Date Published: August 11, 2021
Nandito si Mrs. Crossevell sa isang kuweba at binabantayan ito nang may naramdaman siyang kakaiba.
"Nararamdaman na ng kapatid niyo ang panganib sa buhay niya. Kailan niyo ba siya tutulungan, mga anak?" tanong niya sa sarili niya.
Gusto man niyang umalis at tulungan si Rose pero bigla niyang naisip 'yong isang estudyante na nakita niya no'ng huling bumisita siya sa academy na alam niyang malapit sa anak niya. Alam niyang ililigtas siya nito pero nag-aalala pa rin siya.
'Kailan ka rin ba babalik dito? Kailangan ka na rin ng anak mo.'
ROSELINDA
Hinang-hina akong naglalakad sa kagubatan at napahawak ako sa mga puno para makakuha ng suporta. Napaluhod ako sa sahig nang hindi ko na talaga kayang maglakad.
"Bakit kasi ngayon pa eh? May mangyayari bang masama ngayon sa academy o sa bayan?" tanong ko sa sarili ko.
Kapag ganito ang nangyayari ay ibig sabihin lang no'n ay may panganib na mangyayari at ayokong may mangyaring hindi dapat.
"Ahh!"
THIRD PERSON
Natakbo sa gubat si Hashton habang hinahanap si Rose. Hindi man niya pinapahalata sa iba ay talagang nag-aalala siya dahil sa 'yun ang unang beses na nakita niyang gano'n si Rose.
Hindi man sila masyadong matagal na nag kasama ay alam niyang may kung ano mang spell ang dahilan kung bakit nasasaktan ng gano'n si Rose.
Napatigil siya at napatingin sa paligid. Hingal na hingal na siya dahil sa kakatakbo para lang mahabol si Rose nang bigla itong nawala sa gubat.
"Rose! Nasaan ka na?" sigaw niya habang natingin pa rin sa paligid. Nag-aalala na siya dahil sa malapit nang lumubog ang araw.
Napatingin siya sa ere nang may nakita siyang isang pamilyar na agila at alam niyang kay Ashveil ang agila na 'yun. Alam niyang tinutulungan siya nila Ashveil para lang mahanap si Rose.
Napatingin naman siya sa isang halaman nang may kumaluskos doon at may nakita siyang isang mink. Alam niya na rin na pagmamay-ari 'yun ni Lenrick.
"Nahanap niyo na ba siya?" tanong niya naman at napa-iling siya. Napa-upo na siya sa sahig at nawalan na ng pag-asa.
"Ako ang partner niya pero wala akong magawa para sa kaniya. I'm always failing on protecting or helping her. Kung may kakayahan lang talaga akong makipag-usap sa inyo sana alam ko na kung asan siya dahil baka nakita niyo na siya," mahabang saad niya sa agila at mink.
"I'm always telling her that I'll protect her pero kahit isang beses ay hindi ko nagawa 'yon," reklamo pa niya.
"This is odd. Anong ginagawa ng isang pusong bato na prinsepe dito?" Napatingin si Hashton sa direksyon ng boses at nakita niya si Henry at ang familiar niyang aso.
"Nakita mo ba si Rose? Bigla na lang siyang tumakbo kanina kahit na hinang-hina na siya." Napahawak si Henry sa baba niya at napa-isip.
"Oooh... Hindi ko naman siya nakita dito. Ano kaya nangyari sa kaniya ngayon? Pero bakit mo siya hinahanap? Tinamaan ka sa kaniya, 'no?" Biglang humangin ng malakas kaya naman napatawa na lang ng mahina si Henry.
"'Wag kang gumawa ng delubyo ngayon. Sige ka, ikaw rin. Hindi natin mahahanap si Rose 'pag gumawa ka ng delubyo." Tinigil na ni Hashton 'yung malakas na hangin at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...