Chapter 45.

21 1 0
                                    

Date Published: February 2, 2022

ROSELINDA

Nakatingin kaming dalawa sa Lake of Seal ng tahimik habang nakasandal ako sa kaniya at naka-akbay naman siya sa 'kin.

"Hashton, dito mo ko dapat i-seal. Kapag may nangyaring hindi dapat.," sabi ko at naramdaman kong tumango siya.

"I understand. Pero gagawan natin ng paraan para hindi mangyari 'yan." Tumango ako sa kaniya at napalingon nang may naramdaman akong prisensya.

"Something wrong?" takang tanong ni Hashton at tinitignan din ang tinitignan ko. Ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Bakit ba pakiramdam ko ay may nakatingin sa 'kin?

"May naramdaman akong prinsesya mula sa paligid. Naramdaman ko rin na parang may nakatingin sa 'kin lagi," sagot ko.

''Wag mong sabihin na pinapanood mo ko, Ricasheign?' tanong ko sa isip ko.

"Hash, tara na. Bago pa tayo mapahamak dito." Tumango siya at tumayo na kaming dalawa. Naglakad na kami at pabalik ng academy na magkahawak ang kamay.

•*•*•*•*•*

Nakabalik na kami sa academy at nakasalubong namin sila Head-wizard at nandoon din si Sheign. Sinamaan niya ng tingin si Hashton at lumapit sa kaniya.

"Bitiw." Pinaghiwalay niya ang kamay namin ni Hashton at sinuntok ni Sheign si Hashton sa hita ng paulit-ulit.

"So, he's Sheignniere, huh?" bulong ni Hashton at pumantay siya kay Sheign. Nginitian niya ito.

"Hi, I'm Hashton Mikluveign. I'm your mother's lover and classmate," pagpapakilala ni Hash kay Sheign at mukhang hindi nagustuhan ni Sheign 'yon.

"Don't worry, hindi ko sasaktan si Rose. Gagawa kami ng paraan para hindi siya mawala," mahinahong saad ni Hash at hinawakan niya si Sheign sa ulo nito.

"Hindi po tayo close kaya 'wag niyo po akong hawakan." Inalis niya 'yong kamay ni Hashton at yumakap sa 'kin. Hinalikan ko siya sa noo.

"Sheign, tara? Turuan pa kita kung paano manggamot," pag-aya ko at tumango siya. Hinawakan niya ko sa kamay.

"Hash, tara. Turuan na din kita. Marami ka nang nami-miss eh." Tumango siya at tumingin sa Head-wizard.

"Doon lang po kami sa clinic." Tumango at ngumiti siya sa 'kin. Naglakad na kaming tatlo papuntang clinic.

~ IN THE CLINIC ~

Tinuturuan ko na silang dalawa ngayon kaso nga lang ay laging inaaway ni Sheign si Hashton kaya hindi nila natatapos ang mga pinapagawa ko sa kanila.

"Sheign, kalma lang. 'Wag mo naman siyang awayin oh," pagsita ko sa kaniya pero masama pa rin itong nakatingin kay Hash.

"Rose, it's okay. Don't worry. Naiintindihan ko kung bakit siya ganiyan," nakangiting saad naman niya at tinuloy na ang ginagawa niya.

"Mama, tinitignan ko lang po kung anong klaseng tao siya. Kasi po baka na sa loob ang kulo niya eh," sabi naman ni Sheign at gumawa na ng gamot.

'Bakit ba kung sumagot si Sheign ay parang magkasing-edad lang kami?' tanong ko sa isip ko.

Masyado siyang maalam sa ganiyang edad niya pero, hindi naman ako nagre-reklamo dahil okay lang naman sa 'kin na alerto siya sa mga bagay-bagay.

Hindi na ako sumagot pa at tinignan na lang ang ginawa nilang dalawa pero sa kalagitnaan nito ay patuloy pa rin si Sheign sa pag-away kay Hashton.

•*•*•*•*•*

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon