Chapter 5.

28 1 0
                                    

Date Published: May 5, 2021

ROSELINDA

Binuksan ko 'yung sulat at nanlaki ang mga mata ko dahil do'n. Anong ibig sabihin nito?

Dear Rosy,

Kanina habang papunta ako diyan sa dorm mo ay may nakita akong itim na kuneho, nang sinundan ko 'yon ay may nakita akong dalawang knight mage at gusto nilang sirain ang barrier ng academy.

Mag-ingat ka diyan at nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong.

Ps. Nasa gubat lang sila at gumagawa ng paraan para sirain ang barrier na prumo-protekta sa buong academy.

- Drago

Binitiwan ko agad 'yung papel at naglakad palabas mula sa dorm. Kailangan kong maka-usap sila Head-wizard tungkol dito.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng dorm ay may nakasalubong akong isang babae. Napatingin siya sa 'kin at lumapit.

"Hello. Ako si Miho Cha. Ikaw si Roselinda Ynna Crossevell, 'di ba?" Tumango ako at ngumiti.

"Ako nga. Nice to meet you." Sabi ko.

"Nice to meet you din. Saan ka papunta? Malapit na mag-curfew." Sabi niya. 

"Magpapahangin lang. Babalik agad ako." Nakangiting sagot ko at nilagpasan ko na siya.

Naglakad ako pabalik ng academy at pumunta sa opisina ni Head-wizard. Kailangan kong gawan ng paraan ang nangyari ngayon bago pa mahuli ang lahat.

Nang nakarating na 'ko sa opisina ay kumatok muna ako sa pintuan ng tatlong beses. "Come in." Pumasok na ako sa loob at naabutan ko sila Professor Mychuka at Head-wizard.

"May hindi ka ba naintindihan tungkol sa lesson kanina o sa partner? Malapit na mag-curfew ah." Paninimula ni Head-wizard.

"Kailangan ko po ng permission niyo para pumunta sa gubat tuwing gabi, Head-wizard. May nakita po ang familiar ko kanina na isang knight mage." Paninimula ko.

"At balak po nilang sirain ang barrier na prumo-protekta sa academy. Kailangan ko pong alamin kung bakit po nila ginagawa 'to." Dugtong ko pa.

"Sa totoo lang, naramdaman rin namin na may sumusubok na sirain ang barrier at hindi namin alam kung bakit o paano." Sabi naman ni Professor Mychuka.

"Kaya sige. Papayagan ka namin at kung may malalaman ka, sabihan mo agad kami." Tumango ako at napangiti.

"Sinabihan din pala kami ni Mr. Goldriel na gusto mong maging medic dito sa academy." Tumango ako ulit sa kaniya.

"Sa bayan po kasi ako ang gumagamot sa mga taong naninirahan doon eh. Saka gumagawa din po ako ng sarili kong gamot." Pagkwento ko.

"Gano'n ba? Sige. Simula bukas ay ikaw na ang Head Medic sa clinic. Ikaw na ang bahala sa mga estudyanteng nangangailangan ng health care." May inabot siyang isang bilog na papel.

Kinuha ko 'yun at binasa ang nakasulat doon. 'Health Care Medic' nakasulat sa papel. "Ilalagay mo 'yan sa taas na parte ng braso mo." Tumango ako.

"Opo. Salamat po, Head-wizard. Professor." Yumuko ako ng konti at lumabas na mula sa opisina at bumalik na sa dorm.

THIRD PERSON

Pagkalabas ni Ynna mula sa opisina ng Head-wizard ay napabuntong hininga silang dalawa ni Professor Mychuka.

"Kinakabahan ako para sa mga susunod na mangyayari. Sunod-sunod ang mga nangyayari dito sa academy." Komento ni Wirian.

"Pagkatapos ng isa ay may isa na naman. Delikado na talaga 'to. Sana matapos na agad bago pa may mapahamak mula sa mga estudyante." Sagot naman ni Professor Mychuka.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon