindi niya binigyang pansin kung gaano kahalaga.

Tears started to flow in her eyes.

Hindi niya mapigilang mapasinghot sa tuwing maaalala ang mga magulang. Masyado man siyang bata noon upang isipin na ang mga sandaling iyon ay maaring huli na. She couldn't turn back time to tell her father how she misses him and how she loves her parents. Sa pamamagitan ng mga taong kumupkop sa kanya at nagpalaki ay naibsan kahit papaano ang kahungkagan na kanyang naramdaman sa pagkawala ng mga magulang. All she can remember is the memories of her childhood.

Nanatiling tahimik at walang kibo ang prinsipe habang binabagtas nila ang daan pabalik sa loob ng Palasyo. She could hear him sigh and sometimes felt that he tries to look at her face pero muli ay bumabaling lang ito sa kanilang dinaraanan.

" Naranasan mo na ba ang ma-inlove ?" siya na ang pumutol sa nakabibinging katahimikan dahil nakabawi na rin naman siya sa pansamantalang pag -E-EMO.

" Ma- inlove ?" naguguluhang tanong nito. Bahagya nitong hinila ang renda ng Ibalon.

" I mean .. nagmahal ka na ba ng babae ?" she heard him chuckles.

" ano ba'ng klaseng tanong iyan, Ayesha ?"

" Kahit wala na tayo sa Onombre, pwede mo parin ako tawagin na Frieya. Kung ayaw mo'ng sagutin, e 'di huwag" Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita.

" Pag-ibig nga ba'ng matatawag ang pagsinta ng isang sampung taong gulang ?"

" ha ? bata ka pa nang ma-inlove ? Sino siya ? Mumbayi din ba ?"

" Nakilala ko ang batang babae na iyon sa isang pagtitipon na ginanap sa kabilang kaharian. Isang masayahin at napakagandang prinsesa. taglay niya ang kakaibang liwanag na nagmumula sa kanyang mga ngiti. Tila ba walang anumang suliranin ang hindi kayang magapo ng mga ngiting iyon."

" Wow naman ! May ganyang side ka pala ? So, nasaan na siya ngayon ?"

" Palihim kaming pumupuslit sa t'wing may pagtitipon sa aming kaharian hanggang sa maglabing limang taon kami ay nanatili ang mabuting pagkakaibigan.  Labing anim na taon na siya nang muli ko siyang makita mula sa malayo." he paused for a second and let out a deep sigh.

"Bakit? I mean hindi mo ipinagtapat sa kanya na mahal mo siya? Dinadaga rin pala ang katulad mo." Aniya pagkatapos ay humikab. Sinilip pa niya amg mukha nito ngunit nakatuon ang paningin ng prinsipe sa malayo. Tila ba naglakbay na sa nakaraan ang utak nito.

" Ang inakala ko na naiibang damdamin na naramdaman ko ay hindi pala kasing igting ng muli namin pagkikita.Inasam ko ang masilayan siyang muli ngunit nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay nagbago ang lahat sa kanya. Ang mga ngiting nagbigay kasiyahan sa akin ay tila unti-unting naglaho sa napakaiksing panahon na hindi ko siya nakita. Tila ba saglit lamang at nakalimutan niya ako. "

" Ang gulo mo naman. Hindi naman kaya pagsintang pururut lang ang naramdaman mo kaya ganoon kadali na nawala ?"

" Huwag na nga natin pag-usapan ang bagay na iyon. Matagal na panahon na ang nagdaan kaya't ayoko nang ungkatin pa ang bagay na iyon. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan, hindi ang nakaraan."

" Sus, ang sabihin mo .. naiilang ka lang pag-usapan dahil ako ang kausap mo. Ang nakatakdang mapangasawa mo. Aminin mo ?!.."

" Huwag ka nga masyadong malikot kung ayaw mo na ibaba kita." Lalo niyang pinag-ibayo ang pagsiksik dito tanda na wala siyang balak lumayo.

Ngayon lang may pagkakataon matsansingan ang Bakulaw na'to. Walang ng kasunod.

" Alam ko na hindi ka pabor sa kasunduan ng dalawang kaharian."

" Ha ? "

" Sorry, pero aksidenteng narinig ko ang pag-uusap ninyo ng hari. Bakit hindi mo ipaglaban ang gusto mo ? Akala ko ba ay tutol ka na makaisang dibdib ang Prinsesa ng Luseria? Bakit parang bigla yatang nagbago ang isip mo at naging sunod-sunuran ka sa iyong ama ?"

" Dahil iyon ang tama. Matagal na panahon na nang mabuo ang kasunduan sa pagitan ng ating mga ama. Anuman ang pagkadisgusto ang gawin ko ay hindi maaaring maputol ang anumang kasunduang nabuo."

" Paano ka ? paano ang nararamdaman mo ? Hindi mo kayang diktahan ang puso mo na pag-aralan akong mahalin dahil lamang pinagbubuklod tayo ng isang kasunduan. Sabu nga ng Sexbomb dancers, kung ano ang nasa puso mo, Sundin mo. handa akong suportahan ka, all the way."

Bakit ba niya binigyan ng advise ang isang ito samantalang hindi ba't napadpad siya sa mundong iyon dahil din sa makasariling dahilan ng tunay na prinsesa ng Luseria, na si Ayesha ? Ngayon ay kinukunsinti pa niya na sundin ng prinsipe ang puso kaysa sa utos ng ama nitong hari. Nababaliw na talaga siya.

Awa nga lang ba ang dahilan kung bakit gusto niyang huwag nitong ituloy ang pakikipag isang dibdib kay Ayesha o may iba pa ?

" Katulad ng nasabi ko, wala akong tutol sa kasunduan. natitiyak ko na magiging interesante ang bawat araw na magdaraan."

namalayan na lang niya na naroon na siya sa harap ng kanyang silid nang ibaba siya ni Aljubar at maramdaman niya ang pagtuntong ng mga paa sa sementadong sahig. Mula kasi ng bumaba sila ng Ibalon ay binuhat siya nito sa likuran.

" Sa katulad mo na mahirap maarok ang iniisip at mahirap mahulaan ang susunod na gagawin, kaabang- abang ang bawat oras. Isa pa .. nakakawala ng pagkabagot ang mga kalokohan mo. Katulad na lamang ngayon " minuwestra nito ang paraan ng pag-inom niya ng Beresa.

" Tagay pa ? " sabay silang natawa sa silly joke ng prinsipe. Pwede naman pala silang mag-usap ng hindi nag-aangilan. Mas lutang tuloy ang charm nito kapag maaliwalas ang buong facial feature. This seems to be the longest night for her.

one step closer with the real Prince,..  Aljubar.

Whew ! Ano kayang mangyayari sa love story ng dalawang 'to? Tsk tsk

Suggestions ? Comment

me and my shining prince (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon