Date Published: March 30, 2022
ROSELINDA
Nandito ako sa Lake of Seal at nakatingin lang sa tubig habang nag-iisip at nagpapahangin na din. Inuwi ko na muna si Houston sa bahay para makatulog na ng mahimbing.
Habang nakatingin sa tubig ay may nakita akong isang babaeng naglalakad sa tubig at palapit na ito sa pwesto ko.
"Nandito ka na naman, Ynna" saad niya at tumango ako. Hindi tulad ng isang pangkaraniwang tao, ang katawan niya ay tagos sa paningin ko.
Nakikita ko pa rin ang mga bagay na nasa likod niya dahil sa isa lang siyang kaluluwa ngayon at ang totoong katawan niya ay nasa lawa at tulog.
"Nag-iisip lang ako dahil hindi ko na maiiwasan pa ang hinaharap na nakita natin noon, Danera," sagot ko naman at napabuntong hininga.
"Galit ka pa rin ba sa kaniya hanggang ngayon?" Hindi niya ko sinagot at tinitigan niya lang ako.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa 'yo o hindi, Ynna," malamig niyang saad at agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Trinaydor niyo ako ni Chinzen. Tinulungan at hinayaan mo siyang ikulong ako dito," galit niyang sambit.
"Sana naman ay maintindihan mo na ginawa lang namin 'yon dahil sa gusto ka naming iligtas," mahinang paliwanag ko.
"Nawala ka na sa control ng mga panahon na 'yon. Gusto mo nang sirain ang buong mundo kaya namin nagawa 'yon," dugtong ko pa.
Hahawakan na sana niya ko sa bandang leeg ko nang tumagos ang kamay niya mula sa 'kin. Kaya naman mas lalo siyang nagalit.
"'Wag kang mag-alala, makakawala ka din diyan kapag napatawad mo na si Chinzen at kapag naintindihan mo na kung bakit namin nagawa 'yon." Naglakad na ko paalis.
Pero napatigil din agad ako at limingon sa direksyon ni Danera na nakatayo pa rin sa pwesto niya hanggang ngayon.
"Iniligtas ka lang niya mula sa kamatayan kaya niya nagawa 'yon. Sana maintindihan mo, Danera," sabi ko at tuluyan na kong umalis.
Habang naglalakad paalis mula sa harap niya ay binuksan ko na ang flashlight dahil madilim sa parte ng gubat na 'to.
Habang naglalakad ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Ang pakiramdam na 'to, isa 'tong Behemoth.
Agad akong umilag nang may nanghampas ng buntot sa 'kin mula sa harap at nakita ko na 'yong inaasahan ko.
Nakita ko na 'yong Behemoth at ang master niyang isang assassin. Hindi ko inaasahan na may assassin dito ngayon.
"Hula ko, inutusan ka ng mga witch hunters." Ngumisi siya at tumango. Tumawa siya ng malakas at hinimas ang balat ng Behemoth.
"Nandito ako para patayin ka at pagkatapos ay sisirain na ang buong academy," sabi ng assassin.
"Hindi niyo magagawa 'yon. Mamamatay na muna kayo bago niyo magawa 'yan," sabi ko at ginamit na ang Roseus.
Kahit na alam kong delikadong gamitin 'to pero kailangan kong gawin para matalo ang Behemoth at ang Master niya.
Lumabas na ang Roseus at nagtaka ako dahil sa parang nako-control ko na ito ng maayos. Tinapat ko na sa kanila ang kamay ko at gumamit na ng mahika laban sa kanila.
"Paalam na, assassin," sabi ko. Nakita kong gulat pa din na nakatingin sa 'kin ang assassin at hindi siya nakakilos agad.
"Principatum orbis extulerunt." Pag-cast ko ng spell at may lumabas nang malakas na atake mula sa palad ko.
Bumalik na sa dati ang anyo ko nang natalo ko na ang mga kalaban. Napatingin ako sa mga kamay ko dahil sa sobrang pagtataka.
"Bakit gano'n? Nakuha na ba talaga ng Demonaire ang lakas ng Roseus?" takang tanong ko sa sarili ko.
"Ynna?" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at nakita ko si Leirey at kasama niya si Eirey ngayon. Dahil gabi ngayon ay nakalabas ang simbolo ng buwan sa likod ni Leirey.
At dahil sa gabi din ngayon ay nakalabas din ang simbolo ng bitwin sa likod ni Eirey dahil siya ang diyosa ng mga bitwin.
"Anong nangyari? Naramdaman namin 'yong Roseus pero mas mahina ito ngayon kaysa noon," komento ni Leirey at lumapit sila sa 'king dalawa.
"Ginamit ko ang Roseus at nagtaka lang din ako dahil na-control ko siya ngayon hindi tulad noon," paliwanag ko naman.
"Tita, ibig sabihin po ba n'on ay nakuha na ng Demonaire ang kapangyarihan nito?" Tumango ako. Napabuntong hininga sila.
"Ano pala ginagawa mo dito? Binisita si Danera?" Tumango ako.
"Galit pa rin siya," sabi ko at lumungkot si Leirey.
"Bakit ba hindi niya maintindihan na ginawa lang natin 'yon dahil gusto natin siyang iligtas?" tanong ni Leirey.
"Gusto niyang patayin natin siya at hindi i-seal doon sa lawa," sagot ko at naglakad na ulit paalis mula sa gubat.
Sumunod silang dalawa sa 'kin at napatigil ako nang may naapakan ako. Kinuha ko 'yong naapakan ko at isa 'yong summon.
"Summon ng Behemoth na ginamit ng assassin kaninang nakalaban ko," sabi ko at nagulat si Leirey.
"Para saan ang Behemoth? Saka assassin? Paano nakapunta dito 'yon?" tanong niya at tumingin ako sa kaniya.
"Lagi kang nandito Leirey, tell me, may napapansin ka bang kakaiba dito?" tanong ko.
"Mag-usap tayo sa ibang lugar, Ynna. Para mas ligtas." Tumango ako at sumunod na ko sa kanilang mag-ina sa lugar kung saan sila komportable.
~ DARK LAKE ~
Nandito kami sa isang lawa na malapit na sa Dark World. Naka-upo kaming tatlo sa isang malaking bato habang nakalublob sa tubig ang mga paa namin.
"May mga nakikita akong mga witch hunters at agad ko naman silang pinapatay," paninimula ni Leirey sa 'kin.
"Wala pa naman akong nakikitang mga assassin kaya nagulat ako nang sinabi mo 'yon kanina."
"Ayokong mawalan na naman ng kaibigan. Ayokong mapahamak ang mga kaibigan ko kaya ko ginawa 'yon," dugtong niya pa.
"No'ng isang gabi ay may nakalaban po akong isang lalaki at sinusubukan niyang sirain ang barrier," sabi naman ni Eirey.
"Pinatay ko po agad siya at nilagay sa bukal kung nasaan lagay ang katawan niyo po lahat ng mga nakokolekta ko po ay agad nilalagay doon."
"Bakit ba kasi ayaw mo pang hingiin sa 'kin ang bulaklak, Ynna? Ibibigay ko naman sa 'yo 'yon nang walang kapalit," sabi naman ni Leirey.
"Ayoko, Lei. Alam kong may dapat kang gawin para sa bulaklak na 'yon at ayokong sirain ang batas mo kahit na kaibigan kita," sagot ko naman.
"Gagawan ko na muna ng ibang paraan ang bulaklak na 'yon para makakuha ako ng isa."
"Ang katawan mo ang gusto nila, Ynna. Dahil mas malakas ang Demonaire kapag nasa tunay mong katawan 'yon." Tumango ako.
"Alam ko, Lei. Kaya nga mas matagal mas maganda bago ako bumalik sa katawan ko para hindi mapabilis ang lahat."
"Kung ayan ang gusto mo, sige." Napabuntong hininga si Eirey at napasapo sa noo.
"Anong gagawin mo sa napulot mong summon?"
"Sasabihan ko sila Head-wizard bukas tungkol doon at gagawin kong summon ang Behemoth," paliwanag ko.
"Una na ko. May pasok pa ko bukas," paalam ko at tumayo na ko. Naglakad na ako pabalik ng bahay bago pa mag-alala sila mama at Sheign.
•••• END OF CHAPTER 52. ••••
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...