Date Published: November 10, 2021
Pagkalabas ni Rose mula sa opisina ay nanahimik ang lahat. Napatingin sa isa't isa sila Lenrick at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Poprotektahan ko po siya at hindi ko hahayaan na may manakit sa kaniya," pag-deklara ni Sheign at tumingin sa kanilang lahat.
"Susundan ko lang po siya para makasiguro na ligtas siya." Tumakbo na palabas mula sa opisina si Sheignierre pagka-ubos ng kinakain niyang tinapay. Tumikhim naman si Head-wizard kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat.
"Iwan niyo munang mag-isa si Ms. Crossevell dahil delikado ang mga witch 'pag galit," sabi ni Professor Mychuka na nasa tabi ng Head-wizard.
"Paano po 'yung bata? Kahit na witch hunter 'yon ay bata pa rin po siya," nag-aalalang tanong ni Ashveil.
"Hindi niya masasaktan 'yong bata at sigurado ako doon," komento ni Arcy at sumandal sa pader.
"Hindi kayang manakit ng isang bata si Miss Crossevell, mas lalo na kung magkaparehas sila ng dugo." Nagtaka ang lahat dahil sa sinabi ni Head-wizard at hindi nila naintindihan ito.
"Pakisabihan ang lahat na wala na munang pasok sa araw 'to dahil iimbestigahan natin ang buong paligid." Agad lumabas sila Lenrick at naiwan si Ricasheign.
"Under protection ng academy si Ms. Crossevell kaya hindi mo siya p'wedeng galawin nang walang pahintulot mula sa 'ming dalawa," paninimula ni Head-wizard.
"Mabalitaan lang namin na ginalaw mo siya ay kami na mismo ang magpaparusa sa 'yo, witch hunter. Tandaan mo 'yan," dugtong pa ni Professor Mychuka.
LENRICK
Pagkalabas namin mula sa opisina ay agad kaming nagsipunta sa mga classroom para sabihan sila tungkol sa pagkawala ng klase.
"Guys! Walang pasok ngayon dahil sa may iimbestigahan sa academy! Magsibalik na kayong lahat sa mga dorms!" sigaw ko gamit ang isip ko.
Agad namang nagsilabasan ang mga estudyante at nagtakbuhan paalis para gawin na ang mga sinabi ko.
"Mas madali talagang gamitin ang telepathy ni Len pagdating sa mga ganito," komento ni Ashveil.
"Buti nga nagagamit ko eh," sagot ko naman at natawa sila.
"Puntahan na natin si Rose. Tara," pag-aya ni Henry at tumakbo na kami paalis.
•*•*•*•*•*
Pagkatapos naming sabihan ang lahat na walang pasok ngayon ay natakabo kaming lahat papunta sa girls' dorm para puntahan si Rose.
"Sana ayos lang si Ate Rose," rinig kong saad ni Sarah.
"'Wag kang mag-alala, ayos lang siya. Nababasa ko pa ang isip niya," sagot ko.
"Pero wala akong ibang mabasa kundi ang galit niya sa mga witch hunters at wala nang iba pa," dugtong ko pa at nakarating na kami sa harap ng dorm.
Nandoon si Rose at nakatayo lang habang nakatingin sa dorm. Nasa likod niya 'yung batang witch hunter at dahan-dahang nalapit kay Rose.
BINABASA MO ANG
Destined Partners: Wizards' Academy
Fantasy"Shall I be his partner?" Roselinda Ynna Crossevell is a witch who wants to learn how to use white magic to control the Dark Spirit within her. For her to learn it, she needs to enroll in a nearby academy from the Town of Arizalma. What will happen...