Chapter 43.

13 1 0
                                    

Date Published: January 19, 2022

ROSELINDA

"As punishment, you will stay with me." Tinignan ko siya ng maigi nang sinabi niya 'yan sa 'kin. Stay with him? Alam naman niyang impossible 'yon eh.

"Alam mong impossible 'yon, Hash. 'Yung Demonaire —"

"You know that I won't let something happen to you, dear. I'll save you — we'll save you." Hinawakan niya 'yung dalawang kamay ko.

"We won't give up on you, Rose. Whatever happens, we're going to save you from it," Sseryosong saad niya pa sa 'kin at tumango na lang ako.

"You'll stay with me here and whatever happens, you'll stay here." Tumango ako sa kaniya at niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik

Saka hindi din naman matatanggal ang epekto ng partner system dito sa academy kaya hindi ako p'wedeng kumontra sa sinabi niya. At saka naman tutulungan naman niya 'ko para hindi ako mawala nang dahil sa Demonaire kaya ayos lang sa 'kin.

"Sige," nakangiting saad ko sa kaniya. Nakita kong ngumiti siya at inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman 'yun at nagsimula na kaming maglakad.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa langit at napangiti. Hindi ko alam pero ang ganda ng panahon ngayon. Masyadong kalmado.

"Ayos na ba 'yung pakiramdam mo?" tanong ko nang naalala ko bigla na kakagising niya pa lang kahapon.

"Yup. Medyo okay na 'ko. Nakapahinga na rin ako kanina," sagot niya at napangiti ako bigla nang hindi ko alam.  Huminto ako mula sa paglalakad kaya napahinto din siya.

"Hash, promise one thing," seryosong saad ko at tumango siya.

"Kapag may nangyaring hindi inaasahan at lumabas ang Demonaire sa katawan ko..." Huminga ako ng malalim.

"Gusto kong ikaw mismo ang mag-seal sa 'kin sa Lake of Seal. 'Wag kang mag-dalawang isip na gawin 'yon," dugtong ko pa.

"I promise. I understand," sagot niya at hinalikan niya ko sa noo.

"But we'll find a way para hindi mangyari 'yan, okay?" Tumango ako. Naglakad na ulit kami ng tahimik papuntang girls' dorm.

~ NEXT DAY ~

Pagkalabas ko mula sa dorm ay agad akong naglakad papunta sa academy nang napadaan ako sa entrance ng gubat. Napatigil ako bigla at napatingin doon.

Napahawak ako sa buhok ko nang biglang humangin ng malakas. Habang nakatingin pa rin sa gubat ay naalala ko bigla lahat ng mga nangyari noon.

At hanggang ngayon ay gusto ko pa ring malaman kung sino ang pumatay kay papa, pati na rin sa kung bakit nanggugulo ang mga guardian mage dito sa academy o ang mga witch hunter ba ang tunay naming kalaban?

Naglakad na ulit ako habang nag-iisip. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan nila. Gusto ko silang tanungin pero papayagan kaya ako ng Head-wizard na kausapin sila?

Kung makaka-usap ko man sila, ano naman ang sasabihin ko? Ano naman ang tatanungin ko? Gusto ko silang tanungin pero hindi ko rin alam sa sarili ko kung anong mga salita ang dapat kong bitawan sa harap nila.

"Aw..." daing ko nang may nabangga ako sa harap ko. Napatingin ako sa taong 'yun at nakita ko si Hashton na nakatingin sa 'kin. Kinunutan niya ko ng noo.

"Sorry," sabi ko at hinimas ko 'yung mukha ko na bumangga sa likod niya. Bakit ba kasi hindi ako natingin sa dinadaanan ko eh?

Tinanggal ni Hashton 'yong kamay kong humihimas sa bandang noo ko at hinalikan niya 'yon kaya napatigil ako.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon