Chapter 7.

32 1 0
                                    

Date Published: May 12, 2021

ROSELINDA

"Sigurado ka bang tama 'yang mga pinaggagagawa mo?" Tanong ko kay Blood. Mas lalo naman siyang napakamot sa buhok niya sa sobrang inis.

"Paano ba?" Padabog niyang binaba 'yung halaman at napabuntong hininga ako. Kinuha ko na 'yung halaman at dinikdinik iyon.

Hinalo ko na rin 'yon at nang pwede na siyang inumin ay ininom ko na ito. Kahit na medyo mapait ay hindi ko binuga 'yung gamot.

"I'm going to take new lessons from you, Ynna." Pinigilan kong matawa dahil kay Blood. Muntikan ko pang maibuga 'yung iniinom kong gamot dahil doon.

"Sige lang. Subukan mong tumawa. Mabubuga mo 'yung gamot." Sabi naman ni Ashveil sa 'kin.

Binaba ko na 'yung hawak ko nang tapos ko nang inumin 'yung gamot. Niligpit naman agad 'yun ni Blood at napatingin ako kay Acane.

"Acane, nararamdaman ko sila Drago sa loob ng academy. Puntahan mo sila bago pa sila maligaw." Agad namang sinunod ni Acane ang sinabi ko.

"P'wede bang sabihin mo sa 'min kung ano ang nangyayari ngayon?" Tanong ni Mr. Hudson sa 'kin.

"Ang mga nangyayari ngayon ay dahil sa epekto ng black magic na kumakalat sa gubat. May gumagawa ng ritwal doon at 'yon ang nagiging dahilan kung bakit umaatake ang mga taong lobo dito." Paninimula ko.

"Kung sino ang gumagamit? Hindi ko rin alam. Nang sinabi sa 'kin ni Drago na may nakita siyang dalawang knight mage sa gubat agad akong nakaramdam na baka may kinalaman sila dito." Dugtong ko.

"Ano pong mangyayari 'pag nalaman ng Ministry of Magic ang tungkol dito, Head-wizard?" Tanong naman ni Mr. Hudson.

"Magpapadala sila ng mga guardian mage dito para mag-imbestiga. P'wede din nilang pag-suspetyahan si Miss Crossevell dahil sa isa siyang witch." Napakagat ako ng labi ko.

Napatingin ako sa isang alitaptap at lumapag ito sa kamay ko. Nang umilaw ng todo ito ay may nakita akong mukha at agad ko siyang nakilala.

"Eula..." Mahinang saad ko sa pangalan niya.

"Mukha kang tanga diyan, Ynna." Nakangising bati niya sa 'kin.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko agad sa kaniya.

"Pinapasabi ni lolo ay wala siyang pinapayagang knight mage na pumunta ngayon diyan." Nakuha niya ang atensyon ng lahat nang nandito ngayon.

"Ibig sabihin lang n'on ay may nagpapanggap na knight mage o may traydor. Ikaw na ang bahala diyan. Tawagan mo ko kung kailangan mo ng tulong."

"Sige. Salamat sa tulong Eula. Pakilala mo ko sa anak mo kung bibisita ka dito." Agad naman siyang sumimangot at nawala na 'yung alitaptap.

Tumayo agad ako at agad na naman nila akong pinigilan.

"Hindi ka pa okay, Rose. Magpahinga ka na muna." Sabi ni Lenrick.

"Ayos lang ako. 'Wag na kayong mag-alala pa." Paniniguro ko at tumakbo na ko palabas ng clinic. Lumabas na ko at tumakbo papunta sa gubat.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon