Date Published: December 8, 2021
~ ONE WEEK AFTER ~
ROSELINDA
Isang linggo na ang nakakalipas at wala namang nangyaring masama pagkatapos n'on. Kaya naman hindi na ulit nawalan ng klase sa academy.
Hindi ko pa rin nakikita si Hashton kaya nami-miss ko na rin siya pero hindi ko lang talaga pinapahalata sa iba para hindi ako asarin.
Pati rin ang mga guardian mage at witch hunter ay nagtuturo sa bawat klase. Naglalakad ako sa garden at may hawak na puting rosas.
May mga witch hunter dito dahil baka kailanganin ang tulong nila para mag-imbestiga. Dahil sa walang ebidensya na may umatakeng witch hunter noon dito ay binale-wala ng ministry ang reklamo ko.
'Kahit na muntikan na akong mamatay noon dahil sa kanila... Minsan, hindi din dapat pagkatiwalaan ang Ministry eh,' komento ko sa isip ko.
Nangako naman sila Head-wizard na babantayan nila si Ricasheign at hindi hahayaan na saktan ako. Kaya karamihan ng mga nasa faculty ay pinapanood si Ricasheign.
Walang klase ngayon dahil ito ang day off namin kaya naman pwedeng mag ikot-ikot sa academy at hindi suotin ang uniform.
Nakasuot ako ngayon ng puting damit at off-shoulders ito. Hanggang sa itaas ng tuhod ang haba nito.
"Napakaganda mo pa rin, Roselinda." Napatingin ako sa direksyon ni Ricasheign at naka-upo siya sa taas ng puno.
"Wala namang klase ngayon kaya bakit ka nandito?" Tanong ko. Bumaba siya mula sa puno at tumayo sa harap ko.
"Gusto kong makabawi sa 'yo." Umatras ako mula sa kaniya.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin na wala ka nang magagawa pa para bumawi sa 'kin." Tinalikuran ko na siya.
Naglalakad na ko palayo mula sa kaniya nang hinawakan niya sa braso at pilit na pinaharap sa kaniya.
"Ano ba?"
"Ynna?" Agad kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at pumunta sa pwesto ni Blood.
"Ayos ka lang? Did he do something to you?" Binalik ko ang tingin ko kay Ricasheign at nakita kong masama siyang nakatingin kay Blood.
"Wala. Tara na. Turuan na kita," sabi ko at hinawakan siya sa braso niya. Dinala ko na siya sa isang maliit na bahay na nasa silangang bahagi ng academy.
•*•*•*•*•*
Tinuturuan ko na si Blood at mabilis naman siyang matuto. Kasama din namin ang kaibigan niyang si Thunder na isang diyos sa mundo ng Magique.
"Are you sure that you're okay? Wala ba talaga siyang ginawa sa 'yo?" paniniguro ni Blood.
"Oo. Sigurado akong okay lang ako. 'Wag ka nang mag-alala," sabi ko naman at binigay sa kaniya 'yung White Pollen.
"Bakit ba kasi sila pumayag na magpapasok ng mga witch hunter dito? Alam naman nilang may witch na nag-aaral eh," komento naman ni Thunder.
"Binabantayan naman nila Head-wizard ang witch hunter, so, I think she's safe," sagot naman ni Blood.
"Kumusta pala si Hashton?" - Thunder.
"Base kanila Mr. Hudson ay hindi pa daw siya nagigising," sagot ko at bumalik na sa pagtuturo kay Blood.
"Naalala mo 'yung dilaw ng bulaklak no'ng isang araw, 'di ba?" Tumango siya.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...