Date Published: February 23, 2022
ROSELINDA
"Dahil sa nangyari ngayon ay magsibalik na muna kayong lahat sa dorm para makapagpahinga." Saad ni Head-wizard kaya naman nagsibalikan na ang mga estudyante.
"Head-wizard, may pupuntahan lang po sana ako sa gubat at titignan para lang po makasiguro na walang masamang nangyari doon." Tumango siya.
"Let me come with you." Tumango ako kay Hashton at naglakad na kami papunta sa gubat para may tignan doon.
•*•*•*•*•*
Nandito na kami sa Lake of Seal at wala pa namang nangyayaring hindi dapat doon dahil sa Dark Magic na kumakalat.
"Hindi p'wedeng mapuntahan ng Dark Magic ang lawang 'to kundi, baka mapahamak ang mga katawang naka-selyo dito," saad ko.
"Now I know why we're here right now to check it," komento niya at agad kong tinapat ang wand ko sa gilid nang may naramdaman akong prisensya doon.
"Ynna, ako lang 'to. Kalma lang." Nakita ko si Mister Josh at kasama niya si Master Stelle kaya naman binaba ko na 'yong wand ko.
"Ano'ng ginagawa niyong dalawa dito? Mapanganib dito ngayon," komento ko.
"Ikaw nga dapat ang tinatanong namin niyan, Ynna. Ang kapangyarihan mo..." Napayuko ako sa sinabi ni Mister Josh.
"Hindi niyo na kailangang mag-alala pa. Ayos lang naman at alam kong magiging okay lang ang lahat," bulong ko at napatingin sa lawa.
"Gawan ko lang ng barrier 'to para makasiguro akong ligtas ang lugar na 'to, Hash." Tumango siya at gumawa na ako ng barrier sa buong paligid.
"Mister Josh, una na kami," saad ko at hinawakan na ni Hash sa kamay niya at naglakad na kami paalis mula sa lugar na 'yon.
•*•*•*•*•*
"Who are they?" tanong ni Hash sa 'kin habang naglalakad kami pabalik ng academy.
"Sila Mister Josh at Master Stelle – miyembro silang dalawa ng Dragon Tale Tribe. Isa 'yon sa pinakamalakas na tribe mula sa buong mundo," sagot ko.
"I have no idea that you're friends with them too." Ngumiti ako.
"Sa totoo lang ay ako ang nagturo sa First Commander nila kung paano gumamit ng mahika," sagot ko at nakita kong nagulat siya.
"Ako, sina Dana, Leirey, Danera, Daniella, Alestreom, at Sonia – nagtulong-tulong kami para magawa ang tribe na 'yon noon."
"Tinuruan namin si Sonia na matutong gumamit ng mahika kaya ayan na ang nangyari," pagkwento ko.
"I see... So, you're one of the founding members, huh?" Tumango ako at natawa na lang ng mahins.
"Sa susunod ko sa 'yo iku-kuwento ang iba pang detalye. Sa ngayon, balik na tayo sa academy bago pa tayo mapagalitan," pag-aya ko at pinagpatuloy na ang paglalakad namin.
~ 8:45 PM ~
Nang nahuli na ng mga guardian mage ang mga witch hunters na gumagamit ng Dark Magic sa paligid ay pinabalik agad kami nila Head-wizard sa dorm.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...