Chapter 38.

20 1 0
                                    

Date Published: December 15, 2021

ROSELINDA

Dinala ko si Lenrick sa isang lawa na malapit sa maliit kong bahay. Mayro'n itong malinis na tubig at kitang-kita ang mga maliliit na isadang lumalangoy.

"Ano 'yung kailangan kong malaman?" tanong niya. 

"Si Serenity, isa siyang nine-tailed fox," paninimula ko.

"Alam ko. Sinabi niya sa 'kin." Tumango ako. 

"Siya ang diyosa ng mga nine-tailed fox at ng mga ordianryong fox," sabi niya pa. Sinabi na pala ni Serenity sa kaniya, hula ko ay malaki ang tiwala sa kaniya kaya ganiyan.

"Hindi ko lang naman 'yon sinabi kanina ay dahil sa ayokong malaman nila ang totoo dahil gusto ko lang protektahan si Serenity," paliwanag niya.

"Pero kilala mo si Acane, 'di ba?" Tumango siya. 

"Hindi ko talaga familiar si Acane, may kontrata lang kami sa isa't isa kaya lagi ko siyang kasama," dugtong ko.

"Si Acane at Serenity ay iisang lang. Human form at totoong itsura ni Acane si Serenity."

"Ano? 'Yan ang hindi niya sinabi sa 'kin," komento niya at napatango ako.

"Nakita ko nang masaktan si Serenity nang dahil sa isang tao at ayoko nang maulit 'yon. Tanggap mo pa rin ba siya kahit na alam mo na ang totoo?" Tumango siya.

"Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa kaniya. Siya pa rin ang gusto ko at siya pa rin ang gusto kong makasama habang buhay," sagot niya.

"Makakasiguro kang hindi ko siya sasaktan. Makakasiguro kang aalagaan ko siya at magiging masaya siya sa 'kin." Tinapik ko siya sa balikat niya.

"Siguraduhin mo lang. Tatlong sumpa ang makukuha mo 'pag nasaktan si Serenity nang dahil sa 'yo," paalala ko at naglakad na ko paalis.

"Seryoso? Isusumpa niyo ko? Nakakakaba tuloy." Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

~ NEXT DAY ~

Nasa klase kaming lahat ngayon at nagtuturo si Ricasheign sa harap at kasama niya si Sheignierre. Kumokopya ako ng notes na nakasulat sa board.

"Professor, nagkagusto ka na po ba sa isang witch kahit na bawal?" Napatigil ako sa tanong ng isang babae.

"Oo. Kaso iniwan niya ko dahil nagtraydor ako sa kaniya." Naging interesado ang buong klase dahil sa sinagot niya.

Hindi ako tumingin sa direksyon niya at nagpatuloy sa pagkopya ng notes. Nakapatong sa kamao ko ang baba ko habang nagsusulat.

"Ano pong ginawa niyo?" tanong ng isa. 

"Pinagtangkaan ko ang buhay niya kaya umalis siya. Binigay niya sa 'kin si Sheign para maalala ko ang kasalanan ko sa kaniya," pagkuwento niya.

"Ikaw Rose? Nagmahal ka na ba ng isang witch hunter?" Napalingon ako sa tumanong sa 'kin.

"Huh? Ah... Oo. Siya 'yung witch hunter na nasa harap niya ngayon," simpleng sagot ko.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon