Date Published: October 20, 2021
SARAH
Nagulat ako nang napansin kong nandito ako sa loob ng Head-wizard's office. Nakita kong nakatingin silang lahat sa direksyon ko at agad akong napahawak sa ulo ko.
"Tineleport ako ni ate Roselinda dito?" takang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanilang lahat. Nilapitan ako ni kuya Lenrick at nilagay niya sa ulo ko 'yung kamay niya.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na may pinag-uusapan kami dito? Bakit basta-basta ka na lang napasok dito nang walang pasabi?" Napalunok ako bigla.
"Nag-failed na naman ba ang spell mo?" Umiling ako. Ito 'yung unang beses na nakita kong seryoso si kuya Lenrick. Nakakatakot talaga siya. Mas nakakatakot pa siya kesa kay kuya Hudson 'pag seryoso.
"P-Pinapunta ako dito ni Ate Roselinda. S-Sabi niya pumunta ako dito kasi m-may kalaban ata doon sa entrance ng gubat. M-may kinakalaban ata siya doon at nagpa-panggap 'yung kalaban bilang si kuya Hashton," kabadong saad ko sa kaniya.
"Kalaban? Head-wizard?" Napatingin kaming lahat sa direksyon ng Head-wizard at nakita kong tumango siya. Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti.
"Partner ka ni Henry at kapatid mo si Ashveil, 'di ba? Dito ka na lang at bantayan silang dalawa." Tumango ako at lumapit sa direksyon nila kuya Ashveil at umupo sa harap nila.
"Tara na," rinig kong saad ni Professor Mychuka at nakita kong umalis na silang lahat dito. Napatingin ako sa direksyon nila kuya Ashveil at alam kong nasasaktan pa rin sila kahit na wala silang malay.
"Ano bang nangyayari ngayon?" tanong ko sa sarili ko at kinuha ko na 'yung wand ko at tinapat ito kanila kuya Ashveil. Sana naman hindi ako pumalpak dito ngayon.
"I'm calling the calm wind, heal their wounds, Viento Curativo!" pag-cast ko sa spell at pinaligiran na sila ng kalmadong hangin.
Nakita kong unti-unti nang nawawala 'yung mga sugat nila sa katawan at nang tuluyan na silang gumaling ay nawala na 'yung hangin na pumaligid sa kanilang dalawa.
"Anong ginagawa mo dito, Sarah?" Napatingin ako kay Kuya Henry nang nagsalita siya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Kuya, nag-alala ako sa 'yo," bulong ko at niyakap niya ko ng mahigpit at binatukan niya pa ako ng mahina.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na 'wag mong tawaging kuya ang boyfriend mo? Mukha akong child abuse eh." Hindi ko na siya pinansin pa at tumahimik na lang ako habang yakap-yakap siya.
LENRICK
Pagkadating namin dito sa entrance ng gubat ay may nakita kaming isang malakas na barrier na gawa sa puting rosas. May malakas ding prisensya dito sa paligid.
"Anong klaseng lakas 'to? Anong klaseng prisensya 'to? Nakakatakot," sabi ni Dilan at napa-atras siya. Tama siya. Nakakatakot nga tong nararamdaman namin ngayon.
"Ang kapangyarihan at lakas na 'to. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko siya pinapunta sa Elite Class." Hindi pinapunta sa Elite Class? Kay Rose 'tong nararamdaman namin?
"Ynna, 'wag mong sabihin na nawala ka na sa control?" rinig kong tanong ni Arcy at nag-aalala na talaga siya ngayon.
"Ynna, paki-usap. 'Wag mong kalimutan ang sarili mo. Hanapin mo ang daan pabalik dito sa mundo," dugtong niya pa.
"Ito pala ang totoo niyang kapangyarihan at prisensya. Pero bakit ginagamit niya 'to ngayon?" 'Yun din ang gusto kong itanong pero naunahan na ko ni Huds.
"Siya lang din ang makakasagot sa tanong niyong 'yan," sagot ng head-wizard at napatingin ulit ako sa barrier na gawa sa puting rosas.
ROSELINDA
"Master, po-protektahan namin kayo kahit na buhay pa namin ang kabayaran." Hindi ko alam kung nasaan na ko ngayon pero base sa nakikita ko ay parang nagkaroon ng gulo dito sa lugar na 'to.
Sira-sira ang mga bahay at pinaliligiran ng mga malalaking apoy. Marami ding bangkay dito sa paligid. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at may nakita akong anim na lalaki.
Nakaluhod 'yung limang lalaki at 'yung nakatayo naman ay si... Papa? Ano 'to? Ala-ala? Ala-ala ba 'to ng lalaking kalaban ko kanina?
'Wag niyong sabihin na sila ang knight mage ni papa? Pero bakit nila ginagawa 'to ngayon? Bakit silang nanggulo ngayon sa academy?
Sa lahat ng mga knight mage ni papa ay konti lang ang kilala ko at ang mga kasama niya ngayon ay hindi ko kilala.
"Gusto kong protektahan niyo rin ang mag-ina ko 'pag nawala na 'ko. Protektahan niyo din kasama nila ang Sacred Stone of Life para sa 'kin," rinig kong saad ni papa sa kanila.
Naglakad pa ako palapit sa pwesto nila para marinig ko pa ng maayos 'yung pinag-uusapan nila. Hindi naman nila ako makikita o mararamdaman dahil ala-ala lang 'to.
"Master, gagawin po namin lahat ng utos niyo at pagli-lingkuran ka namin hanggang kamatayan," sabi naman ng isa pang knight mage at naging madilim na ulit 'yung paligid.
Kung ito nga ang ala-ala niya, ibig sabihin ba n'on ay nagagamit ko na 'yung Rose of Memories ko? Ibig sabihin ba n'on ay natanggal na 'yung seal?
Napatakip ako ng mga mata ko nang biglang lumiwanag at nang nawala na 'yung liwanag ay ibinaba ko na 'yung mga kamay ko at nakita kong nasa isang mansyon ako ngayon.
May katabi akong pintuan at nagulat ako nang biglang may narinig kong ingay sa loob. Nakita ko 'yung knight mage na nakalaban ko kanina na tumakbo at pumasok sa loob kaya naman sumilip ako at nanlaki ang mga maya ko sa nakita ko.
P-Papa...? H-Hindi maaari... Sino 'yung sumaksak sa kaniya? Sino 'yung pumatay sa kaniya? Naglakad ako papasok sa loob ng kwarto at nakita kong nakahiga sa sahig at walang malay 'yung dalawa pang knight mage.
"M-Master? Sino 'yung gumawa nito sa'yo? Sabihin niyo sa 'kin!" sigaw no'ng isang knight mage pero wala siyang natanggap na sagot mula kay papa.
'Hindi... Sinong pumatay kay papa? Sinong walang hiyang pumatay sa kaniya? Sino?'
•*•*•*•*•*
Minulat ko na 'yung mga mata ko at nawala na rin 'yung epekto ng Rose of Memories ko. Napalayo ako ng unti mula sa knight mage na nasa harap ko ngayon.
"Nagamit mo sa kaniya 'yung Rose of Possession kaya 'mo siyang kontrolin nang walang kahirap-hirap, master." Hindi ko alam na nandito na rin pala si Acane.
"Saan ka nanggaling, Acane?" Tanong ko naman sa kaniya at napa-upo sa sahig dahil sa mga nakita ko kanina. Kailan ko rin nagamit ang Rose of Possession?
"Natulog ako sa kama mo master. Nagpahinga lang ako pero no'ng naramdaman ko 'yung totoo mong kapangyarihan ay agad akong pamunta dito para makita ang mga nangyayari." Tinanggal ko na 'yung epekto ng Rose of Possession at agad siyang tumingin sa direksyon ko.
"Bakit mo 'ko pinakawalan? Hindi mo ba alam na p'wede kitang kunin ngayon para dalhin sa lugar namin?" Pinanood ko lang siyang tumayo.
"Isa ka sa mga knight mage ni papa. Pero bakit? 'Di ba dapat pinoprotektahan niyo ang Sacred Stone of Life kasama namin ni mama pero bakit nanggugulo kayo ngayon dito?" sigaw ko at napansin kong nagulat siya.
"Rose!" Napatingin ako sa direksyon ng boses at nakita ko sila Lenrick at agad namang tumakbo palayo 'yung knight mage ni papa mula sa lugar na 'to.
'May mga tanong na naman akong gusto kong malaman ang sagot.'
••••• END OF CHAPTER 30. •••••
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...