Chapter 2.

42 2 0
                                    

Date Published: April 23, 2021

ROSELINDA

Naglalakad kami sa hallway ng academy at walang tao ngayon dito. Nagsisimula na ata ang klase kaya malinis ang hallway nila ngayon.

"Masaya kaming makilala ang pangatlong anak ng mga Crossevell. 'Wag kang mag-alala dahil marami kang matututunan dito sa academy." Sabi ng lalaking nasa gitna.

"Mayro'n din kaming special class para sa white magic. Kung gusto mong mas matutunan pa 'yon ay kausapin mo lang kami." Tumango sa kaniya.

"Masaya din po akong makapasok dito, Sir. Maraming salamat po sa pagtanggap sa 'kin." Nakangiting saad ko naman.

"Ang academy na 'to ay para sa lahat ng tao – mapa-wizard man o witch, mapa-white wizard o black wizard basta walang masamang intensyon." Sabi naman ng nakakatakot na lalaki.

"Naiintindihan ko po 'yon. Lagi pong sinasabi sa 'kin ni Dana ang tungkol dito sa academy." Sagot ko naman. Napatingin sa 'kin 'yung pamilyar na lalaki.

"Nakabalik na ba siya mundo niya? Ligtas ba siyang nakapunta doon?" Seryosong tanong niya.

"Opo. Ligtas siyang nakapunta doon." Nakangiting sagot ko naman. Nasa harap na kami ng isang pintuan at binuksan na nila ito at pumasok. Sumunod ako sa kanila.

Pagkapasok namin sa loob ay napanganga ako dahil sa sobrang dami ng kagamitan dito. Ang daming magical equipment dito at may mga rare pa.

Lumapit ako sa isang salamin at tama nga ang hinala ko dahil ito ang tinatawag nilang Mirror of the Past – kung saan ay makikita mo ang mga alalang nakalimutan mo o gusto mong balikan 'pag tumingin ka sa salamin.

Iniwasan ko 'yong salamin bago pa 'ko o sila may makitang hindi dapat. Kahit na isa akong witch, may mga ala-ala din naman akong ayaw ko nang balikan pa.

"Alam mo ba kung ano 'yan, Ms. Crossevell?" Tanong ng mabait na lalaki sa 'kin.

"Mirror of the Past. Para sa mga alaalang nakalimutan o gustong balikan." Sagot ko.

"Tumingin lang sa salamin at makikita na doon ang alaalang gustong maalala o balikan." Dugtong ko pa.

"Magaling. Magaling. Talagang pinag-aaralan mo ang lahat." Bati niya sa 'kin at napangiti ako ng todo.

"Ako nga pala si Wirian Grossier. Ako ang Head-wizard dito sa eskwelahan na ito." Siya ang pang anim na wizard sa pinakamalakas na wizard sa buong kontinente ng Vitadinem.

"Ikaw po 'yung top 6 sa pinakamalakas na wizard sa buong kontinente ng Vitadinem." Sabi ko sa kaniya.

"Alam mo rin pala ang tungkol doon. Nakakatuwa naman." Nakangiting saad ni Head-wizard sa 'kin.

"Ako si Collin Mychuka. Isa akong professor at ako din ang tumatayong Assistant Head-wizard dito sa academy." Kaya pala siya nakakatakot kasi professor siya.

"Ikaw po 'yong top 7 sa pinakamalakas na wizard, 'di ba po?" Tumango siya sa 'kin.

"Ang galing talaga ng batang 'to." Natutuwang saad ni Head-wizard.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon