Chapter 8.

34 1 0
                                    

Date Published: May 19, 2021

ROSELINDA

Naglalakad kami sa ikalaliman ng gubat at wala nang pumapasok na ilaw mula sa buwan sa pwesto namin ngayon.

"Hindi ba't parang delikado na po dito sa parte ng gubat na 'to?" Rinig kong tanong ni Sarah.

"Saan mo ba kami dadalhin, Rose?" Tanong ni Hashton. Ang ilaw lang na mayro'n kami ay ang hawak kong flashlight at wala nang iba pa.

"Basta. Sumunod na lang kayo." Sagot ko.

"Wala akong makita." Reklamo ni Hashton.

"Ingat kayo ah. Baka bigla kayong maligaw dahil sa dark smoke na nakapalibot dito." Rinig kong saad naman ni Mr. Hudson.

"Sarah, ingat. Baka matisod ka ng kung ano diyan." Rinig kong saad ni Ashveil. Nakita kong malapit na kami sa pupuntahan namin.

"Mr. Hudson, naalala mo ba 'yung binigay sa 'yong life leaf ni Dana noon?" Tanong ko sa kaniya.

"'Yung dahon na kulay puti? Kapag ginamit mo ay mabubuhay ulit ang tao o hayop na pinanggamitan n'on?" - Mr. Hudson.

"Oo. 'Yun nga."

"Anong mayro'n doon? Anong kinalaman n'on dito?" Biglang lumiwanag ang paligid at tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng Magical Forest.

"Wow. Ang ganda dito." Komento ni Sarah.

"Henry, 'wag mong hawakan at baka may mangyaring hindi dapat." Nakita kong pinalo ni Ashveil ang kamay ni Henry.

"Ito ang Magical Forest. Sa ordinaryong sitwasyon ay maliligaw na muna kayo hanggang sa mamatay kayo at hindi kayo makakrating dito sa lugar na 'to." Paliwanag ko.

"Paano tayo nakapunta dito ngayon nang walang kahirap-hirap?" Tanong ni Hashton.

"Nandito na tayo sa kanlurang bahagi ng gubat. Kung napapansin niyong may apat na daanan papasok sa academy ay dahil nasa gitna ng gubat mismo ang academy."

"Ibig sabihin lang n'on ay..."

"Nasa kanlurang bahagi na tayo ng academy." Tumango ako kay Henry.

"Makakapunta kayo dito kung may permiso kayo mula sa 'kin o sa iba pang nagbabantay dito sa gubat." Sagot ko sa tanong ni Hashton kanina.

"Ang pamilya namin ang nagba-bantay sa buong gubat na 'to kaya kung kailangan niyo 'ko ay nandito lang ako kung wala ako sa loob ng academy o sa dorm." Sabi ko pa.

"Kung mga knight mage ang mga kalaban natin ngayon, hindi na ko magtataka kung ito ang kailangan nila ngayon sa academy." Paninimula ko.

"Anong kailangan nila para kunin 'to?" - Ashveil.

"Nararamdaman kong ginamitan ka ng Magical Leaf, Ashveil." Halatang nagulat siya dahil sa sinabi ko.

"Hindi naman ata binigay ni Karen 'yan para ma-control ang kapangyarihan mo tuwing sumasapit ang bilog na buwan, 'di ba?" Tanong ko.

"Partner ko si Karen at girlfriend. Paano mo siya nakilala?" Lumuhod ako sa harap ng isang maliit na puno at hinawakan ang mga dahon nito.

"May isang babae na taga academy ang lumapit sa 'kin at nagtanong kung may paraan pa bang ma-control ang isang malakas na kapangyarihan nang walang kabayaran.

Kaya binigyan ko siya ng Magical Leaf. Hindi ko alam ikaw pala ang may pangangailangan n'on."

"Nandoon ang mga Magical Leaf kung interesado kayong makita." Tinuro ko sa kanila ang mga nagkukumpulang asul na dahon.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon