Date Published: September 29, 2021
ROSELINDA
Pagkatapos naming mamili ni Miho ay pumunta na muna kami sa bahay at nakita namin si mama na nakatingin sa litrato ni papa at nila Ate Roseline.
Nilapag ko sa sahig 'yung mga hawak ko at naglakad palapit kay mama at niyakap ito ng mahigpit. Napatingin siya sa 'kin at ngumiti ng malungkot.
"Sorry anak kung nakikita mo na naman akong ganito." Nginitian ko siya at sinandal 'yung ulo ko sa balikat niya.
"Ma, okay lang po 'yun. Sigurado po ako na kung nasaan man sila papa ay masaya po sila at binabantayan nila po tayo," sabi ko naman at umayos na ko upo.
"Bumalik na kayo sa academy. Mag-ingat ka at kahit na anong mangyari ay protektahan mo ang mga importante sa 'yo mula sa kapahamakan." Hinalikan ako ni mama sa noo ko at ngumiti ng matamis.
"Iha, ikaw na ang bahala sa anak ko. Minsan kasi nagiging walang kwenta din siya 'pag kabado." Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi ni mama. Hindi naman niya kailangang sabihin ang tungkol diyan eh.
"M-Ma, alis na po kami. Ingat ka rin po. Drago, Aracne, kayo na ang bahala dito at tulungan niyo si mama," sabi ko naman at umalis na kami ni Miho.
•*•*•*•*•*
Nasa gubat na kami ni Miho at naglalakad na pabalik sa academy. Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng para bang may mali sa paligid.
"Miho, hindi mo ba napapansin na para bang may mali sa paligid natin?" takang tanong ko dahil alam kong may mali talaga akong nararamdaman.
"Wala. Wala naman akong napapansin eh. Nahuli na natin 'yung nagamit ng black magic kaya ligtas na ang academy ngayon." Napatango na lang ako at nag kunwaring naniwala sa sinabi niya.
Bakit pakiramdam ko may mali? O sadiyang binibigyan ko lang talaga ng problema 'yung sarili ko? Tanong ko sa isip ko at naging alerto pa rin sa paligid.
"Linda, may tanong din pala ako. Narinig mo ba 'yung tungkol sa mundo na may iisang malakas na mahika?"
"Mundo na may iisang malakas na mahika? Parang alam ko 'yun ah. 'Yung mundo noon na ang mahika lang ay ang tinatawag natin ngayon na Soul Magic o mas kilala sa tawag noon na Witchcraft Magic," sagot ko sa kaniya.
At ang kontinente ng Vitadinem ay malayo pa mula sa kontinente ng Albarian na ngayon ay tinatawag na naming Merphine Town kung saan matatagpuan ang Tribarian Tribe. Mayro'n din kaming tinatawag na Albarian City at Albarian Town sa ibang parte ng kontinente.
"Ang mundo na may iisang malakas na mahika ay ang Soul Magic? 'Wag mong sabihing ang mga tao noon na may kapangyarihan ay ang mga mangkukulam lang?" Napahinga ako ng malalim at nagsalita ulit.
"Tama ka doon. Mula sa unang panahon ay ang mga mangkukulam lang ang may malakas na kapangyarihan at wala nang iba," sagot ko naman at napahinto mula sa paglalakad.
"Ang mundo noon ay wala pang tinatawag na White at Black o Dark Magics. Witchcraft Magic pa lang ang mayro'n noon para sa mga mangkukulam. Kaya maraming natatakot sa mga mangkukulam ay dahil sa sila ang pinakamatagal na tao na nagkaroon ng kapangyarihan," dugtong ko pa.
"Saan nanggaling ang White at Black Magics sa mundong 'to?" Naglakad na ulit ako at nakapasok na kami sa academy at dumiretsyo na kami sa dorm para doon ilagay ang mga pinamili namin.
•*•*•*•*•*
"Nanggaling ang dalawang mahika na 'yun dahil sa gulong nangyari noon. Dahil sa kasamaan at pag-aaway ay nabuo ang dalawang uri ng mahika na 'yun." Habang naglalakad papuntang garden ay pinag-uusapan pa rin namin ang tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...