Chapter 19.

20 2 0
                                    

Date Published: August 4, 2021

HASHTON

We are now walking back to the dorms and I can feel that Rose is avoiding me right now and I didn't know why.

Tahimik lang siyang naglalakad sa tabi ko at nakayuko. Gusto ko sana siyang kausapin kaso, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Kaya naman hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang paglalakad kasama niya kahit na medyo nakaka-ilang dahil sa kinikilos niya ngayon.

~ NEXT DAY ~

It's already morning but I didn't get enough sleep. I remembered everything that happened yesterday habang naglalakad pabalik ng dorm.

I have no idea why pero naging iwas siya sa 'kin. Did I do something to her na hindi ko alam? May sinabi ba 'ko habang tulog?

Ang naalala ko lang naman ay natulog ako at nagising nang narinig ko siyang nagsalita. Gusto ko sana siyang pagalitan dahil iniisip na naman niya 'yon kaso I stopped myself.

Hindi ko na tinuloy 'yon dahil sa nakita kong naging iwas agad siya. Dahil ba sa sinabi niya kaya siya naging gano'n?

Sometimes, I really don't understand her but that is what makes me more interested in her. The more I learn more about her, the more I fall for her.

Napa-upo ako sa kama at binato 'yong unan ko sa kabilang kama kaya naman nagising agad si kuya at sinamaan ako ng tingin.

"What the fuck? Ano ba'ng problema mo? Kagabi ka pa ganiyan!" Sigaw ni kuya at tumayo mula sa kama niya.

Binato niya pabalik sa 'kin 'yong unan ko pero hindi na ko umilag at hinayaan ko lang na tumama sa 'kin 'yon.

"If this is about Rose, bakit ba hindi ka mag-ayos at pumunta ka na agad sa girls' dorm?" He said at hinila na niya ako patayo.

"If you're really that worried about her then, go to her now!" Dugtong niya pa sa 'kin.

Agad niya kong tinulak papasok ng banyo kaya naman wala na kong nagawa kundi ang maligo na lang para mapuntahan agad si Rose.

ROSELINDA

Nakahiga pa din ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame. Iniisip ko pa don ang tungkol sa nangyari kahapon at bumuntong hininga.

"Master!" Bumaba sa bandang dibdib ko si Cutie at hinimas ang ulo niya ng marahan.

"Why sad?" Tanong niya at napangiti ako ng onti sa kaniya.

"May iniisip lang ako, Cutie. Medyo naguguluhan lang ako ngayon dahil sa mga nangyayari." Bulong ko.

"Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa mga nangyayari ngayon at hindi ko na din alam kung ano ang gagawin ko." Dugtong ko pa.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong wala si Acane na naman dito. Saan na naman kaya siya nagpunta ngayon?

"Nasaan si Acane? Naabutan mo ba siya kanina, Cutie?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya sa 'kin at napabuntong hininga ma lang ako. Kaya naman bumangon na ako mula sa kama at naglakad papasok ng banyo para makaligo na.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon