Date Published: June 16, 2021
ROSELINDA
Tapos na akong mag-ayos at lumabas na ako mula sa kwarto. Naglakad na ako pababa ng hagdan nang nakasalubong ko ang landlady.
"Miss Crossevell, ayos ka na ba? Hindi ka na nakapasok ngayon araw." Nag-aalalang saad niya.
"Ayos lang ako po, ma'am. Nakapagpahinga naman po ako ng husto." Sagot ko naman.
"Mabuti naman kung gano'n. Nag-alala ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa 'yo. Hindi naman kita p'wedeng pasukin sa loob ng kwarto mo at baka lapain ako ng familiar mo."
"Pasensya na po kung pinag-alala ko po kayo. Ayos na naman po ako kaya 'wag na po kayong mag-alala pa." Paniniguro ko at napayuko ng onti.
"Sige pero, saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko lang po sana si Hashton para manghingi ng notes para mapag-aralan ko po." Sagot ko naman.
"Sige, mag-ingat ka." Tumango ako at naglakad na ako palabas ng dorm para pumunta na sa boys' dorm.
•*•*•*•*•*
Naglalakad ako papuntang academy para hanapin si Hashton dahil sabi sa 'kin ng land lord sa boys' dorm ay hindi pa siya nabalik doon.
Sana naman ay walang nangyari habang tulog ako. Habang naglalakad ay pinapakiramdaman ko ang buong lugar dahil baka biglang may umatake na naman.
Pagkagising ko rin kanina ay wala na 'yong winged cat kagabi. Hula ko ay okay na siya at umalis na para bumalik sa dapat niyang balikan.
Napatigil ako nang naramdaman kong may sumusunod sa 'kin at agad akong napalingon at tinapat sa kaniya ang wand ko.
Nakita ko ang winged cat na niligtas ko kagabi. Binaba ko na 'yong wand ko at agad siyang lumapit sa 'kin.
"Salamat. Kagabi." Sabi niya at pinet ko siya sa ulo niya. Buti na lang ay kaya kong makipag-usap sa mga hayop gamit ng mahika ko.
"Walang anuman pero pasensya talaga dahil sa 'kin ay nasaktan ka." Sagot ko.
"Sino ang master mo? Dadalhin na kita sa kaniya."
"Ako wala master."
"Gusto ko ikaw master ko." Napangiti ako dahil sa narinig ko. Ito ang unang beses na magkakaroon ako ng familiar na hindi pang witch.
"Sige. Kung ayan ang gusto mo." Sagot ko at gumawa na ko ng kontrata na nagpapatunay na ako na nga ang master niya.
Pumasok na kami ng tuluyan sa loob ng academy at may nakasalubong akong mga estudyanteng nakatambay sa hagdan.
Napatingin silang lahat sa 'kin nang nakita nila ako. Lumapit sa'kin ang isa mula sa kanila.
"Rose, nag-alala sa 'yo ang lahat nang hindi ka pumasok kanina sa klase mas lalo na sila Hashton." Sabi niya sa 'kin.
"Gano'n ba? Hinahanap ko nga si Hashton dahil wala pa siya sa dorm eh." Sagot ko.
"Pinapunta sila sa opisina ng Head-wizard kanina." Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...