Date Published: May 26, 2021
Nandito pa rin sila Hashton sa harap ng academy at hinihintay bumalik si Rose nang nakita nila si Acane na naglalakad palapit sa pwesto nila.
"Si Ynna? Nasaan? Ayos lang ba siya?" Nag-aalalang tanong agad ni Blood nang nakalapit si Acane sa kanila.
"'Wag na kayong mag-alala pa sa kaniya. Ayos lang siya kaya kumalma na kayo." Sagot ni Acane.
"Sabi niya may pupuntahan lang siya kaya 'wag niyo na din siyang hanapin. Kamustahin niyo na lang siya bukas." Naglakad na si Acane paalis nang nasabi niya na 'yon.
Napabuntong hininga si Hashton at si Blood naman ay huminga ng malalim at napapikit ng mga mata.
"Masyadong mahina si Ynna sa dark magic kaya hindi na 'ko magtataka kung lalayo na muna siya sa mga oras na 'to." Komento ni Blood.
"Magiging ayos lang ba siya?" Tumango si Blood sa tanong ni Hashton at naglakad na rin paalis.
Napakamot na lang ng buhok si Hashton at naglakad na pabalik ng dorm bago pa siya mapahamak dahil sa mga sumusugod na taong lobo.
•*•*•*•*•*
Pagkarating ni Hashton sa dorm nila ay agad niyang nakita sila Lenrick na nakatambay doon at parang may hinihintay.
"Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang?" Tanong agad ni Lenrick sa kaniya.
"Pagkalabas namin kanina sa academy ay may naamoy na Dark Magic si Rose kaya pumunta siya sa gubat dahil sa may black orb daw doon." Pagbalita ni Hashton sa lahat.
"Ano? Black orb? Delikado 'yon ah?" Komento ni Henry at napatingin ang lahat sa kaniya.
"Kapag nabasag ang isang black orb ay mas kakalat ang malakas na Dark Magic sa paligid." Paliwanag nito.
"Kung gano'n, saan nanggaling 'yon?" Tanong ni Ashveil at walang nakasagot mula sa kanilang lahat.
"Nasaan si Rose ngayon?" Tanong naman ni Hudson.
"Sabi ng familiar niya ay may pupuntahan lang daw muna siya at base kay Blood ay masyado siyang mahina sa Dark Magic kaya lalayo na muna si Rose mgayon." Sagot ni Hashton.
"Nag-aalala ako kay Rose. Sana ay ayos lang siya." Saad ni Henry at naglakad na sila papasok ng dorm para mas makasiguro sila na ligtas silang lahat.
ROSELINDA
Pagkarating ko sa isang bukal ay agad kong nilabas sa tubig nito ang mga nakuha kong enerhiya ng dark magic.
May isang katawan doon na natutulog sa ilalim ng tubig at kahit sino ay walang makakaalam ng tungkol sa kaniya.
Napa-upo ako sa damuhan nang nailabas ko na ang lahat ng enerhiya sa bukal at tinitigan ang katawang nandoon.
"Sa tamang oras at tamang panahon, alam kong magigising ka rin." Bulong ko at humiga sa damuhan at natulog.
~ HEAD WIZARD'S OFFICE ~
SOMEONE
Nakita kong bumukas ang pintuan ng opisina at nagulat ang taong pumasok sa loob nang nakita niya ako.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...