Date Published: March 16, 2022
~ ONE MONTH AFTER ~
ROSELINDA
Pagkalabas ko mula sa dorm ay agad kong nakita si Hashton na nakatayo sa labas ng gate. Lumapit ako sa kaniya at nginitian niya ako.
"Good morning," bati niya.
"Good morning," malamig kong saad at nilagpasan na siya. Naramdaman kong sumunod siya sa 'kin.
Isang buwan akong nagkulong sa loob ng dorm ko at hindi nagpakita sa lahat dahil sa nangyari.
Nawala na din ang tiwala ko sa lahat dahil sa nangyaring 'yon. Sa tuwing nagtitiwala ako sa iba ay lagi na lang may mangyayaring hindi maganda para mawala ulit ang tiwala na naibigay at nakuha ko sa mga taong nasa paligid ko.
Napagdesisyonan ko na ding lumayo na muna sa ngayon para hindi na mahirapan pa ang mga taong nasa paligid ko.
"Ito pala 'yong notes. I really did that for you, for you not to miss anything." Kinuha ko 'yung inabot niyang notebook.
"Thank you," sabi ko.
"Napagdesisyonan na ng Ministry na ilayo mula sa 'yo 'yung witch hunter." Tumango ako.
"Nilayo din pala ni Mrs. Crossevell si Sheign para hindi siya makuha ng witch hunter." Tumango ulit ako sa kaniya.
"P'wede bang lumayo ka na muna sa 'kin, Hashton? Wala akong tiwala sa inyong lahat eh." Iniwan ko na siya doon at tumakbo na papasok sa room.
•*•*•*•*•*
Gumagawa ako ng notes at wala akong pinapansin na kahit sino. Kahit na may kumakausap sa 'kin ay hindi ko pinapansin kaya pinapalayo na lang sila nila Lenrick.
"Class dismissed." Tumayo agad ako at aalis na sana nang may humawak sa braso ko at nakita ko si Blood.
"What happened to you? Bakit ka ganiyan ngayon?" Tinanggal ko 'yung pagkakahawak niya sa 'kin at umalis na ako mula sa room.
HASHTON
Blood looked at us with a confused look on his face. We shook our heads as an answer to him.
"May idea ba kayo kung bakit siya gano'n ngayon? Parang takot na takot siya eh," he asked.
"The only thing that I know is that hindi siya nagtitiwala sa 'tin dahil sa witch hunter na 'yon," I said.
"Damn." Naglakad na siya paalis. Hinayaan lang namin siya at napatingin sa isa't isa. What can I do for her to trust us again?
THIRD PERSON
Nandito si Blood sa field at tulad ng inaasahan niya ay nandoon ngayon si Ricasheign ngayon at nagbabasa ng libro.
"Hey, can you just stop ruining her trust to others," sabi niya agad. Napatingin si Ricasheign sa kaniya at napangisi.
Tumayo siya at tumingin ng direkta sa mga mata ni Blood.
"Ayoko. Isa akong witch hunter kaya tama lang na patayin ko siya dahil 'yon ang trabaho ko." Agad na kinuwelyuhan ni Blood si Ricasheign.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...