Chapter 44.

19 1 0
                                    

Date Published: January 26, 2022

ROSELINDA

Pagka-alis ko mula sa opisina ay naglakad na ako papunta sa gubat nang napahinto ako dahil sa may nararamdaman ako na para bang nakatingin sa 'kin.

Tumingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang kung sino. Kaya naman nagpatuloy na ako mula sa paglalakad nang alerto pa rin mula sa paligid ko.

~ LAKE OF AWAKENING ~

Nakarating na ako sa Lake of Awakening at agad kong nakita si Leirey na nakikipaglaro sa isang itim na Carbuncle.

Nang nakalapit na ko sa kanila ay agad na humiga sa ulo ko ang Carbuncle at hinimas ko siya sa likod. Kung nandito siya ngayon ay isa lang ang ibig sabihin n'on.

"Nasira na ng tuluyan ang isang selyo ng Demonaire..." komento ko at tumango si Leirey saka napabuntong hininga.

"Narinig ko na nakakuha ka na naman ng sobrang enerhiya dahil sa buwan." Tumango ako sa kaniya. Lumungkot ang ekspresyon mukha niya.

Tumabi ako sa kaniya sa damuhan at kinuha ko 'yong Carbuncle mula sa ulo ko at pinahiga sa hita ko. Hinimas-himas ko ang likod niya.

"Gusto ko lang na tulungan ka. White Magic lang naman ang may kakayahang magpahina sa Demonaire. Pero kung 'yan ang nagiging reaksyon ng katawnan mo mula sa White Magic na nakukuha mo ay..."

"Mas malakas na siya kaysa sa inaasahan," pagpapatuloy ko sa gusto niyang sabihin. Napahawak ako sa bandang dibdib ko at pumikit.

"Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng Roseus mula sa loob ko. Mukhang hindi na rin magtatagal bago mangyari 'yong kinakatakutan ko," sabi ko pa.

"Gagawan pa namin ng paraan 'yan, Ynna. Hindi ka namin susukuan kahit na anong mangyari," determinadong saad ni Leirey.

"Hindi ko hahayan na kuhanin ng lawang 'yon ang isa ko pang kaibigan. Hindi ko hahayan na sumama ka kay Danera na natutulog ngayon doon," determinadong komento niya pa.

"Hindi ko hahayaan na mangyari din sa 'yo ang nangyari kay Danera noon." Nakita kong tumulo ang luha niya at napapikit ng mariin.

"Nandito pa rin naman si Danera, Lei. Naninirahan nga lang siya sa ibang katauhan at walang maalala," pagkuwento ko sa kaniya.

"Nakita ko siya no'ng mga panahong tulog ka din," dugtong ko pa at napabuntong hininga siya.

"Si Dana? Bakit hindi ko na siya nakikita?"

"Bumalik na siya sa Magique. Kailangan niyang bumalik para ayusin ang mundong 'yon." Napakamot naman siya ng buhok.

"Hindi man lang nag-paalam." Napa-iling na lang ako sa sinabi niya. Sabi niya 'wag magpaalam kung aalis eh.

"Pero basta. Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawawala din. Gagawa ako ng paraan para tulungan ang mga kaibigan mo," pagsabi niya n'on ay tumayo na siya.

"Una na ako at baka hinahanap na ako ni Eirey." Tumango ako at naglakad na siya paalis. Ibang klase talaga siya, tao sa umaga at diyosa ng buwan sa gabi at sa Dark World.

"Squee!" Napatingin ako sa itim na Carbuncle at napabuntong hininga. Nilagay ko siya sa bulsa ko at naglakad na pabalik ng academy.

'Wala akong ibang magagawa kundi ang sabihan siya tungkol dito,' komento ko sa isip ko habang naglalakad pabalik ng academy.

•*•*•*•*•*

Nang nakita ko ang entrance ng academy ay agad kong napansin si Hashton at nang nakalapit ako sa kaniya ay agad akong yumakap.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon