Chapter 16.

27 1 0
                                    

Date Published: July 14, 2021

ROSELINDA

Natakbo ako papuntang garden para makipagkita kay Hashton nang biglang may umatake sa 'kin kaya umilag ako. Agad akong tumingin sa pinanggalingan ng atake at nakita ko ang isang witch hunter.

Hindi siya 'yong nakita ko no'ng isang araw. Kung gano'n, marami na pala silang nakapasok dito sa academy.

Maaari din na sila ang naninira ng barrier dito sa academy at nagpapanggap na knight mage ng pamilya ko.

"Tamang-tama... Isang witch. Madali ka lang patayin ngayon." Komento niya at tumakbo na siya palapit sa 'kin habang hawak ang scythe niya.

Kinuha ko na 'yong wand ko at humanda na para umatake. Kailangan kong protektahan ang sarili ko mula sa kaniya.

"Impetum twister!" May lumabas na malakas na buhawi at pumunta 'yon sa pwesto ng witch hunter.

"Ventum spiralis!" May lumabas na matatalim na hangin sa iba't ibang direksyon at pumunta sa direksyon ng witch hunter.

"Rosa corrumpam vineam eius!" May lumabas na rosas at tinali ang witch hunter para hindi na siya makatakas.

"Mamamatay ka na, witch!" Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa likod at bago pa ko makakilos ay ginilitan na niya ako sa leeg at nawalan ng malay.

THIRD PERSON

Nandito si Hashton sa isang parte ng hardin habang naka-upong sa isang bench at hini-hintay dumating si Rose para nakapag-practice.

Maaga siyang dumating dito dahil sa excited siyang makita si Rose. Mayro'n siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag at hinahayaan na lang niya 'yon.

Habang naghi-hintay ay kukunin na sana niya ang libro niya nang biglang may narinig siyang isang pagsabog.

Kaya naman agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa direksyon ng ingay na halatang nag-aalala na naman.

'Please be safe, Rose...' Sabi niya sa isip niya at hinanda ang sarili niya sa isang pangyayari na hindi niya inaasahan.

•*•*•*•*•*

Pagkabagsak ni Rose sa sahig at duguan ay doon lang dumating si Hashton at napatigil siya dahil sa nakita niya.

"Rose!" Lalapit na sana siya nang biglang humarang ang dalawang witch hunter.

"Hindi mo na siya maliligtas dahil patay na siya." Saad ng isang witch hunter at humanda na para lumaban.

"Hindi na natin kailangang mag-aksaya ng panahon sa kaniya. Wala naman siyang kwentang kalaban." Saad naman ng isa pang witch hunter.

Maglalakad na sana silang dalawa para umalis nang biglang lumakas ang hangin. May naramdaman din silang nakakatakot na prisensya mula sa likod.

Medyo nakaramdam din ng takot si Hashton nang naramdaman niyang nag-iba bigla ang simoy ng hangin.

"Amoy... Kamatayan." Mahinang komento pa niya at napatingin sa direksyon ni Rose na nakahiga pa rin sa sahig.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon