Date Published: April 13, 2022
ROSELINDA
Tapos ko nang i-kwento sa kanila ang tungkol sa mga nangyari noon. Nakita kong nagulat sila at nagkatinginan sa isa't isa.
"Sa 'yo niya binigay ang Demonaire dahil sa ikaw lang ang nakita niya doon na p'wedeng sapian ng Denonaire, komento ni Henry.
"Kung may kinalaman ang mga witch hunter dito, hindi ba't parang nasa kapahamakan din si Rose?" saad ni Lenrick.
"Kung talagang nagpapanggap lang na knight mage ang mga witch hunter na 'yon, hindi ba dapat hanapin natin kung saan sila nanggaling lahat? O kung sino ang pinuno nila?" saad naman ni Mr. Hudson.
"'Yon ang dapat nating alamin. 'Yon ang dapat nating imbestigahan," sagot naman ni Professor Mychuka.
"Kailangan ko na ring hanapin 'yung iba pang nawawalang carbuncle na nagsisilbing selyo sa Demonaire," sabi ko naman.
"Nasa 'yo pa si Blackie, 'di ba?" Tumango si Hashton at pinakita niya si Blackie sa 'kin na natutulog sa loob ng bulsa niya.
"Kung gusto niyang maging familiar mo, okay lang naman sa 'kin. At least, sigurado akong ligtas siya," komento ko.
"Pero 'yung selyo..." Umiling ako at ngumiti.
"Gawin na lang natin 'yung plano, Hashton," sabi ko sa kaniya.
"Hindi na rin naman maibabalik ang selyo kapag nasira na ito," sabi ko pa.
"I understand," mahinang sagot niya.
"Kagabi pala, may nakalaban akong assassin. Umamin siya na inutusan siya ng mga witch hunters para patayin ako at sirain ang academy," sabi ko.
"'Yung Behemoth na tinutukoy ko, Lenrick?" Tumango siya sa 'kin.
"Sa kaniya ang Behemoth na 'yon bilang summon."
"Natalo ko na kagabi ang assassin at ang Behemoth niya. Saka kinuha ko ang summon niya para maging summon ko din."
"May kakilala ako mula sa Dark World, ang sabi nila ay pinapatay agad nila 'yung mga witch hunters na nakikita nila at ang mga sumusubok na sirain ang barrier."
"Gano'n ba? Buti naman ang may tumutulong sa 'tin mula sa labas," komento ni Professor Mychuka at huminga ng malalim.
"Tuwing dismissal Hudson, sabihan mo si Miho dahil kayo ang mga babantay sa gubat sa silangan ng academy."
"Pakisabahan sila Ashveil at Karen dahil sila ang magbabantay sa kanluran ng academy."
"Lenrick dahil may mind reader ka at locator ikaw na ang bahalang tumingin mula sa distansya na kaya mo."
"Henry at Sarah sa timog na bahagi ng academy kayo nagbabantay. Hashton at Rose doon kayo sa norte ng academy para magbantay."
"Kung may mapagtatanungan kayo ay magtanong para magkaroon ng iba pang idea tungkol sa mga kalaban natin."
"Ako na ang bahala sa Head-wizard sa pagbabantay pati na rin sa mismong loob ng academy." Tumango kami kay professor.
"Sasabihan ko rin 'yung mga guardian mage na magbantay din at kailangan nilang bantayan ang witch hunter," dugtong niya pa.
"Ikulong na lang kaya natin ang witch hunter na 'yon," suhestyon ni Mr. Hudson.
"Wala tayong dahilan para gawin 'yon." - Professor Mychuka.
"Inatake niya po ako kanina kahit na hindi niya sinasadiya. Pwede na pong dahilan 'yon, 'di ba?" tanong ko.
"But then again, whether it's intentional or not, he still attacked you," sagot naman ni Hashton.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...