Date Published: April 21, 2021
ROSELINDA
Nandito kami ni Dana sa isang parte ng gubat at nagsasanay para sa white magic. Bawat araw ay nag i-improve naman ako at salamat sa kaniya.
Isang prinsesa si Dana sa isang mundo na kung tawagin naming Magique. Kaya naman kailangan niyang bumalik doon para tumulong sa pag-aayos ng mundo nila.
"Ito na 'yong huling araw ng pagsasanay natin, Ynna. Kaya naman para sa 'yo 'to. Binili ko talaga 'yan para sa 'yo, para hindi mo gamitin ang rose-wand mo." Kinuha ko 'yong wand.
Isa itong uri ng wand na may mahabang hawakan, may rosas sa dulong parte at may patalim sa kabilang dulo.
"Ang wand na 'yan ay mag-iiba ang anyo kung mako-control mo na ang kapangyarihan mo." Tumango-tango ako sa kaniya.
"Salamat. Lagi ko 'tong gagamitin para naman maramdaman ko na nandito ka lang lagi." Nakangiting saad ko.
"Hindi din kita makakalimutan. Tawagin mo 'ko 'pag kailangan mo ko, Ynna. Tutulungan kita tulad ng pagtulong mo sa 'min noon." Tumango ako.
"Sige. Aasahan ko 'yan ah." Sagot ko at ginamit ko na ang binigay niyang wand sa buong practice namin.
•*•*•*•*•*
Palubog na ang araw at magkatabi kaming dalawa ni Dana sa isang bench na nasa labas lang ng bahay nila. Nakasandal ang ulo namin sa isa't isa.
"Nakipaghiwalay ka na ba sa kaniya?" Naramdaman kong tumango siya. Magkahawak ang kamay naming dalawa ngayon.
"Kasi walang kasiguraduhang babalik pa ako sa kaniya mas lalo na't alam kong hindi na ako makakabalik pa dito." Mahinang saad niya.
"Maghihilom din 'yan, Dana. Nakakasiguro akong maghihilom din ang puso mong sawi sa pagmamahal." Nakangiting saad ko at tumayo na.
"Mag-ingat ka lagi do'n. 'Wag mong papapabayaan ang sarili mo doon ah. 'Pag kailangan mo ng tulong ay nandito lang ako at tutulong sa 'yo." Nakangiting saad ko pa.
"Hanggang sa muli, Dana." Paalam ko sa kaniya at naglakad na paalis.
"Hanggang sa muli, Ynna." Rinig kong saad niya.
Hindi na ako lumingon pa para hindi siya mas mahirapan pa. Hindi naman dito magtatapos ang pagka-kaibigan naming dalawa kaya magiging ayos lang ang lahat.
~ NEXT DAY ~
Nandito ako sa isang batis na nasa loob ng isang gubat at naliligo. Dito ako lagi naliligo dahil wala namang ibang tao na napunta sa parte ng gubat na 'to.
Sinabihan kasi namin sila na 'wag pumunta sa gubat dahil baka sa mapahamak sila. Marami pa namang mga bayolenteng hayop dito kaya mas okay na 'yong hindi sila pumunta dito.
Napalingon ako sa likod nang narinig kong may kumakaluskos mula doon. Nakita ko si Drago – ang kaibigan kong dragon.
Naka-human form siya ngayon dahil sa spell na binigay ko para sa kaniya. Nakapikit ang mga mata niya at umupo sa sahig habang nakatalikod sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...