Chapter 21.

22 1 0
                                    

Date Published: August 18, 2021

Nandito si Leirey sa isang puno na medyo malayo sa academy at naramdaman niya ang kapangyarihan ni Rose mula sa paligid niya.

"Ano na naman ba ang nangyari sa 'yo, Ynna? Ano ba ang nangyayari ngayon?" Tanong niya at pinatay ang mga nakita niyang kalaban mula sa ibaba.

"Itong mga kalaban na 'to, masyado na silang nagiging sagabal." Komento ni Leirey sa sarili niya at bumaba na mula sa puno para hanapin pa ang ibang kalaban mula sa paligid.

ROSELINDA

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko, parang may nag-uusap at kasabay n'on ay may nag-aaway din. Nakita ko agad 'yung kisame at doon ko lang nahalata na nasa clinic na naman ako.

Nagiging suki na talaga ako ng clinic ngayon. Parang kahapon lang ay nandito ako ah, ngayon nandito na naman ako.

Napahawak ako sa kanang mata ko nang may naramdaman akong kakaiba. Umupo ako sa kama at iniharang 'yung kanang mata ko gamit ang bangs ko.

"Gising na siya." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Lenrick at lumapit sa 'kin. Naglakad silang lahat palapit sa 'kin at hahawakan na sana ni Hashton 'yung bangs ko nang hinawakan ko agad 'yung kamay niya.

"'Wag. Ayokong makita niyo ang mata ko. Matatakot lang kayo," sagot ko at binitawan na 'yung kamay niya at binaba na niya 'yun.

"Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng kapangyarihan. Gano'n pala kalakas 'yung Soul Magic," nakangiting saad ni Henry.

"H-Henry!" tawag naman ni Lenrick at hinila na niya palabas ng clinic si Henry.

"Soul Magic? 'Yun din pala 'yon. Akala ko 'yon lang 'yong mga pangkaraniwan na ginagamit mo." Tumango ako kay Mr. Hudson.

"Gusto ko sanang itago 'to ng mas matagal pero alam niyo na nang dahil kay Henry. Oo, ito ang totoong anyo ng Soul magic," mahabang sagot ko.

"Hindi siya basta-basta mahika lang na p'wede niyong pag-aralan tapos gagamitin na," dugtong ko pa.

"Anong mangyari kapag gagamitin ang Soul magic ng isang tao na hindi na isang witch?" tanong ni Ashveil.

"Mawawala kayo sa katinuan. Gano'n ang nangyayari sa 'kin ngayon dahil sa Demonaire," paliwanag ko.

"Isang dark spirit ang Demonaire, kapag na-expose ng matagal sa Soul o Dark magic, pati ang katawan na pinagtataguan niya ay mako-control niya."

"'Yong nangyari kanina? Anong nangyari sa 'yo?" tanong naman ni Hashton.

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang ay nararamdaman ng katawan ko ang panganib na darating," sagot ko.

"Mukhang alam ko na kung bakit hindi mo magamit ang white magic ng maayos," saad ni Hashton. Pinagdikit ko 'yung dalawang kamay habang nakatingin doon.

Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi ako makagamit ng white magic ng maayos?

"Baka dahil sa Demonaire kaya hindi ka nakakagamit ng maayos ang white magic..." Bumuntong hininga siya.

"Maybe, Demonaire is stopping you from using it para tuluyan ka na niyang ma-control," dugtong niya pa at tumango-tango.

"Kung gano'n... Ngayon alam ko na kung ano ang gagawin natin sa practice bukas. Alam ko na kung anong klaseng practice ang iha-handa ko para sa 'yo bukas." Napatingin ako ng direkta sa mga mata ni Hashton at nakita kong seryoso siya.

Tumayo na ko mula sa kama at muntikan na kong matumba. Nakakuha ako ng suporta sa kama para hindi ako matumba. Napatingin ako sa kanila at ngumiti ng onti.

"Kung gusto niyong sabihan ang Head-wizard, sige lang sabihan niyo lang siya. Babalik na 'ko sa dorm." 'Yun na lang ang sinabi ko at naglakad na ko palabas ng clinic.

Alam kong kapag nalaman ng Head-wizard ang tungkol dito ay mag-aalala na naman siya pati si Kuya Arcy.

Nakita ko pa sila Henry at Lenrick na nag-uusap sa labas ng clinic nang nakalabas na 'ko. Hindi ko na sila pinansin pa at naglakad na palayo.

Nang nasa botanical garden na 'ko ay napatigil ako mula sa pagla-lakad nang may naramdaman akong may nasunod sa 'kin at pag kalingon ko ay...

"Pretty girl!" Napa-upo ako sa sahig nang may kung anong pumunta sa mukha ko at pagkakita ko doon ay nakita ko si...

"Cutie?" Anong ginagawa niya dito? Nagutom ba siya kaya lumabas siya para hanapin ako?

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko agad sa kaniya at dinilaan niya lang ako sa pisnge. Nakiliti ako sa ginawa niya at niyakap ulit siya.

"Gutom ako, master!" Awww... Sabi ko na nga ba eh. Gutom nga siya. Tumayo na ko at niyakap siya.

"Sige. Uwi na tayo para makakain na tayo, Cutie," sabi ko at naglakad na ulit. Paglulutuan ko ng masarap na pagkain si Cutie para makabawi sa kaniya.

Sana naman ay umuwi si Acane mamaya para makakain naman siya ng masarap na karne.

•*•*•*•*•*

Napaupo ako sa kama at napahinga ng malakas. Humiga naman si Cutie sa kama ko at pinet siya sa ulo. Ang cute talaga ng winged cat na 'to.

"Wow! Isang winged cat!" nakangiting saad ni Miho at pinet niya din si Cutie sa ulo. Nanggigigil siya kaya naman natawa ako ng husto sa kaniya.

"Ang cute niya, 'no? Kaya ko siya pinangalan na Cutie eh," sabi ko naman at tumango siya.

"Oo. Tama ka. Ang cute niya nga sobra," sabi naman niya at mas lalo akong napangiti.

Umupo na siya sa kama niya at humiga. Ako naman napa-upo ako sa kama ko at napasandal sa pader. Niyakap ko 'yung mga tuhod ko at napa-isip bigla.

Paano ko kaya haharapin silang lahat bukas? Alam na nila ang totoo kaya natatakot ako sa mga magiging reaksyon nila.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo mula sa kama at pumunta sa veranda. Napatingin ako sa labas at napabuntong hininga ulit.

Buti na lang sila Sarah at Miho ay walang alam tungkol dito kaya hindi sila matatakot sa 'kin.

~ Et in toto corde et in tenebris lumen quod incidit

Mundus plenus lumine impleta est, ut ita dicamus, utopia mundi Et tenebrae eam accipere mundum, sed ut salvetur mundus per lucem novae generation

Et conversus est cor tenebras in lucem Quod salvus erit per aliquid quod habet lucem ac maiores in

Et in toto corde et in tenebris lumen quod incidit

Mundus plenus lumine impleta est, ut ita dicamus, utopia mundi Et tenebrae eam accipere mundum, sed ut salvetur mundus per lucem novae generation

Et conversus est cor tenebras in lucem Quod salvus erit per aliquid quod habet lucem ac maiores in ~

Napakanta na lang ako dahil sa mga iniisip ko ngayon. May kakayahan nga pala akong mag manipula ng mga tao 'pag narinig nila ang boses ko 'pag nakanta.

Pero buti na lang talaga at nako-kontrol ko siya kundi pati si Miho ay naapektuhan na siya dapat no'ng narinig niya kong kumanta ngayon.

Ang kanta 'yon ay ang kanta ng mga mangkukulam. Madalas naming kinakanta ang kantang 'yan sa tuwing nakakaramdam kami ng iba't ibang uri ng emotion.

Kanina lang ako kinausap ni Miho na gusto niyang makitulog sa kwarto ko para mabantayan niya ko at pumayag naman ako.

Napatigin ako sa kalangitan at ang ganda ng buwan ngayon. Napatingin ako sa baba nang may nagbato ng bato sa 'kin at nakita ko si...

"Drago?"

'Anong ginagawa niya dito ngayon?'

•••• END OF CHAPTER 21. ••••

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon